Happy reading :)-
I open my lollipop and look at Kuya's peaceful face. Mas pinaghigpitan ang security sa kanya dahil sa nangyari sa akin noong nakakaraang araw. Kahit ako ay maraming guards.
Natatakot ako na may mangyari sa amin ni Kuya pero sa kabila ng lahat ay nagawa ko pa ring maging masaya.
We're on a break and my Xy never failed to visit me here. Hindi naman ako 'yung may sakit and yet sa hospital kami palaging nagkikita.
I yawned when I decided to go out for a walk. Hapon pa lang, nakakaantok ang ambiance sa loob.
"Ate!" I called when I saw her slim back. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita.
I waved at her. I saw how her eyes rolled at me. Nilagpasan niya ako pero sinundan ko siya sa hospital garden.
"Bakit mo ako sinundan?"
"How are you?" I looked at her whole. She has a nice body, natural na payat kaya't hindi mapagkakamalan na may sakit.
"I'm not fine."
My eyes widened when I saw how her nose bled.
"Ate?" Napatayo ako pero kalmado lang niyang hinipo ang ilong at nang makita iyong nagdudugo ay pinunasan niya lang gamit ang kanyang panyo.
"Wag kang OA. Ayaw ko sa mga OA."
I held her arm. Diretso lang ang mata niyang nakatingin sa harap.
"Do you want to eat with me? My treat," she said like it was nothing to her. Nakatingin pa rin ako sa ilong niyang dumugo pero parang wala lang sa kanya 'yun. Parang sanay na siya kaya hindi man lang siya natakot.
"Erase that in your eyes, please. Stop acting like you care when you don't." She gave me a faint smile. Napakagat ako sa labi ko.
"I care."
"Really?" she asked again with her mocking laugh.
"Yeah, come here." I open my arms, waiting for her hug. When she didn't move I held her shoulders to pull her closer.
"I love sweets. It will be fine if you give me a treat," I whispered to her.
She started sobbing. I rubbed her back just so she could feel my presence, I am here.
"J-jem. Natatakot ako."
"Hush," I gently whispered. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I just hug and listen to her. Ayokong magsalita dahil baka may mali akong masabi. As much as possible I want her to be hopeful. It will be a game over if she loses her hope. I don't want that to happen.
"Nararamdaman ko na 'yung unti-unting pagbabago sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nahihirapan na ako."
I felt a lone tear escape from my eye.
Oh, God. Please, help us.
"I'll come to you, every now and then so don't you dare ignore my texts," I said when she stops crying.
Tumaas ang kilay niya, nagtataray na naman.
Her eyes were bloodshot and her nose and cheeks were red from all the cryings and yet she still has time to raise her brow at me.
"Sa bahay?"
"Saan pa nga ba?" Inirapan ko siya, gano'n din ang ginawa niya. Tignan mo 'to. Akala mo hindi umiyak kanina, ah.
"Do you even know where our house is?"
"Malalaman ko kung sasabihin mo sa akin."
Dinala niya ako sa mall para kumain. She paid for everything. Ang lakas niyang kumain.
BINABASA MO ANG
After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)
RomanceShattered Pieces Series #2 | COMPLETED August 18, her birthday, her family's death anniversary, and the very first time that she met him. His cold stares, arched eyebrow, and the way his lips formed a smile, call her weird but she likes seeing those...