Chapter 20

49 3 4
                                    

Happy reading :)


-

Gustong gusto kong bumangon sa pagkakalugmok at kalimutan lahat ng mga iniinda ng puso at isip ko. Nagpunta akong garden kung nasaan ang mga halaman. Ngumiti ako nang makitang nagsayaw ang mga iyon dahil sa hangin.

"Hi, sunshine." Ngumiti ako sa mga halaman na mas marami pang atensyon na natanggap mula kay Mom. Basically, sila ang sumasalo ng mga oras ni Mom pag nasa school kaming magkakapatid. Sila ang mga buhay na inalagaan ni Mom maliban sa amin.

After watering the plants I felt refreshed. Umupo ako sa tapat nung pinakamalapit na halaman sa akin. Muli ay ngumiti ako at kalaunan ay nagbuntong hininga.

"You guys, are you willing to absorb all my negative energy like what you did before?" natatawang tanong ko. Walang bahid ng kasinungalingan kung sasabihin ko sa inyo na sila talaga ang kadamay ko no'n. I received too much pity back then and these plants are the only ones who stayed with me when I need someone the most.

You may think that I am crazy but you all don't know how much help these plants were back then. Parang nakikita ko silang ngumingiti sa akin at sinasabing magiging maayos din ang lahat.

"Kumain ka muna, hija," saad ni Manang nang pumasok ako sa loob. Sinuklay ko ang medyo may kahabaan ng buhok at saka sumunod sa kanya papuntang hapag.

"Sorry, Manang." Nakayukong saad ko. Pinag-alala ko sila noong mga nakakaraang araw, alam ko iyon at ayokong nangyayari iyon.

"Ano naman ang inihihingi mo nang tawad? Wala naman akong natatandaang mali." Ibinaba niya ang hawak na gatas sa tabi ng plato ko. Sinundan ko ang tingin no'n dahil hindi ko siya matignan sa mata.

"I know I've been a burden to you, to all of you."

Pinunasan niya ang kanyang kamay at saka lumapit sa akin. Hinaplos niya ang buhok ko nang paulit-ulit. Natatandaan kong palagi niya itong ginagawa sa akin no'n 'pag bumabagsak ako sa isang pagsusulit and after all of this, I will be able to smile again because she promised me to not tell Dad about it.

"Kumain ka na, anak. Pupunta rito ang boyfriend mo."

"Paano niyo po nalaman?" nagtatakang tanong ko. Ako nga, hindi ko alam na pupunta si Xywon dito. I never bothered reading messages on my phone though. Hindi ko nga alam kung may battery percentage pa.

"Sabi ko," may diing saad niya. Hindi ko nalang napigilang mapatawa dahil sa sinabi niyang iyon. She sounds like a powerful grandma over her granddaughter's boyfriend.

Desisyon si Manang.

Nakaligo na ako nang dumating si Xy. Sinalubong ko siya nang isang magandang ngiti. Mabilis ding umangat ang kanyang labi nang lapitan ko siya.

"Are you doing fine now?" ginulo niya ang buhok ko nang tangkain ko siyang halikan sa pisngi. Hindi ko siya naabot kaya napanguso nalang ako.

"I am fine now because my vitamin Xy was already here." Niyakap ko ang baywang niya. Gusto ko lang bumawi sa mga ginawa ko at sa mga naisip ko nung nakaraan. Hindi man niya alam iyon ay gusto ko pa ring bumawi.

"Do you want to go out?"

"A date?" Excited kong tanong. Parang ang tagal na nung huling labas namin kaya excited na excited ako.

Overthinking made me drain my energy so much. It prolongs my time. A day became a month.

"You could say that."

Nagtaka ako nang dalhin niya ako sa playground ng village namin. Ang romantic date sa aking isipan ay biglang naglaho.

Pilit akong ngumiti nang ngitian niya ako. Umupo ako sa isang swing. Dinuyan ko ang sarili ko hangang sa naramdaman ko siya sa likod ko. Marahan niyang tinutulak ang kinauupuan ko para umugoy ako.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon