CHAPTER 26: "WE MET AGAIN"

15 2 0
                                        


Lhaiel's POV

"Sobrang tagal naman ni Rev," bagot na reklamo ni Rain habang panay ang subo nito ng cookies.

"Sabi niya nasa daan na daw siya but I doubt it," nakapangalumbaba namang sambit ni Yan habang nakatunghay sa kanyang cellphone.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa coffee shop na poborito naming tambayan mula pa noon. Sa coffee shop ni Tito Noel. Nakaplanong dito kami magkikita-kita bago magtungo sa lugar kung saan nais bumili ni Rev ng lupang pagtatayuan ng pinaplano niyang bahay. Siya na nga itong nangangailangan, siya pa ang kahulihukihang dadating.

"Baka naipit sa traffic," sabi ko bago humigop ng kape.

Minabuti naming magkwentuhan nalang muna habang hinihintay si Rev.

"Wala ba kayong napapansin kay Ajay?" napalingon ako kay Yan ng bigla itong mapatuwid sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung sa sinabi ba ni Rain tungkol kay Ajay o dahil sa tinitignan niya sa kanyang cellphone.

"Bakit anong meron?" takang tanong ko kasi wala naman akong napansing kakiba sa kanya.

"Wala, napansin ko lang kasi, parang iniiwasan niya tayo?," paliwanag ni Rain. Nagkibit balikat na lamang ako dahil para sa akin ay wala namang kakaiba kay Ajay. Maybe busy lang siya talaga.

"Hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko," nanlulumong sambit ni Rain. Sila kasing dalawa ang palaging magkasama sa kagaguhan.
"Hindi naman siya ganon dati,"

"Baka ayaw kalang niyang kausap," pakli naman ni Yan na sa cellphone parin nakatingin.

"Bakit ikaw? Sinasagot ba niya tawag mo?," taas ang kilay na tanong ni Rain.
Saglit na natigilan si Yan sa ginagawa at tumingin ng masama kay Rain.

"Wala akong number niya," sambit nito bago ibalik sa cellphone ang paningin. Napailing nalang ako dahil sa kanila.

Maya-maya pa ay dumating na si Rev.
"Sorry guys, late ako," sabi nito sabay upo sa tabi ni Yan.
"Dumaan pa kasi ako kila Ajay para sana sunduin siya kaso wala daw siya don eh,"

"Saan daw nagpunta?," tanong naman ni Rain habang kumakain ng cookies. Hindi parin niya iniiba ang kulay ng kanyang buhok dahil marami daw nagsasabi na mukha siyang koryano dahil dito.

"Hindi din alam ng mga tao sa kanila eh, basta maaga daw umalis, hindi din daw nagsabi kung anong oras babalik at kung saan pupunta," sagot ni Rev sabay tingin sa kanyang cellphone na katutunog lang.

"Saan naman kaya pupunta 'yon?," takang tanong ko dahil hindi ugali ni Ajay ang hindi magsabi ng kanyang mga pupuntahan.

"Sabi ko sa inyo eh, may kakaiba talaga sa kanya," sabi naman ni Rain. Nagkibit balikat na lamang ako dahil baka mayroon lang talagang importanteng lakad si Ajay kaya hindi na nakapagpaalam.

" Guys let's go, ayos na ang mga papel ng lupa, kailangan ko nalang tignan muna bago pumirma," maya-maya'y sambit ni Rev bago tumayo.
"Andon nadin si Roby, pinsan pala niya 'yung may-ari ng lupa,"

Kotse na lamang ni Rev ang sinakyan namin dahil apat lang naman kami. Halos kalahating oras din ang byahe mula sa coffee shop bago marating ang lupang bibilhin ni Yan. Nang dumating kami ay naroon na nga si Roby at kausap ang pinsan nito. Maluwang ang lupa at napaliligiran ng mga iba't ibang punong kahoy. Mayroon din batis sa may di kalayuan kaya nagustuhan din ni Rev. Maganda ang lugar kaya agad na nagkabilihan at nagkapirmahan na ng mga dukomento. Gabi na ng kami ay makabalik sa coffee shop upang kuhanin ang sari-sarili naming sasakyan dahil doon namin iyon iniwanan.

Pagdating ko ng bahay ay sinubukan kong tawagan si Ajay ngunit patay ang cellphone nito. Nakailang tawag ako ngunit patay talaga kaya napagdesisyonan ko na lamang na matulog na at kinabukasan nalang siya kausapin upang tanungin kung ano ang kanyang problema.

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon