Happy reading :)
-
I haven't had any sleep yet because I got used to sleeping in the daytime. I needed some adjusting but instead of doing so, I watched a series until dawn.
My eyes are puffy because of loss of sleep and also because I've been crying too hard because of the movie.
Hindi ko na napansing papaliwanag na pala. Mag-aalas sais na. Hindi ko pa malalaman na ganoon ang oras kung hindi tumunog ang cellphone ko.
Zolen:
He's going home.
Ilang beses akong napapikit pikit, wondering if this is true or just my imagination. Puyat ako kaya possible na resulta lang 'to ng kakulangan sa tulog or maybe, I was asleep. I'll just wait until I woke up.
But after ten seconds of stopping my breath, I realized that it was true. It is not a joke. Uuwi na s'ya! He'll be here!
I impulsively scrolled through my contacts and look for Waigey's number. Agad ko iyong pinindot, kinakabahan pa nga.
"Xywon is back," usal ko.
Agad ko ring pinatay at nagtungo sa closet ko para mag-ayos. Sa sobrang pagkataranta ay mali mali pa ang nasabi ko kay Waige. He's not here yet. Nasa airport palang. Idiot!
Balot na balot ako nang makalabas ng closet. Nagsuot pa ako ng shades at bucket hat para hindi lang makita ang mukha ko. Puros itim lang ang suot ko which is so out of my style. I love pastel color more. Lavender.
"Nak, sa'n ka pupunta?" Gulat na tanong ni Manang. Kumuha lang ako ng fresh milk sa ref at ininom nang mabilisan.
Wala na akong panahon para kumain dahil ayon sa text message ni Zolen ay malapit nang maglanding ang sinasakyan niyang eroplano.
If Zolen is a good friend, sasabihin niya sa akin kagabi or the day before he came home. Last minute naman na nung sinabi n'yang uuwi yung kaibigan n'ya. He's still a good friend though.
"Magpapahangin lang po."
Magpapahangin sa airport.
I was five minutes early. Mabigat pa ang paghinga ko pero tumayo ako agad kung saan ko s'ya madaling makikita.
I am really a fool.
I saw Zolen at the corner but I didn't approach him. Baka bigla nalang lumabas si Xy at makita akong kasama ang kaibigan n'ya. Kahit balot na balot kasi ako ay pakiramdam ko sa oras na magtama paningin namin ay nakikilala n'ya kaagad ako.
Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko kaya halos magpabalik balik ako ng lakad sa iisang lugar.
After minutes of waiting, lumabas na yung mga tao. Mabilis ang paggalaw ng mata ko para hanapin s'ya. Paubos na ang tao na naghihintay dahil nga naubos na ang mga bumababa. Mauubusan na sana ako ng pag-asa at susugurin si Zolen para konprontahin siya pero no'n din lumabas si Xy. If he was a second late, baka nabuko na ako.
Tinapik ni Zolen ang braso ni Xywon habang nakangiti ang mga ito. Mabilis din silang nagyakap at nagfist bump pa.
They are not best friends for nothing.
"Ang tagal mong nagpamiss, ah," Zolen said. Bahagya ko lang narinig ang kanyang boses dahil dumaan sila sa harap ko.
He did look at me but our eyes didn't meet that is why I doubt that he did recognize me. Parang tuod lang akong tumayo roon hanggang sa makaalis silang dalawa.
Naging hobby ko na yata ang pagtingin at pagsulyap ko sa kanya sa malayo.
Maya maya lang ay tumunog ang cellphone ko para sa tawag ni Waige sa akin.
BINABASA MO ANG
After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)
RomanceShattered Pieces Series #2 | COMPLETED August 18, her birthday, her family's death anniversary, and the very first time that she met him. His cold stares, arched eyebrow, and the way his lips formed a smile, call her weird but she likes seeing those...