Alleya's POV
"Dito na lang," mahinang sambit ko nang nasa tapat na kami ng bahay ko. Ilang blocks lang ang layo mula sa kanila. Ang liit din talaga ng mundo. Dito din pala siya nakatira sa subdivision kung saan ako nakatira. Akala ko pa naman hindi na muling magtatagpo ang mga landas naming dalawa.
Pero kahit iwasan kong isipin ay mayroon ding parte sa akin na masaya dahil sa muli naming pagkikita. Hindi ko alam kung bakit ganito ang narardaman ko. Maybe attracted lamang ako dahil hindi naman maikakaila ang pagiging gwapo niya.
And he's a good kisser too.
Napailing ako dahil sa naisip at ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi dahil sa biglaang pagbaha ng mga alaala ng aming bakasyon sa aking isipan.
That kiss.
Agad kong sinaway ang aking sarili dahil hindi ako makapag-isip ng matino dahil parang sirang plaka ang aking utak at paulit-ulit na ni-re-replay ang scene na iyon. Mabuti nalang at nakababa na siya ng sasakyan kaya hindi niya nakikita ang aking itsura. Baka kung ano na naman ang isipin niya pag nagkataon.
Pinanuod ko siya habang naglalakad patungo sa passenger side para pagbuksan ako ng pintuan.
Tss! Kala mo gentleman talaga ah?
Kalong parin ang aking aso ay agad na akong bumaba para sana magpasalamat ngunit napataas ang aking kilay dahil sa kanyang sinabi.
"I just opened the passenger door for you, and you already blushing?," mayabang na sambit niya.
Napaismid ako dahil sa narinig at agad na ibanaba ang aking aso bago punasan ng likod ng aking palad ang aking pisngi. Hoping na maiaalis nito ang pamumula.
"In your dream," pagtataray ko habang nakatingin sa kanya ng masama.
"Mainit lang noh kaya ako namumula," turan ko pa.
"Whatever you say Milady," nakangising sabi niya.
"Hindi mo na ako matatakasan dahil alam ko na ang bahay mo"
"Hindi ho kita tatakasan, wag kang mag-alala at babayaran ko ang nasira ng aso ko," kunot noong lintanya ko.
"Magkano ba at ibibigay ko na?,"
"I don't need cash," nakangiting sambit nito.
Ano naman kayang gusto nito? Napamulagat ako ng mga mata sabay yakap sa aking sarili. Kung iyon ang kanyang gusto ay hinding-hindi ko iyon ibibigay sa kanya. Kita ang pagkamangha sa kanyang mata habang sinisipat ako ng tingin.
"Ganyan ba ang pagkakakilala mo sa akin?," natatawang tanong niya.
"Tomorrow, 8 pm, let's meet again,"
Iyan lamang ang kanyang mga sinabi bago umalis.
Huh?
Napakurap ako habang pinuproseso ang mga naganap. Ilang minuto na siyang nakakaalis ngunit nakatayo parin ako sa labas ng bahay namin.
Did he just ask me on a date?
Napakamot ako ng ulo dahil sa naiisip.
Alleya? Did he ask you?
Napabuntong hininga na lamang ako bago tuluyang pumasok sa loob. Hindi na ako nagluto dahil wala naman si Tita at hindi din naman ako nagugutom. Minabuti kong maligo na lamang upang kalmahin ang sarili dahil sa hindi maipaliwanag na bagay na aking nararamdaman.
~~
Ajay's POV
I was lying silently on my bed. Not wanting to do anything. I'm too tired to move. Too tired of everything. I looked at my phone which is buzzing now and then but I didn't pick it up. Kanina pa mayroong tumatawag ngunit hindi ko sinasagot. Ilang araw na din akong hindi nagpapakita sa aking mga kaibigan.
Sa kanyang kaibigan.
I heave a sigh, ignoring the voice inside my head before getting up and walking to my bathroom.
Napabuntong hininga akong muli bago isara ang pinto at i-lock ito.
Pinasindi ko ang gripo at pinuno ng tubig ang bathtub bago maghubad ng damit at lumublob dito.
Ramdam ko ang lamig ng tubig na bumalot sa akin. Kasing lamig ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. I lost track of my life. I don't know how to deal with my problems.
Why do I have to feel this pain?
