Chapter 26

48 4 4
                                    

Happy reading :)


-

Nagulat ako nung mga sumunod na araw ay hindi ko na macontact si Xy. Ni anino niya ay hindi ko nasasagap. Sa araw na iyon ay palagi akong sinusundo at hinahatid ni Quio sa trabaho. Minsan ay sabay pa kaming kumain. Xy's always updating me pero gusto ko na ulit siyang makita.

Sabi niya, they went to Canada. Mabuti nalang at nalaman kong ligtas silang nakalapag pero matapos ng ilang linggo ay bigla na lang siyang hindi tumawag. I was waiting for his calls pero wala akong natanggap. Gaano ba kahirap ang Canada para mawalan sila ng signal? Si Rorry nga na nagbakasyon lang doon ay nagagawa akong tawagan.

I told you, Xy, I hate it when someone's leaving.

"Hihintayin kita," sabi ni Quio. Ngumuso ako. Imbes na si Xy na boyfriend ko ang mag-aasikaso sa akin at maghihintay ay si Quio ang nandito.

"Huwag na. Magpahinga ka na lang sa inyo." mabilis akong umalis sa sasakyan niya at agad na nagtatakbo. Nagulat siya sa ginawa ko. Narinig kong nagpumilit pa siya pero hindi ko na siya nilingon.

Agad akong nginitian ni Sun nang makita akong palapit. Ngumiti rin ako at saka nagpatuloy sa aking pwesto.

I was still a rookie and everything is new to me kaya hindi ko alam kung tama pa ba ang mga pinapagawa at inuutos sa akin dito.

"Jem, tawag ka ni Madame," ani Sun matapos niyang lumabas sa opisina.

Kanina may dalawang babaeng hindi nalalayo ang edad kay Mom ang pumasok dito. Hindi ko naman na iyon inusisa dahil patuloy ako sa pag-eencode. Ganoon pa rin sa pinagawa ni Kuya Ken ang ginagawa ko rito, ang naiiba nga lang ay mas masaya sa dati kong lamesa dahil sa mga kasamahan ko roon but I have the benefits here. Nalalaman ko kung ano at kailan dadating ang tinutukoy ni Titong investors.

Kumatok muna ako bago pumasok sa office. Sa akin nalipat ang kanilang mga tingin nang pumasok ako. Hindi ko ba alam kung dahil nagagandahan sila sa akin o ano. Pinanatili ko ang straight na ekspresyon habang ang tatlong babae sa harap ko ay panay nakangisi na akala mong mga bata na nakakita ng clown.

"I want fraffe," anas ng isa sa kanila. Agad ko silang pinangunutan ng noo.

"Choco latte ang akin, hija."

"Iced coffee," saad naman ni Tita. Mas lumalim ang kunot ng noo ko. Hindi kaagad ako nakasagot dahil sa bigla. Coffee shop ba ako at sakin sila umo-order ng kape? "Lumabas ka at bumili ng kape para sa amin. 'Pag wala ka pa rito ng thirty minutes ay mas mabuting huwag ka ng bumalik."

Gusto kong umangal pero pinigilan ko ang sarili ko. Keeping my enemy close will benefit me kaya kahit na anong paraan ng pagtitimpi ay ginagawa ko para lang mas mapalapit pa rito.

Kagat kagat ko ang gummy bear na pumasok sa elevator. Halos panggigilan ko ito dahil sa inis na nararamdaman.

Pagdating ko sa coffee shop ay kaagad akong um-order. Nagawa ko pang kumain ng cinnamon roll habang naghihintay. Nagscroll lang ako sa cellphone ko para pumatay ng oras.

Sharity: KTV later. G?

Matagal tagal na rin simula nung huling beses kaming nagkita nila Sharity. Kahit Sunday kasi ay pumapasok na ako dito dahil iyon ang gusto ni Tita.

Me: What time? 6pm pa out ko sa work.

Sharity: 6pm then. Sunduin kita dyan. Itatakas ko 'yung kotse ni Mama.

Nang tinawag ang pangalan ko para sa order ay nagmadali na ako. Binilhan ko rin ang sarili ko, iiwan ko na lang sa table ko mamaya bago ko iabot kila Tita ang kape nilang dapat ay nilagyan ko ng lason.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon