Happy reading :)
-
Pag-alis ng teacher sa harap ay kaagad kong kinuha ang mga gamit ko. Inilagay ko na lang bigla sa bag ko ang mga iyon at lumabas. It's lunchtime. I felt bad going without my friends pero malaki na sila at apat sila, kaya na nila ang sarili nila.
"Jem! Saan ka ba pumupunta lagi? Isama mo ako!" sigaw ni Sharity nang makita niyang aalis na naman ako. I am doing this for days now.
"D'yan lang. Something important, 'wag ka ng sumama."
"Nag ha-hunting ka ba ng mga pogi ng wala ako? Sabi ng pinsan ko nakita ka daw niya sa building ng mga colleges. Doon ka ba pupunta? Sasama ako! Sisilay rin ako." Hinawakan niya ang braso ko. Kahit anong pilit kong i-alis ang kamay niya ay hindi ko magawa.
"'Wag mong tanggalin. Tayong dalawa lang. Promise, secret lang natin 'to. Hindi ko sasabihin sa kanila," sabi niya at nginuso sila Hera na nag-iintay sa pinto.
"Anong secret? Napakalakas ng boses mo! Imposibleng hindi nila narinig."
"Hayaan mo na! Sama mo na kasi ako," sabi niya. Hinitak niya ako ng bahagya pero hindi ako nagpatinag. Pilit ko pa ring tinatanggal ang kamay niya.
Leo looked at us. Sa mata niya ay alam niyang hindi kami matatapos ni Sha dito.
"Ano? Sasabay ba kayo?" inis na tanong ni Leo sa amin. "Gutom na ako, una na ako sa inyo. I'll save seat for you," sabi niya at nauna ng umalis.
"Pass muna ako! Si Sharity daw sasama," sabi ko bago kumaripas ng takbo. Hindi naman na ako hinabol ni Sharity pero palingon lingon pa rin ako baka mamaya biglang nasa gilid ko na 'yun.
Dumaan ako sa building nila Xywon. Wala ng gaanong tao, siguro ay lunch break na nila. Normally, I'll see Xy in the canteen. Minsan naman nasa likod siya ng building nila.
Nang hindi ko siya natagpuan sa cafeteria ay umalis na ako roon. Si Waige lang ang nakita ko at isang hindi kilalang lalaki.
Nadatnan ko si Xy na nagbabasa. Nakahilig ang likod niya sa may puno. The book on his hand was medicine related. Hindi yata 'yun tungkol sa courses nila.
"Xy!" tawag pansin ko sa kaniya. Umirap siya bago ibaling sa akin ang paningin.
"What are you doing here?" walang ganang tanong niya. Ganoon na ba siya kapagod na makita ako? Wala pa nga kaming dalawang buwan na magkakilala.
"I have a proposal to make," nakangiting sabi ko habang umuupo sa tabi niya.
Inilabas ko ang lunch box na ginawa ko kanina. Talagang madaling araw akong gumising para lang makapagluto. It's good for two people. Napansin ko kasi kahapon na hindi siya kumain, nagbasa lang siya hanggan sa matapos ang break niya.
"What is it?" he asked without leaving his eyes on the book. Mas may interest pa siya sa book kaysa sa akin.
"Marry me," I shamelessly said. Ilang beses ko 'tong ni-rehearse kagabi sa banyo.
"Are you insane?" inis na tanong niya and that made his head turn into my side.
Nice one, Jem! You got his attention.
"Because it will help you to grow your business. I wouldn't say this if this is not beneficial on both sides," I said with so much confidence. He raised his brow. Napangisi ako. Masungit pa rin siya pero mas nakaka-attract siya pag nagsusungit.
"I don't have an interest in our company," sabi niya at tumingin sa pagkaing dala ko. Mas napangiti pa ako dahil do'n. I give him the other box since I originally made it for him.
BINABASA MO ANG
After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)
RomanceShattered Pieces Series #2 | COMPLETED August 18, her birthday, her family's death anniversary, and the very first time that she met him. His cold stares, arched eyebrow, and the way his lips formed a smile, call her weird but she likes seeing those...