I closed my eyes and then dropped my whole body into the bathtub water. The cold water embracing me made me shiver. Ilang minuto na akong nakalublob sa tubig at ramdam ko na ang pagrereklamo ng aking baga dahil sa kawalan ng hangin but I chose to lay still. Nang hindi ko na talaga kaya ay agad akong umahon at habol ang hiningang niyakap ang aking sarili.
Hindi ko na napigil ang pag-iyak dahil sa bigat ng nararamdaman.
I rocked myself back and forth while my tears were freely streaming down to my face. Napakadaming bagay ang umiikot sa aking isipan. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko pa makakaya ang nararamdaman ko.
Bakit ba kasi ikaw pa ang nawala?? Sana ako nalang!!
I don't have the strength to say it out loud because I'm afraid that if I'm being too loud, my mother will hear me and I don't want that to happen.
Gusto kong bumalik ang lahat sa dati. Gusto kong maging masaya muli. Gusto kong tumawa ng walang iniisip na mayroon pala akong dalang problema.
How could you let me experience this pain? Sabi mo noon hindi mo hahayaang masaktan ako. Why do you leave so early?
Napatingin ako sa gunting na nakasabit sa gilid ng salamin at wala sa sariling tumayo upang kuhanin ito. Nang makuha ito ay napatingin ako sa sariling repleksyon. I looked like a mess. Halata na ang pangingitim sa ibaba ng aking mga mata dahil sa hindi pagtulog ng maayos. I want to put an end to everything. I don't want to feel this pain anymore.
I closed my eyes.
I'm sorry, I want to be where you are now. I can't do this anymore.
Itinaas ko ang kamay na may hawak sa matalim na gunting at handa na sanang itarak ito sa aking dibdib ngunit isang alaala ang lumitaw sa aking utak. Hanggang sa sa nasundan pa ng marami. Animo'y isang palabas itong ipinapakita sa aking isipan. Mga alaalang kasama sila.
I saw Lhaiel's smiling face when Rain did something stupid. Yan's frowning face when he doesn't get the joke. I see all of their faces. Rev, Roby, Arcie, and Jia.
Dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay na may hawak na gunting bago muling humagulgol. Muntik na namang maulit ang isang malaking kasalanan na aking nagawa kailan lang. Hindi pa gumagaling ang sugat mula sa aking paglaslas ngunit heto na naman ako, binabaliwala ang ibinigay sa aking isa pang pagkakataon upang maitama ang aking pagkakamali.
"I'm sorry," I said while crying. Napaupo ako habang patuloy sa pag-iyak.
"I'm sorry,"
Halos wala na akong makita dahil hilam na sa luha ang aking mga mata. Alam kong mali ang aking nagawa noong nakaraan na maglaslas. Kung hindi dahil kay Rev ay baka wala na ako ngayon. Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Alam kong nagtataka na siya dahil sa mga ikinikilos ko. I owed him an explanation. I owed THEM.
Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nagkulong sa banyo habang umiiyak. Nang maibuhos ko lahat ay nanghihina akong tumayo upang ayusin ang sarili.
"I will fix myself," sambit ko habang nakaharap sa salamin at nagpupunas ng mga luha. Namamaga na ang aking mga mata dahil sa sobrang pag-iyak.
"I will fix everything,"
Hinawakan ko ang tanging bagay na nagpapakita ng pagkakaiba namin ng aking identical twin. Ang aking balat sa kanang braso na nagawa kong itago sa lahat sa pamamagitan ng pagsusuot ng mahahabang manggas.
"Aaminin ko na ang totoo sa lahat," determinadong sabi ko sa sarili. Kahit hindi madali, kahit alam kong kapalit nito ay magbabago na ang lahat. Kahit alam kong maaaring mawala sa akin ang mga bagay at taong napamahal na sa akin.
"I'm sorry Ajay, hindi ko na kaya pang tupadin ang pangako ko sayo. I hope you understand,hanggang dito nalang ang kaya ko,"
Pagkatapos maligo ay agad akong nagbihis upang umalis para pumunta sa isang lugar na ako lamang ang nakakaalam. Sa lugar kung saan nakahimlay ang aking kakambal.
***
BINABASA MO ANG
WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)
RomanceThis is the tale of a genuine love and friendship. True friends will stick by you through thick and thin, offering you advice and support. Some people come and go but true friends never leave your side no matter what it takes. Lhaiel San Diego w...
![WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)](https://img.wattpad.com/cover/157434552-64-k904632.jpg)