Happy reading :)
-
Maganda ang mood kong bumalik sa gym. Ang Xywon ko na 'yon, may tinatago rin palang concern para sa akin. Gusto ko tuloy pisilin ang mukha niya dahil sa sobrang tuwa.
"Nakipagkita ka siguro sa boyfriend mo kaya all smiles ka," sabi ni Rorry sa akin. Itinuro ko ang sarili, kinokompirma kung ako ba ang kausap niya. Matagal na simula nung huling nagboyfriend ako at ni isa man sa mga 'yon ay hindi ko sineryoso.
"He's not my boyfriend yet."
"Totoo? Sino?" curious nitong tanong. Umusod siya palapit sa akin, nakuha na rin namin ang atensyon ng mga babae sa kabila, 'yung kalaban namin kanina. Ang make-up girls.
"Ingay nito! Wala 'yun," sabi ko. Awkward akong tumawa dahil napalingon sa amin ang PE teacher. Pag ako napagalitan isusumpa ko si Rorry.
"I-share mo na, hindi ko naman aagawin," pamimilit nito. Lihim akong nagtaas ng kilay. Hindi ko matandaan na close kami ni Rorry.
"'Wag ka magulo, masama na tingin ni Sir."
"Hindi 'yan. Share mo na, makikinig ako promise." Itinaas niya ang kanang kamay at saka sumaludo. Marahan akong napatawa. Ang kulit.
"Libre kita mamaya, kuwentuhan mo lang ako. I am a fan of school romance, Jem. Full my mind up, please." She gave me puppy eyes that made me chuckle. I didn't know that she has this side of her, masyado kasi akong nakafocus sa mga kaibigan ko.
"All right, I need a bucket of sweets." Nginitian ko siya. Nagningning ang mata niya nang magsimula ako magkwento. Gusto ko siyang tawanan dahil sa ka-cutan.
"Jem! This is love!" she declares.
Napa-awang ang labi ko sa narinig. Niyugyog niya ang balikat ko nang ilang beses. Hindi ko siya mapigilan dahil parang nilisan ng kaluluwa ko ang katawan ko.
Love...
"I read and watched thousands of stories and I know when this thing will lead on. He will fell in love with you!" she giggles. Hindi ko magawang makasunod sa sinasabi niya.
I admit that I had a little crush on him but I never thought of this as love. I was grateful because he saves me that day, he's my savior. I think he did something in me without his notice. Normally, hindi naman ako ganoon naa-attract sa isang tao para gawin ang lahat ng ginagawa ko sa kaniya. It's just that... he felt warm, even from afar I could feel his warmth. I felt safe around him.
I know it was just because of kindness. Not love, just kindness.
"Kinikilig ako! I will be your memory card, Jem. I will store your every memory with him so don't forget to tell me everything."
"Rorry, there's no such thing as love at this young age," I said to stop her. Gusto kong tawanan ang sarili ko. I'm a big liar, how could I know if there wasn't love if I don't even know anything about it.
"Bitter mo! Eighteen ka na, ah!" She slaps my shoulders three times. "There's love! I have so many husbands, Jem! That is love!" Niyugyog niya ako ng paulit-ulit. Mas malala pa yata 'to kay Sharity.
"How? That was plain fiction." Tumayo ako para makalabas na. Tapos na ang oras namin sa PE. Wala na kaming susunod na class kaya uuwi na muna ako.
"Jem! Ang sakit! Hindi mo naman kailangang sabihin 'yun ng ganoon. You should've considered my feelings," madrama nitong sabi, sinundan niya ako papuntang locker.
Pagkabihis at pagkaligo ko ay hindi ko na hinintay si Rorry. She will just feed me with those romance things that I don't even know about.
Nagdilig lang ako ng halaman at kumuha ng gamit sa amin. Dumaan muna ako sa hospital kanina para tignan ang kalagayan ni Kuya at kuhain ang mga damit na nagamit ko na. Sa sabado na lang ako magpapadry clean.
BINABASA MO ANG
After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)
RomansaShattered Pieces Series #2 | COMPLETED August 18, her birthday, her family's death anniversary, and the very first time that she met him. His cold stares, arched eyebrow, and the way his lips formed a smile, call her weird but she likes seeing those...