CHAPTER 21 : "DOUBLE THE TROUBLE"

23 4 0
                                        


  Lhaiel's POV

   Kinabukasan ay maaga akong nagising, although I was wasted last night. Agad akong nagtungo sa banyo upang maligo para maibsan ng kahit kaunti ang sakit ng ulo ko.
   Pagkabihis ay nagtungo ako sa kusina upang magtimpla ng kape. Napansin kong tahimik ang paligid. Marahil ay tulog pa ang iba. Habang nagtitimpla ay tiningnan ko ang wristwatch ko para alamin kung anong oras na. Nagulat pa ako ng mapagtantong pasado alas singko palang ng umaga.
Usually kasi kapag nalalasing ako ay tanghali na akong nagigising. Nagkibit balikat na lamang ako bago naisipang magtungo sa view deck nitong beach house at i-enjoy ang pagsikat ng araw.

   Nagulat ako ng maabutan ko doon si Rain. Nakatayo ito at sa dalampasigan nakaharap. Nakalagay ang magkabila nitong kamay sa bulsa at nakatanaw sa malayo. Para bang sobrang lalim ng iniisip nito. It is rare to see him acting like that. I am used to a cheerful Rain but I guess, a person who always smiles is the person who hides a hurtful sob the most.
  To be honest, guilt was eating me right now. I don't even have a clue what's happening around me because I'm all caught up in my distress.
   Last night, I heard all of his rants. He was hurting because of Arcie. And as ridiculous as it may sound, Arcie was hurting because of me. What a cruel world.

   Napabuntong hininga ako bago lumapit sa kanya.

    "What's up," sambit ko bago humigop ng kape. Nilingon ko siya at napansing lata ng beer ang hawak imbis na kape. Again, seeing him like this was very rare.
   "Ang aga-aga umiinom kana,"

Lumingon siya sa akin at ngumiti bago magsalita.
   "Gusto ko lang i-try kung anong nararamdaman mo kapag maaga palang ay umiinom kana,"

Napailing ako bago muling humigop ng kape.
Alam kong may malalim na dahilan kung bakit siya ganito. Kitang-kita naman sa kanya.

   "I know everything so stop pretending Rain," turan ko bago humarap sa payapang karagatan in front of me. Nang hindi nakarinig ng ano mang tugon mula sa kanya ay hinarap ko siya bago muling magsalita.
   "You can cry if you want,"

  Napailing siya at napangiti bago magsalita.
  "Mukhang nalasing ako kagabi ng sobra."

   Napatawa ako ng mahina ng maalala ang mga kabaliwan na ginawa niya kagabi ngunit bigla ding napatahimik ng maalala ang mga pag-amin niya tungkol sa nararamdaman niya para kay Arcie.

    Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa amin bago siya muling magsalita.
  "Do you hate Arcie for loving you?"

  "Is that what you think?" sa halip ay balik tanong ko din.

  "Ang tagal niyang nawala at ngayong nagbalik na siya ay parang wala lang sayo?" halata ang inis sa boses niya. Hindi ko siya masisisi. Seeing your loved one hurt by someone else was just too much.

  "Masaya ako dahil bumalik na siya after so many years," sambit ko.
"Kaya lang, may mga bagay na hindi na pwedeng ibalik pa sa dati,"

  Rinig ko ang malalim niyang buntong hininga.
  "Hindi ba pwedeng ibalik kung ano kayo dati?,"

  "Kung gagawin ko iyon, alam nating pareho na mas lalo lang siyang masasaktan," turan ko. Napailing siya bago ibaling ang paningin sa malayo.

   "Gaano ba kahirap sa iyo na ibalik ang dating pakikitungo mo sa kanya?," tanong niya.

  Napapikit ako ng mariin. Mahirap sa akin na gawin iyon dahil doon nagsimula ang lahat. I treated her like my own younger sister, but look what happened? She misunderstood everything.

  "Look, I don't blame you if you're mad at me but, it was also hard for me," sambit ko bago mapabuntong hininga.
  "Hurting Arcie wasn't my intention. I do love her, but not the way she wanted me to. I want her to be happy but I can't give her the happiness she wants,"

WHEN TWO BROKEN HEARTS COLLIDE [ON GOING] (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon