Chapter 38

40 2 0
                                    

Happy reading :)

-

Since Tito Sylver is the one who's managing the company, medyo lumuluwag na ang oras ko. Hindi na ganoon kasikip. Nagagawa ko na kung ano ang mga gusto kong gawin. Kung last time, hindi kami nakakalabas ni Xy, ngayon ginugugol ko ang oras ko kasama siya bilang pambawi sa mahabang oras na hindi kami magkasama.

'Yung mga school works ko, hindi ko muna pinapansin dahil gusto kong bigyan ng pahinga ang sarili ko. Kahit sandali lang.

"Babe, what if, magbenta ako ng cookies then 'yung mga kikitain is bibigay ko sa charity or magbigay nalang ulit tayo ng food sa streets?"

"Bake?" he chuckled.

Agad na umasim ang mukha ko dahil sa naging reaksyon niya. He wrapped his hands around my waist making me smile. Pilit kong tinago ang ngiti ko at humalukipkip sa harap niya, kunwari ay nagtatampo pa.

"We don't need to sell anything to help, Sierra. We can cook and I have money."

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang akong pagbake-in."

"I will be lying if I agree to your idea, Sierra. Ayaw ko namang masira ang bahay niyo. Baka masunod. Sure, you can sleep in my condo for the meantime but the house, sayang." Umiling iling siya matapos niyang sabihin iyon.

Bakit pakiramdam ko lait na lait ako dito?

"'Wag na kasing baking, I am not really good with that." He tightened his grip on my waist. Humarap ako sa kaniya at saka siya pinindot sa ilong.

"Sinabi ko bang ikaw ang magbebake? Ako nga!"

"Sierra, maawa ka sa mga magiging customers mo," muli siyang humalakhak. Mas malakas na ngayon. "Ako nalang ang bibili ng pagkain na gagawin mo. Papakyawin ko na at hindi ko ipapatikim kay Mama para wala siyang masabi." Mas lumaki ang kanyang ngisi nang banggitin ang mama.

Agad akong pinag-initan ng pisngi dahil naalala ang comments ni Tita noon sa sandwich na palagi kong ginagawa kay Xy noong nagpapapansin palang ako.

"Ginagago mo ba ako, Xywon Arvine?" kunwari ay seryoso kong tanong. Mukhang hindi naman siya natakot dahil sumumsob lang siya sa balikat ko.

"No po, Ma'am. Just stating a fact." Muli siyang humalakhak nang ilayo ko ang sarili ko sa kaniya pero kahit anong layo ko ay lumalapit siya kaya ako na rin ang sumuko.

"You're so extra." Pilit kong sinilip ang kaniyang nakabaong mukha sa balikat ko pero kahit na anong lingon ang gawin ko ay hindi siya nag-aangat ng tingin.

"So do my love for you," he mumbled right in my neck. I stiffened when I felt how his lips touched my skin as he spoke.

"Extra large?"

"No, hindi nasusukat."

If his love for me isn't measurable then my love for him will never end.

Kahit anong mangyari, subukin man kami ng tadhana, hinding hindi matatapos.

Si Xy at si Xy lang ang pipiliin kahit na anong mangyari. Kung hindi na siya pwedeng piliin, hindi ako papayag. Gagawa at gagawa ako ng paraan para maging akin siya.

"Mabuti at hindi ka nauumay pag nandito si Xywon," malakas na saad ni Sharity isang araw nang bisitahin niya si Hera.

"Si Jem na ang lumilibot kay Xywon kung alam mo lang kaya never akong naumay," humalkhak si Hera habang binubuklat ang sandamakmak na dala ni Sharity. I bet those were baby clothes.

Malapit na ang kabuwanan ni Hera. We will be having a baby girl. I bet Hera's baby will be spoiled. She will be having lots of love from her Tita's and Tito.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon