Chapter 49

74 4 0
                                    


Happy reading :)

-

Canada, here I am. After months I am back... again.

Naghalo halo ng pagod ko nang makarating ako sa hotel na tutuluyan ko. Bumalik pa muna kasi ako sa syudad bago ako makarating dito sa Canada dahil wala ng available na flights na didiretso kaagad dito pero sa syudad meron kaya paglabas ko sa eroplano galing sa beach resort ay umuwi muna pa ako para kumuha ng gamit.

Hindi na ako nagtagal sa bahay dahil ayos naman na ang gamit ko para rito. Kinuha ko ang phone ko sa drawer at nagdiretso na sa labas. I asked Kuya Lado to bring me to the airport.

Hindi alam ni Kuya na aalis ako pero nasabi ko naman na kay Manang at itetext ko nalang ito para hindi mahiwagaan sa biglaang pag-alis ko.

Ilang beses akong nagpabalik balik dito, bakit hindi ko man lang naisip bumili ng sariling apartment? Kung kukultahin ang lahat ng binayad ko sa hotel ay pwede na akong makaroon ng sariling apartment.

Pero sa tingin ko, matapos nito, hindi muna ako babalik dito. I want to focus on myself more. Hindi na rin ako nakabibisita sa mga bata sa foundation. Maybe I should just rent a house near the foundation para mas malapit ako roon.

Malayo sa lahat. Hindi ko inaakalang pipiliin kong lumayo sa lahat matapos ang lahat.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at nagpunta ako rito. Ngayong nandito naman na ako parang gusto ko nalang ulit umuwi.

Maybe Canada is not home, it was him. Still and will always be... at least for now.

I felt a little homesick. Gusto ko na talagang bumalik.

The cold nights do not comfort me anymore. It was just a lie before that I made myself believe. Hindi naman talaga ang Canada ang pinupuntahan ko pabalik balik, kung hindi siya.

Frustrated at myself, I went to the bathroom. I strip off my clothes and went under the hot shower. Nagstay lang ako roon hanggang sa magsawa ako.

I should've not made decisions lightly. Dapat ay pinag-isipan ko muna talaga ang pagpunta dito.

May schedule nga pala kami ulit ni Quio sa foundation sa isang araw. Bakit ba hindi rin pinaalala ni Quio sa akin kanina?

"Oh my goodness, Sierra Jem," I uttered under my breath.

Hindi ko alam pero hindi ako makali. Parang naiiyak ako na ewan dahil frustrations. Hindi ko rin alam kung bakit gustong gusto ko na ulit bumalik sa Pilipinas.

Parang hindi ko na ulit kayang dayain ang sarili ko. Few days in the beach made me think wiser, I guess?

Wiser but slow.

Hindi magandang magpunta ako rito at ngayon ko lang narealize iyon.

In the end, two days akong nagkulong sa hotel room. Lumabas lang ako nung uuwi na ulit ako.

I am homesick, yeah but I get to enjoy the free wine.

Nagmumukmok lang ako ng dalawang araw sa loob, umiyak ng walang dahilan habang nakatanaw sa labas.

With the wine glass in my hand, I watched as the busy road of Canada went quiet.

Bumuntong hininga muna ako bago ko hawakan ang door knob para umalis.

Horror run through my face when I saw the person who I've been running away. Anong ginagawa nito dito? Kaya nga nandito ako kasi natatakot akong makita siya. Bakit nandito 'to?

I can feel the adrenaline in me. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Titig na titig siya sa akin na tila mo mayroon akong napakalaking kasalanan sa kaniya kaya nag-iwas ako ng tingin at nilagpasan nalang siya.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon