Warning: This chapter contains countless curses.
-
Sa eskwelahan ay maswerte nalang kung hindi ako aantukin. Apat na subject lang naman kami ngayong maghapon pero aabutin pa kami ng gabi. Dapat gumawa ng batas na hanggang alas kuwatro lang ang mga students sa school. Gusto ko nalang humimlay sa higaan ko at mabuhay nalang ulit kapag graduate na ako.
"You look stress," sabi ni Xy. Hindi ko naramdamang umupo siya sa harap ko.
Nasa library ako ngayon, nagpapaantok, para kung sakaling makatulog ako ay matatakasan ko ang napakahabang klase. At least may excuse ako sa sarili ko para hindi ako makunsensya, nakatulog ako. Kahit kasi maganda ako ay nakokonsensya pa rin ako.
"Is it about your friend?" concerned niyang tanong. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya dahil bukod sa maingay ang mga kaibigan ko ay wala akong problema sa mga iyon.
"Windy," pagbibigay niya ng pangalan sa tinutukoy kanina.
Agad akong umiling. Naalala ko na naman tuloy si Ate. Pukpukin ko nalang kaya si Xy dahil pinaalala niya pa iyon.
The last thing that I want to visit in my entire life is the hospital. Hospital reminds me of suffering, hindi lang ng pasyente kundi pati nung mga pamilya nila. It hurts me seeing those people breaking down in the hallway because their love left them. It also hurts to think that I have two special people inside the hospital. Pero wala akong magagawa, hindi pwedeng hind ako magpakita sa hospital dahil katulad nga ng sabi ko, dalawang tao ang nakapaloob sa lugar na ayaw kong pinupuntahan.
"Stress lang ako sa studies kanina tapos pinaalala mo pa. Kakainis ka!" I hit his shoulder.
His lips turn into a grim line and sigh.
"I am sorry for reminding you about that. Mukhang ang lungkot mo kasi kanina. I thought you were thinking about her." He reached for my hand and brushed it with his thumb.
Hindi naman ako galit pero kung suyuin niya ako ay parang ang laki laki ng kasalanan niya sa akin.
"Huwag kaya akong pumasok, 'no?" Pag-iiba ko ng usapan. I badly want to escape from today's lesson. Wala talaga akong naiintindihan.
He softly flicked my forehead. Napahimas ako roon kahit na hindi naman nasaktan.
"Huwag na huwag mong subukan, Sierra." Nagbabanta niyang saad.
Natakot ba ako? Hindi, kaya hindi ako papasok.
Nilakihan niya ako ng mata. I giggled at how cute he looks.
"Oo na. I won't. Papasok ako." Sinamahan ko ng gestures ang pag-iling ko. Kung hindi ako nahuli nito, tulog na ako.
Maya maya lang ay dumating si Sharity. Hindi ko alam kung bakit nandito itong babaeng 'to.
"Hindi ka pwedeng hindi pumasok ng hindi ako kasama. Damay damay na 'to. Nakasalubong ko prof natin, sabi ko susunduin lang kita sa rest room kaya wala ka ng kawala, bata. Halika na't, mamaya ka na magbebe time." Sunod sunod niyang saad na naging dahilan ng pagtingin sa kanya ng mga tao. Ang talim ng tingin sa kanya kaya napabungisngis ako. She seems unbothered. Sharity the unbothered microphone.
"I'll take your girlfriend muna. Babalik ko nalang sa 'yo mamaya."
"Yeah, take her. Go lang." Mukhang pinapamigay pa ako nang igalaw ni Xy ang kamay para ipagtabuyan ako ng tuluyan.
I glared at him but he just mouthed, "What?"
Inirapan ko siya bago ako makaalis pero binalikan din naman siya ng tingin para ngitian at kawayan.
BINABASA MO ANG
After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)
RomanceShattered Pieces Series #2 | COMPLETED August 18, her birthday, her family's death anniversary, and the very first time that she met him. His cold stares, arched eyebrow, and the way his lips formed a smile, call her weird but she likes seeing those...