Chapter 11

55 5 3
                                    

Happy reading :)

-

I was barely keeping my eyes open as my teacher continues on the discussion. Palihim akong kumuha ng candy sa aking bag para mapanatiling gising ang sarili. They don't like their students chewing candies and gums during class, I don't know what their reason is but it helps me focus, hindi nga lang sa klase kun'di para mapanatiling gising ang diwa ko.

"Seriously class? Kung ayaw niyong pasukan ang subject ko ay 'wag na kayong pumasok hindi 'yung puro inaantok na mukha niyo ang nakikita ko. Dismiss."

Sabay sabay yata kaming nakahinga nang maluwag nang lumabas na ang teacher. Mabilis akong kumilos, gusto ko ng matulog.

"Gala tayo," sabi ni Vince na nagpahinto sa amin ni Sharity. Nagkatinginan kaming tatlo nila Sha at Leo.

Anong nakain ni Vince at ganit siya ngayon?

"Game ako!" sabi ni Leo.

"Pass," sabi naman namin ni Sha at sabay na nagtaas ng kanang kamay.

Nangunot ang noo ni Leo sa amin at saka alanganing ngumiti kay Vince.

"Pass din pala, bye!"

Akmang aalis na si Leo nang matigilan kaming lahat sa sinabi ni Vince.

"Ano 'to gantihan? Dahil lang hindi kami nakakasama ni Hera sa inyo, hindi na rin kayo sasama?" sarkastiko nitong usal.

Nakita ko ang pagsasalubong na kilay ni Sharity. Alam ko na ilang salita na lang sasabog na siya. Hinawakan ko ang kaniyang braso.

"Hindi naman sa gano'n. I just need to do some things, ganoon rin siguro sila Sharity," mahinahon kong paliwanag. Kung hahayaan ko si Sharity'ng magsalita baka mauwi lang sa away dahil alam ko na naiinis talaga siya kay Vince.

"Bahala kayo."

Napabuntong hininga ako nang makaalis siya sa harapan namin. Nanggigigil na humarap sa akin si Sharity.

"That jerk! Ano ba sa tingin niya sa gala na lang tumatakbo ang mundo natin? Bakit hindi niya na lang tanggapin na hindi tayo makakasama?"

"Hayaan mo na lang. Uuwi na ako," sabi ko. Ayoko ng stressin ang sarili ko kay Vince. "Leo, ikaw na bahala kay Sharity."

"Iiwan mo talaga ako dito?" She hissed.

Hindi ko siya pinansin at nadiretso na lang sa labas. Nang masinghap ko ang hangin sa labas ay parang himalang nabuhay ang diwa ko.

"Sierra."

"Xy!" mas masigla kong bati. Agad akong lumapit sa kaniya.

"Ano 'yan?" tukoy ko sa maliit na paper bag na hawak niya.

Tumikhim siya ng bahagya at saka nagumpisang maglakad kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Para sa akin ba 'yan," matapang kong tanong. Oo, alam kong feelingera ako!

"Gusto mo ba? Sa iyo na lang kung gano'n," sabi niya at saka inabot sa akin ang dala. Nakakagat siya sa kaniyang labi habang hindi nakatingin sa akin.

Malapad ang ngiti kong tinanggap 'yon. Sinilip ko ang laman no'n, it was the same candy cake that I got when we first had our date.

"Saan ang punta mo?"

Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Napamaang ako. Talaga bang tinatanong niya ako?

"Sa hospital ulit?" tanong niya nang hindi ako nakasagot.

"No, uuwi ako."

Maaga pa kaya sasaglit ako sa amin para magdilig. Hindi ko naman pinapabayaan ang mga halaman ko pero may araw na hindi ko sila nadidiligan dahil lagi akong nasa hospital.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon