Happy reading :)
-
Ipinagsawalang bahala ko ang message na natanggap dahil baka wrong message lang iyon. My name wasn't stated on the message kaya hindi na ako nag-assume na para sa akin iyon at saka isa pa, may boyfriend ako.
Nagpatuloy lang sa pagkukuwentuhan sila Rorry sa harap ko. Hindi ko masyadong masundan dahil nagreply pa ako kay Xy.
You're going home na?
Xy:
Hmm. Where are you? Puntahan kita?
Me:
No, it's alright. Rest ka nalang.
Nandito ako kila Sha.
"Kailan mo pa ba ikinukwento 'yung STBF mo na 'yan, wala naman yatang progress na nangyayari."
"Road to forever na nga yata si Jem pero inamag na ng STBF mong hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam ang pangalan dahil ayaw mong ipakilala at ni picture nga ay hindi mo ipinapakita sa amin. 'Yung totoo, Rorry? Baka naman nag-iilusyon ka lang."
"Hoy! You're so mean, ah! We are getting to know each other pa kasi."
"Getting to know? Ilang taon na? Joke ba 'yan? Kasi kung joke 'yan hindi na kami natutuwa!" walang habas na ani Sharity. Ngumuso si Rorry at pinaglaruan ang natitira niyang pagkain.
"Know your worth, Rorry. Kung sa tingin mo, wala ng pag-asa, bumitaw ka na. Hindi iyong parang tanga ka pang naghahabol d'yan sa STBF mong hindi ko alam kung anong nagustuhan mo at patay na patay ka roon."
Tumango ako para sumang-ayon kay Sharity. Walang maitatago sa amin si Rorry dahil lahat kinukwento niya kaya alam din naman na wala talaang nangyayaring pag-usad sa kanilang dalawa ng STBF niya.
"Yung soon mo yata sa STBF magiging decade pa. It should be DTBF e. Decade to be a friend."
"Reality show ba 'to? Bakit masyado mo namang sinusundot 'yung sour spots, Sha."
"Rorry, idilat mo 'yang mata mo. Marami kang binago sa sarili mo, which is I find so wrong. Pag hindi ka pa pinansin for the next three months, tigilan mo na talaga."
"Sha, stop na," pagbabawal ko. She's spitting facts pero nasasaktan na si Rorry.
"Kailangan din kasi makarinig ni Rorry ng ganito." Mukhang hindi talaga siya papaawat. "Stop being a fool."
"I am not, Sha." Matamlay nitong saad.
Sinimangutan ko si Sharity at saka hinawakan ang balikat ni Rorry. Masyado naman 'yung blowing na binigay niya kay Rorry. Mas nasaktan pa yata sa mga sinabi niya kaysa sa mga nangyayari sa kanila nung STBF niya.
Tumayo si Leo para kumuha pa ng pagkain. Sanay na sanay na yata itong isang ito rito.
"Hindi ako aasa kung wala akong nakikitang pag-asa kay Hein, Sharity."
"OMG! So Hein was his name, huh!" Biglang naging exited si Sha. "Anong hangin ang nalanghap mo at binanggit mo ang pangalan ni Hein." nang-aasar pang usal nito. Kani kanina lang kung makapagpayo, akala mo siya 'yung nasasaktan.
"Maybe she's making a progress. Masyado ka lang kasing matalim. Mic ka na nga, naging kutsilyo ka pa," saad ko at saka humalakhak.
Inirapan ako ni Sharity habang si Rorry naman ay kumapit sa akin.
"Palibhasa mabilis ding nagkagusto sa 'yo si Xy, kung hindi matutulad ka rin kay Rorry."
"We're together now. My hard work pays off," mayabang kong saad. Ilang buwan ko ring pinursue si Xy pero malakas yata ang charistma ko at nahulog na rin sa akin. Hindi 'yun ganoon kabilis at hindi rin ganoon kadali.
BINABASA MO ANG
After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)
RomanceShattered Pieces Series #2 | COMPLETED August 18, her birthday, her family's death anniversary, and the very first time that she met him. His cold stares, arched eyebrow, and the way his lips formed a smile, call her weird but she likes seeing those...