Lhaiel's POV
"Eew what's that! Nasuka ka ba?," tanong sa akin ni Angel na sa damit ko natingin ng makasalubong ko ito habang papasok ako sa beach house at siya naman ay palabas.
Napangiti ako ng maalala ang pangyayari kanina.
"May baliw na babaeng nagtapon ng shake sakin," sagot ko bago tuluyang pumasok at magdiretso sa kwarto ko para magpalit. Nang matapos ako ay nagdiretso ako sa view deck dahil nandoon silang lahat.
"Sino kaya iyong special guest na sinasabi ni Roby?," naabutan kong tanong ni Ajay kay Rev habang nakaupo sila at nagpapahangin.
"Anong special guest?," takang tanong ko bago umupo sa tabi nila.
"Hindi nga namin alam eh,umalis kasi siya kanina ang paalam niya may susunduin daw siya," paliwanag ni Ajay.
"Guys, hindi ba kayo nabobored?," napalingon ako kay Angel na nakasimangot na naman.
"Uupo nalang ba tayo dito?,"
"How about beach volleyball?," tanong naman ni Yan.
"Sounds good," pagsang-ayon naman ni Rev. Nagpresinta si Jia na siyang maghahanda ng mga pagkain. Kaya kami nila Ajay, Yan,Rev at Angel ang lumabas para maglaro. Kami ni Angel ang magkasama at si Rev naman saka si Ajay. Si Yan ay naupo lamang sa isang bench upang magbasa ng libro.Syempre talo sila kaya pinaparatangan na naman ako ni Ajay na nandadaya. Ilang minuto kaming naglaro hanggang sa magsawa kami. Kasalukuyan kaming nag-papahinga sa cottage na tanging may-ari lamang ng resort ang pwedeng gumamit ng makarinig kami ng tilian.
"May away yata!," sigaw ni Ajay kaya napatayo ako at handa ng tumawag ng security nang mapagtanto ko na wala namang nag-aaway. Hindi naman tumatakbo palayo ang mga tao, kundi tumatakbo sila palapit sa mga nagtitilian. Specially ang mga babae. Lumabas kami sa cottage to get a better look.
"Oh my god!! Oppa saranghae!," narinig naming tilian ng mga babae.
"What the fuck?," sambit ni Angel habang nakatingin doon sa mga nagkakagulo. Mayamaya ay nanghablot siya ng isang babae na tumatakbo at tinanong kung ano ang nangyayari.
"May gwapong oppa na dumating," kinikilig na sambit nito bago muling tumakbo.
"Oppa?," bulong ni Angel sa sarili habang nakatingin padin sa mga nagkakagulo. Maya-maya pa ay dumating na si Jia kasama si Mommy. Dala nila ang mga pagkain na niluto nila.
"Is that kuya Rain? He dyed his hair?," sabi ni Jia kaya napakunot noo ako at sinundan ng tingin ang tinitignan niya. At mula sa mga nagkakagulong babae ay lumabas ang isang lalaki na may kulay pink na buhok. Ilang sandali ko pa siyang tinitigan at nang mapagtanto kung sino siya ay hindi ko napigilang tumawa. He actually dyed his hair!
"Annyeonghaseyo," sabi niya ng makalapit sa amin at magtanggal ng shades.
"Nae ileum-eun biibnida,"
"What the hell he's talking about?," takang tanong ko sabay lingon kay Angel.
"He was saying his name," kibit balikat na sagot nito bago bumalik muli sa loob ng cottage.
"Anong nangyari sa kanya?," mahinang tanong ni Ajay habang nakatitig kay Rain. Natawa ulit tuloy ako dahil every time na mapapatingin ako sa kanya ang tanging naiisip ko ay iyong mga kiti ng manok na kinukulayan at ibinebenta kapag fiesta.
"Oh fuck, he looks like cotton candy," sambit naman ni Rev habang nakatingin din kay Rain. He seemed a little bit disgusted. Napailing nalang ako bago pumasok din sa loob at iwanan silang tatlo sa labas. Yeah,those three looney toons are destined to be together.
~~
Alleya's POV
"Alleya this is a bad idea," reklamo ni Rica habang papunta kami sa sariling kwarto upang magpalit ng wet suit.
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)