Chapter 8

72 5 1
                                    


Happy reading :)

-

"Here," he said. Inabot niya sa akin ang brown paper na naglalaman ng mga candies ko.

"Magkano?" I asked. Handa na akong dumukot ng pera sa bulsa ko but his eyes were telling me to stop so I did.

"Sa'yo na lang. You don't need to pay. However, you need to grab a coffee with me."

Yakap yakap niya ang mga brown bags habang naglalakad kami palabas ng grocery store. Kahit na gusto kong sumama sa kaniya dahil nga once in a blue moon lang siya nag-aaya ay ayaw ko namang i-ghost 'yung mga kaibigan ko.

His presence was telling me to not decline his offer but I am afraid that I'll need to decline.

"Pass muna ako. May kasama ako, bumili lang ako ng lollipops saglit kaya nauna na siya sa loob." Nginuso ko ang Kiera's.

"Who are you with?" he asked with a straight face. Hindi ko siya mabasa. Ilang beses ko ng tinangang basahin ang nararamdaman niya pero para siyang bato.

"Bakit kailangan mong malaman?" tinaasan ko siya ng kilay. So, curious na siya sa buhay ko ngayon?

"I just feel like I need to." Nagkibit balikat siya. Ba't ang cute niya yata ngayon?

"Next time then," he said.

Bigla siyang naglakad paalis, iniwan ako sa pwesto ko. Nakatingin lang ako sa papalayo niyang pigura. Nakangiti ako habang tinitignan ang paalis niyang kotse.

Well, at least he did consider being me with again.

"Saan ka ba galing?" tanong ni Sharity. Si Leo nauna na sa kuhaan ng pagkain, hindi man lang ako hinintay.

"Sa grocery lang." pinakita ko 'yung brown na paper.

Nginiwian niya ako at saka ako hinila sa buffet. Just the sight of those mouthwatering foods made me full. Wala pa akong kinakain pero busog na yata ako.

"Damihan mo, Jem. Minsan lang 'to. Kung diet ka, umuwi ka na lang," sabi ni Leo at saka ako nilagyan ng bueger sa plate ko. Habang kumukuha siya ng foods ay ngumunguya siya. Hindi na makapaghintay maka-upo.

"Maimpacho ka sana!"

"Ang sama mo! Maging malas ka sana sa love life mo habang buhay!"

I snorted. "Grabe ka naman! Impacho lang hiniling ko sa'yo, ikaw naman gusto mong maging miserable ang buong buhay ko!"

Pinalo ko siya sa braso pero tila wala siyang naririnig. Nakapokus na lang ang kaniyang buong isip at katawan sa mga pagkain sa harapan. Parang nahy-hypnotize.

"Bati na kayo?" bulong ni Rorry. Sumundot sundot pa siya sa tagiliran ko.

"Nino?" Kunot noong tanong ko, nagkukunwaring hindi alam kung sino ang tinutukoy niya.

"Si Papi Xy, sino pa ba?"

"Inaya niya ako magcoffee."

She shrieked. Pag talaga nagk-kwento ako sa kaniya mas excited pa siya sa akin.

"O tapos?"

"I declined." Kumagat ako sa sandwich na nasa plato ko. Kinakain kaya ni Xy 'yung mga sandwich na binibigay ko sa kaniya? I hope so, kung hindi naman sana ipamigay niya na lang at huwag niya namang itapon.

"You declined? Sira na ba 'yung hearing aid ko? Kailangan ko na yatang bumili ng bago?"

"Nagh-hearing aid ka?" gulat na tanong ni Leo na nasa likod pala namin.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon