Chapter 3

112 6 5
                                    

Happy reading :)

-

"Xy!" I called. Sinusundan ko siya ngayon sa parking. Kitang kita ko sa mukha niya ang iritasyon pero ewan ko ba kung bakit natutuwa akong makita iyon na nakaplaster sa mukha niya.

Hindi niya ako pinansin at pumasok na lang sa kotse niya. My smile dropped the moment he turn his back on me. Napuyat ako kagabi dahil gumawa ako ng mga school works, natambakan na pala ako. Kulang din ako sa gamit dahil sa hospital ako gumawa at ang mga gamit ko ay nasa bahay kaya pinagtyagaan ko na lang kung ano ang gamit sa bag ko.

"Hoy! Uto ka Jem. Ilang beses mo ba kaming i-indianin?" sigaw ni Sharity mula sa kabilang linya. Bumuntong-hininga ako.

"Wala ako sa mood mag videoke, Sha. Pakisabi na lang na next time na lang ako sasama," sabi ko habang naglalakad. Malapit na ako sa hospital at kakausapin ako ngayon ni Tito Sylver tungkol sa rights ko sa negosyo namin.

"Tigil-tigilan mo nga ako sa mga palusot mo! Tinanong ko sa pinsan ko, nandyan ka na naman daw sa college building! Hindi ba't sabi ko sa'yo na isama ako? Kung sisilay ka, sisilay rin ako!" sabi niya. Naaalog na 'yung mga tutule ko sa tainga sa sobrang lakas ng boses niya. Dinaig niya pa ang nakamic.

"Ang ingay mo! Bababa ko na 'to, may gagawin pa ako," sabi ko at saka pinatay ang tawag. Hindi ko na siya hinintay na sumagot, bubungangaan lang ako no'n.

Papasok na ako ng hospital nang may mabangga akong babae. Ang puti niya. Para ngang hindi na normal 'yung puti niya e. Parang maputla siya at medyo naninilaw ang balat.

"Pasensya na," malambot niyang sabi. Hindi ko inakalang ganito kalambot ang boses niya sa kabila ng mataray niyang mukha.

"Sorry," I said. Tumango siya at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Dapat pala dumaan muna ako sa isang coffee shop para bilhan si Tito ng maiinom. Nakakahiya na sa kaniya, kahit na makapal ang mukha ko ay nahihiya na talaga ako kay Tito. Sobra sobra na 'yung tulong na binibigay niya sa akin.

"Tito," I called when I open the door. Umangat ang tingin niya mula sa binabasa. May kape na sa mesa kaya hindi na siguro kailangan ang kapeng plinano kong bilhin kanina.

"Do you have time? I will introduce you to my friend, he's a lawyer," sabi niya at tumayo. He looks at his wristwatch. Busy siyang tao dahil madaming imbestigasyon siyang ginagawa at natutuwa ako na mayroon siyang oras para tulungan ako.

"Yes, Tito. Saan po ba? Dapat po ay tinext niyo na lang sa akin ang location para hindi na kayo nagpunta dito," sabi kohabang kumakamot ng ulo. Hindi na ako nag-abalag umupo dahil mukhang aalis na rin naman kami kaagad. Sinulyapan ko muna si Kuya bago ako sumunod kay Tito palabas.

I'll be back.

"Ayos lang. Tinignan ko rin naman kung ano ang lagay ni Garnet."

Kahit na kaka-akyat ko lang ay bumaba na rin kami para maka-usap ang kaibigang lawyer ni Tito. Mabuti na lang nauna kami ni Tito dahil nakakahiya kung pag-iintayin pa namin ang lawyer.

"Seb," Tito said and nodded. Tumango rin pabalik sa kaniya ang lalaki. Mukhang kasing tanda lang ito ni Dad.

"You must be Jem," he said and sits across me. Ngumiti ako sa kaniya.

"Yes po."

"I'm Seb Lacson from the IVI Law Firm." Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya. Inabutan niya ako ng itim card kung saan nakalagay ang number at pangalan niya.

"Did you look at what case she's in?" Tanong ni Tito.

"Yes, I also did a background check on her family and I found out that Ruby Yaez-Collorado wasn't a real Yaez. She's adopted and her background was unknown since then."

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon