Rev's POV
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko. Ilang oras na din akong nakauwi mula ospital at sa paghatid kay Ajay. Gusto ko sanang mamahinga ngunit hindi ako mapakali.
Something has been bothering me right after I got here in the Philippines up until now. There's something to do about Ajay, I mean...
"Argh!," I sighed loudly. May mali eh. May mali talaga. I just can't put a finger on it. Or should I say it's impossible?
Ilang minuto pa akong nagpagulong-gulong sa kama ko bago napagdesisyonang bumangon.
I threw my jacket on and headed downstairs. I just need to clarify something. Kinapa ko ang susi ng kotse ko sa bulsa at ng masigurong naroon ay agad na akong nagtungo sa garahe. Nang makasakay ay agad kong pinaandar ang kotse ko patungo kila Ajay.
Habang binabagtas ang daan patungo sa kanila ay hindi maalis sa isip ko ang tagpo noong nakaraang gabi at noong gabi bago kami umuwi sa bahay ng lola ni Lhaiel.
I was already in my room that night, but I couldn't sleep so I decided to go outside to get some fresh air. Tahimik na ang buong bahay kaya ang isip ko ay tulog na ang lahat. Sa view deck ako nagtungo. Nang nandoon na ako ay tumingin ako sa karagatan. Tahimik ito at kalmado. Payapa din ang ihip ng hangin. Maya-maya ay may natanaw ako sa may di kalayuan. Medyo maliwanag ang sinag ng buwan kung kaya agad kong nakilala kung sino ang taong iyon.
It was Ajay. He was sitting in the sand and facing the sea. Napakunot noo ako dahil ang alam ko ay kanina pa siya natutulog.
What on earth he's doing out there?
Napagpasyahan kong puntahan siya at nang makalapit ako ay agad akong napahinto sa paglalakad.
"I don't know how long I could keep this secret," sambit niya sa kawalan. Napakunot noo ako dahil sa narinig.
"I am not who they thought I am,"
Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi niya. Marahil ay dala lamang ito ng dami ng alak na nainum niya.
"Snatching your friends from you wasn't my intention," sambit pa niya habang nakatingin sa kawalan.
"Hindi ko na kaya, I need you here. I need you Ajay,"
Napailing ako dahil sa narinig. Siguro ay nasobrahan siya ng inom. Itinaas niya ang kamay at noon ko lamang napansin na may hawak pala siyang bote ng alak. Tuloy-tuloy niya itong nilagok kaya naman agad akong lumapit.
"Hey, stop it," sambit ko sabay agaw sa kanya ng bote. Tinignan niya ako at nang makilala ako ay agad siyang yumakap sa akin na siya namang ikinabigla ko. For a split second, I thought I was talking to someone else.
"Rev," sambit niya bago humagulgol. Hindi ako nakakilos dahil sa mga nangyayari.
"I'm tired," muling sambit niya sa pagitan ng paghikbi.
Hindi ko alam kung paano siya ico-comfort. Dahil hindi ko din alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Kaya naman niyakap ko nalang din siya at hinayaang iiyak lahat ng kanyang hinanakit. Marami siyang sinasabi ngunit hindi ko naman naiintindihan dahil sa pag-iyak niya.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras ko siyang pinatatahan, hanggang sa napansin kong nakatulog na siya marahil sa kalasingan at sa pag-iyak. Sa tulong ng sinag ng buwan ay kitang-kita ko ang mukha niya na kahit tulog ay bakas parin ang lungkot at sakit na nararamdaman.
Ilang beses akong napakurap dahil iba ang nakikita ko ngayon. Pinilit kong alisin sa isip iyon. Napailing ako bago siya buhatin at idala sa sariling kwarto. That's all I remembered. Hilo na din ako nung gabing iyon kaya hindi ko na naalala pa ang mga iba pang nangyari.
The only thing that I knew was Ajay's hiding something from us. And I wanna know what is that.
Ilang sandali pa ay nakahinto na ako sa driveway nila Ajay. Napabuntong hininga ako bago bumaba ng sasakyan. Ilang beses akong nag-door bell bago ako pagbuksan ng kanilang kasambahay. Agad naman akong pinapasok nito at iginiya sa kanilang garden dahil naroon daw ito.
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)