Chapter 41

59 3 0
                                    


Happy reading :)

-

Masakit ang ulo ko nang bumangon ako sa aking kama. I checked the time and it didn't surprise me anymore when I saw that it was already one in the afternoon.

"Ayos ka na?"

Tinanguan ko si Hera matapos kong uminom ng tubig. Hindi ko gustong kumain kahit na may pagkain namang nakalatag sa hapag.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na nagpakita sa akin si Vince kagabi. I am mad at him. Dineny na nga niya na anak niya si Hesha at sinabi pa nito noon na ipalaglag nalang ang bata. Walang kwenta.

"Aalis ka ba?"

Muli ko siyang tinanguan. Masakit ang lalamunan ko kaya kumuha ulit ako ng tubig at saka iyon tinungga.

Pupuntahan ko si Waige.

When Windy died, her friends came to the rescue.

Noon, si Xy lang ang alam kong kaibigan niya kaya I tried to call him again to tell him what happened. Kahit na alam kong hindi siya sasagot, I still call him.

Nung sa skype na 'yung ginamit ko to check out on him and I saw that he is online so I tried to call him again. Kahit na mahirap sa akin. I missed him but longing for him wasn't enough to make him come back to me.

Hindi niya inaccept ang call ko nung unang tawag pero nung pangatlo na, sinagot na niya. I was so delighted pero agad ding nabawi dahil hindi naman ako tumawag para sa aming dalawa kung hindi para sa kaibigan niya.

Wala akong nakitang emosyon sa kaniya nang makita ko ang kaniyang mukha. Pagod pa s'ya.

"Windy passed away," I said.

Worried ran across his face. Siguro para sa kaibigan at hindi na muna para sa akin. Nagkasakitan kami pero bakit parang ako lang ang nagdudusa?

"Are you okay?" He asked, looking so neutral. Ni hindi ko man lang naramdaman na nag-aalala talaga siya sa akin.

"Waige's not okay," sagot ko nalang dahil kahit kailan hinding hindi magiging okay sa akin ang pagkawala ni Ate.

I told him anything and he wouldn't even bulge. Sa tagal ng pag-uusap namin mas lalo akong nahihirapan. We are on a break but why does this feel so hard?

Kakausapin ko lang naman s'ya pero ang sakit sakit. Mas lalo pang sumakit nang makita kong parang wala naman siyang pakialam sa akin.

"Thank you for telling me. I'll ask Yno to go there." He smiled a bit but that didn't reach his eyes.

Binigyan ko lang din siya ng isang mapait na ngiti dahil hindi ko na alam ang sasabihin.

I badly want to tell him that I missed him but I know that it is not the right time to say it.

"Pahinga ka na."

"You too," pabulong kong saad kahit na hindi ko alam kung kaya ko pang magpahinga sa dami ng nangyari sa buhay ko.

I was there, in Waige's room, when Xy called. Bakas na bakas ang pag-aalala sa kanyang boses nang kumustahin ang kaibigan pero nung ako ang kausap niya, parang wala lang. He looks at me so casually to the point that he wouldn't even bother to show anything in his face. He could at least show anger or how annoyed he is because of our break but I got nothing.

Sumama ako sa kanila nang iniuwi nila si Waige. Yno is intimidating pero tinapangan ko na ang mukha ko para lang masamahan si Waige. I know Zolen already and this is the very first time that I saw him this serious.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon