Lhaiel's POV
    Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Hannah. Napabuntong hininga ako. Kanina habang nag iisip ako kung itutuloy ko ba ito,buo na ang loob ko pero ngayon, parang pinanghihinaan na ako ng loob. 
  I shake my head, taking out all of the negativity inside of my mind. This is now or never. Gusto ko lang malaman kung bakit. 
  Pero deep inside, isinisigaw ng puso ko na hindi lang yun ang dahilan kung bakit ako nandirito. Gusto kong bawiin kung ano ang akin at si Hannah yon. I thought about it a hundred times. I want her just for me. There's no turning back now.
  Bumaba ako ng kotse ko at huminga muna ng malalim bago pindutin ang doorbell. Nakailang doorbell ako bago may magbukas ng gate na isa sa mga kasambahay nila. 
  "Sir Lhaiel?," halatang nagulat si Manang Rosie pagkakita sakin. Hindi niya tyak inaasahan ang walang pasabing pagdalaw ko. 
  "A-anong ginagawa nyo dito?,"
  "Manang Rosie nandiyan ba si Hannah?," tanong din ang isinagot ko sa kanya. 
  "A-ah, eh.. Kuwan ho kasi, uh. Ano ho..," sambit nya na hindi malaman kung ano ang sasabihin habang napapakamot sa ulo. 
  "Manang, I need to talk to her, so please tell me if she was inside," paki-usap ko sa kanya. 
  "Sir, a-ano ho kasi, wala sya sa loob," sagot ni manang. 
  "Asan siya Manang?," tanong ko at kitang kita sa mata ko ang pagmamakaawa. Lahat gagawin ko maibalik ko lang siya sakin. 
  "Nasa simbahan siya,ikakasal na siya ngayon," noong marinig ko yung sinabi ni Manang, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. 
  Sumisikip ang dibdib ko. Hindi, hindi yon totoo. Nagbibiro lang si Manang. Ayaw lang niyang sabihin kung nasaan talaga si Hannah. 
  "Manang naman, wag nga kayong magbiro ng ganyan," I said laughing nervously and silently praying that it was some kind of joke. 
  "Nagsasabi ako ng totoo, at kung gusto mo siyang makita sa huling pagkakataon, sasabihin ko kung saang simbahan," sabi ni Manang na halatang naaawa sa akin. Bigla akong nagkaroon ng pag asa kaya hinawakan ko siya sa balikat at nagmakaawang sabihin kung saan. Agad din naman nyang sinabi, nagpasalamat ako at agad-agad din akong sumakay ng kotse. 
  Ilang minuto lang narating ko na ang simbahan na sinabi ni Manang. Sa labas palang ng simbahan ay halatang may idinaraos na kasal sa loob dahil sa mga nakaparadang mga sasakyan at mga bulaklak na nakapalamuti sa harapan nito. 
  Biglang sumikip ang dibdib ko at naramdaman ko na naman ang sakit but this time, mas masakit dahil hindi ko alam kung kaya ko pa bang makita na wala na talaga na baka huli na ako. Pero nilakasan ko ang loob ko at bumaba sa kotse para pumasok sa loob ng simbahan. 
  "You may now kiss the bride," naulinigan kong sambit ng pari nang nasa tapat na ako ng pinto at agad akong napako sa kinatatayuan ko dahil mula dito tanaw ko sya. 
  She was standing there looking as beautiful as ever in her white dress. But what caught my attention the most was the guy beside her. That's supposed to be my place, not his. 
  I felt like I was losing myself when I saw him kissing her. I feel the urge to yell and run towards them to stop him from kissing her. But I can't, it feels as if I'm frozen there. Pain and hurt was eating me piece by piece. 
  Hindi ko alam kung anong iisipin. Ito na ba talaga yung katapusan ng lahat?  Ito na ba yung katapusan ng kwento naming dalawa. 
  Iniwan niya ako ng walang dahilan para magpakasal sa hambog na anak ng isang congressman na yan. Hindi ko maintindihan kung bakit. 
                                      
                                  
                                              BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)