Chapter 21

52 3 2
                                    

Happy reading :)


-

Hindi naman makapal ang make-up na inilagay ko kay Xywon. Kung tutuusin ay halos hindi na nga iyon halata kung hindi mo pakakatitigan kaya hindi ko maintindihan kung ano ang tinatawag tawa nitong kaibigan ni Xy.

"Dude! Bago 'to," he exclaimed. Humawak siya sa kanyang tyan habang patuloy sa pagtawa. OA.

"Ano ba ang ginagawa mo dito, Zolen?" Taas kilay na tanong ni Xy sa kaibigan.

"Bakit? Did I interrupt something?" Ngumisi siya. Ang kanyang ngisi ay may laman, may sinasabing kakaiba.

"Do you think I'll let you in if you interrupt something?" Sarkastikong usal ni Xy. Hindi na ako nag-abalang lumapit sa kanila pero kita naman ako dito sa kinatatayuan ko.

"Yow, Jem. I am Zolen Archer." Pumasok siya ng tuluyang at hindi na inalintala ang harang na ginagawa ni Xy. Kinamayan niya ako. I smiled sweetly at him.

"Umuwi ka muna, Zolen. Wala kang mapapala dito." Nakapamulsang usal ni Xy.

"Ito naman, makikikain lang. Sabayan ko na kayong mag dinner. Ayos lang naman siguro iyon kay, Sierra."

Masama ang tingin na ipinukol ni Xy kay Zolen bago tumingin sa akin. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

"Maghihilamos lang ako." Kahit napipilitan ay iniwan niya ako kay Zolen.

Nung una ay tahimik lang kami pero nakakatatlong hinga palang yata ako ay nagsimula na siyang magsalita.

"Nagkita rin tayo." Malawak siyang ngumiti. "Nakita ko rin ang babaeng mahilig magpadala ng pinirito kay Xywon. Nagtataka nga ako kung paano na-manage ng katawan ni Xywon ang mga pinirito mo." Malakas siyang tumawa. I know he's not trying to offend me but I am indeed offended. He was just teasing me pero uminit ang ulo ko sa kanya.

"How about you? Do you know how to cook? Bakit makikikain ka pa dito sa amin?" Naiinis na tanong ko. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito.

"At least I know the basics. Alam kong magluto ng mga sinabawan, hindi katulad ng isa d'yan na pinirito na nga lang, hindi pa maperfect."

"What are you implying, Mr. Zolen Archer?" Pumaywang ako at pinataas ang kilay hanggang langit.

"Wala naman." Nagkibit balikat siya. "Ako ang nahihirapan para kay Xywon kapag kinakain niya ang mga luto mo."

Binalibag ko siya ng unan sa inis. Close ba kami?! Offend na offend na ako! Binabawi ko na ang sinabi kong nangaasar lang siya, his sole motive was to offend me.

Pilit akong huminga nang malalim at saka flinash paalis ang nabubuong super saiyan sa katawan ko.

"Sigurado ka bang kinakain niya? Hindi niya ipinapamigay o itinatapon?" Nabubuhayan kong tanong. Kahit na offend ako, nalaman ko namang kinakain ni Xy ang mga niluluto ko. My efforts didn't go in vain.

"Yeah. Minsan gusto kong makitikim kaso ayaw niya akong bigyan."

Mabuti na lang nai-flash ko ang super saiyan. I would not be able to know this if I let him get the best of me. Paanong natatagalan ng mga tao itong ugali ni Zolen? Sharity said he's warm. Well, he's someone who'll burn you in annoyance.

Patuloy sa pang-aasar si Zolen sa akin kahit na bumalik na si Xywon. I only shot him daggers.

"Pagpasensyahan mo na si Zolen. Kinulang yata iyon sa vitamins noong bata." Kumakamot sa ulong saad ni Xy nang ihatid niya ako sa amin.

Ngumiti lang ako at tinapik siya sa balikat. Hindi ko nakakalimutan na kinain niya lahat ng niluto ko.

Kahit natatakot ay bumisita ako sa hospital. Ilang araw na akong hindi humihinto dito sa katotohanang ayaw kong malaman ang mga kailangan kong malaman. For the first time within this curious mind, I refuse to know about those happenings last time.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon