Happy reading :)
-
"Babe, I didn't pass." Nakanguso kong saad. "Nakalimutan ko kasing mag-aral kagabi. Our teacher made it clear to us pa naman, mabuti nga hindi surprise quiz but I totally forgot to review."
Kanina pa ako nagrarant kay Xy pero parang nasa outer space ang kanyang utak. Tango at ngingiti lang siya o 'di kaya ay sasagot ng oo o hindi.
I am dying to know what's happening in his smart mind right now. Hindi naman siguro iyon tungkol sa med, right?
"Xy!" I snapped my fingers in front of his face. Parang nagulat pa siya na ginawa ko iyon.
"Oh, nandyan ka pala." Bigla siyang ngumiti at saka ako inakbayan.
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa narinig. Kanina pa ako daldal nang daldal sa harap niya, he's also responding with a nod but now sasabihin niyang nandito pala ako?
Kinuha ko ang kamay niya at saka inulit na naman ang sinabi ko mula sa umpisa. He looks more attentive now than before.
Ipinagsawalang bahala ko na lang ang inakto niya. Maybe, he was imagining himself in an operating room. He really dreamed of being a doctor. He's studying hard but I don't seem to see what's the use of studying med in a book if he will not be given a chance to study med next year.
Sana payagan na siya nila Tita, and Tita Xylie is a director in the hospital. Bakit hindi na lang nila pagbigyan si Xy sa gusto niyang kurso?
Kinuha ko ang gummy bears ko sa bag habang hinihintay si Kuya Lado na dumating para sunduin ako. Hindi ako maihahatid ni Xy ngayon dahil mamaya pa ang labasan nila. Ayoko namang maghintay dito sa school dahil mabobore lang ako. Umuwi naman na rin ang mga kaibigan ko.
Napagpasyahan ko na lang na dalawin ang halaman sa hardin namin. All of my plants look healthy. Magagalit talaga ako kay Manang kung hindi naaalagaan ang mga halaman kong ito.
May table na nakaset sa left side ng hardin namin kaya doon ako umupo. Bitbit ko ang mga candies na dala at nang mailapag ang mga iyon ay kinuha ko na ang iPad ko para manuod ng vlog.
I was in the middle of wheezing when my phone rang. Kaagad kong kinuha iyon at sinagot nang hindi tinitignan ang caller.
"This is Sierra Jem Zalejas. What can I do for you?" Pinause ko ang video at saka kumuha ng gummies habang hinihintay na sumagot ang aking kausap.
"Hello, Jem?" Nabosesan ko agad ang tao sa kabilang linya. It was Tito Sylver. Napaayos kaagad ako ng upo. Peke pa akong umubo para i-compose ang aking sarili.
"Yes, Tito? May kailangan ka po ba?" Saad ko, kunwari ay wala akong binago sa pangalan ko kanina.
There's no harm in trying his surname on me. He will be my husband naman kaya hindi na ako dapat mahiya kay Tito. It was just Tito, Jem. Si Tito lang ito.
"Where are you? Nasa bahay ka ba? Pupunta ako r'yan pagtapos ko sa trabaho."
Hindi ko maiwasang magtaka sa biglaang pagbisita ni Tito. Kahit naman kasi tinutulungan niya ako ay hindi siya gaanong nagpupunta rito. We always meet at the coffee shop near the hospital.
"Sige po, sasabihin ko kay Manang para makapagluto."
"Hmm. At kailan ka nga pala naging Zalejas?" Biglang tumayo ang balahibo ko sa batok dahil sa kahihiyan nang punain pa niya iyon. Si Tito lang iyan, Jem, 'wag kang mahihiya.
"Uhmm... hindi pa ako Zalejas, Tito. Nagp-practice lang."
Akala ko magiging strikto si Tito sa bagay na ito pero humalakhak lang siya bago magpaalam.
BINABASA MO ANG
After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)
RomanceShattered Pieces Series #2 | COMPLETED August 18, her birthday, her family's death anniversary, and the very first time that she met him. His cold stares, arched eyebrow, and the way his lips formed a smile, call her weird but she likes seeing those...