Chapter 35

44 2 5
                                    


Happy reading :)

-

Mas nadagdagan 'yung kaba ko nung ilang araw hindi pumasok si Hera. The teachers are looking for her but we can't even utter a word about her. Kaibigan kami pero wala man lang kaming alam. Ang mas nakakainis pa ay pumapasok si Vince at nagpapakita sa amin na parang wala lang sa kanya na ilang araw ng hindi nagpapakita si Hera.

Weeks before the finals, Hera showed up. Hindi siya totally pumasok dahil ang alam ko ay kinausap niya lang ang mga professor namin. She showed up but didn't talk to us.

I looked at her with worries in my eyes but she just avoided it. I also wanted to apologize to her in person but she just won't let me.

"Maybe she has her reason. No one will act like that for nothing, Sierra," Xy said as he passed me a tub of ice cream.

"What could be her reasons? Do you think something happened?"

"Who knows? Pero kung gusto naman niyang sabihin sa inyo matagal na iyong nagsabi, right? Don't stress yourself too much, she will be okay." Sumandal siya sa sofa'ng inuupuan ko at saka inayos ang mga papeles namin doon.

We both are reviewing for our upcoming finals examination. Malapit na naman ang bakasyon pero bago iyon ay kailangan pa naming sumabak sa examination. Sana naman mabuhay pa ako matapos ng mga tanong doon.

"Pero kasi, hindi naman ugali ni Hera magsabi sa amin."

"Sierra, it's going to be okay. Don't think too much, okay? Mai-stress ka lang. It is not good for your mental health. After our finals, I'll help you to look for Hera." He held my knees, that's why my attention got lifted to him. I pursed my lips and nodded slightly.

Kahit na nag-aalala pa rin ay inabala ko nalang ang sarili ko. Habang papalapit ang finals ay mas nagiging puspusan ang pagrereview namin ni Xy. Kahit na antok na antok na ako ay hindi ko magawang tulugan si Xy.

Tinutulungan niya ako sa mga subjects na nahihirapan ako pero kahit na ganoon, kung ayaw tanggapin ng utak ko ay hindi ko rin iyon maiintindihan.

"Sierra, look here," sabi niya at saka tinuktok ang fist niya sa mesa. Iyon ang naging hudyat ng pagkagising ng diwa ko.

"Xy, awat na muna. Please?" I said almost pleading. Maaga pa naman pero gusto ng maglakbay ng utak ko sa dreamland.

"Eyes on here, Sierra. Mabilis na lang 'to," he said, still looking at the paper.

Umirap ako sa kanya at saka padabog na umayos ng upo. Umangat ang tingin niya sa akin nang dahil doon pero hindi ko siya tinignan. Sa papel na punong puno ng hindi ko maintindihang numero lang ako tumingin.

He sighed and left me on the table alone. My mouth went agape because of what he had just done. Talagang iniwan niya ako dito?

Dumukdok ako sa mesa dahil sa inis. Halos lamukusin ko 'yung mga scratch niya sa mesa. Inabot ko ang cellphone ko sa gilid na kanina pa naka-off para mas makapag focus kami sa pag-aaral. Gigil kong pinindot ang power button dahilan ng paglabas ng apple sa screen.

"Hey, hands off of the phone," malambot niyang saad. Pasiring kong nilipat ang tingin sa kanya. Nang magtama ang mata namin ay agad akong umirap.

Sunod sunod ang pagvibrate ng cellphone ko dahil sa message sa group chat namin. Agad akong nagback read para malaman kung ano ang pinag-uusapan nila.

Microphone:

Kierra's tayo for dinner. Wala naman sigurong nagrereview sa inyo ngayon, right? Hindi 'yun uso sa inyo e.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon