Chapter 42

55 2 3
                                    



Happy reading :)

-

"Wait for me here. I'll send you home."

Hirap akong gumalaw dahil sa ankle kong nasprained. Hindi naman ganoon kalala, nag-overact lang ako kanina dahil rumagasa na ang mga nararamdaman ko.

"Thank you," saad ko sa tumulong sa akin. "I am sorry if I waste your time," mapait akong ngumiti.

Ngayon na maliwanag na ang pag-iisip ko ay bigla akong nahiya. Ayos lang sa akin na umiyak sa kalsada kanina dahil hindi naman hihinto ang mga tao rito para lang silipan ang mukha ko, dadaan lang sila pero dahil sa katangahan ko ay napahinto pa nga ang isa para dalhin ako rito sa hospital. Mabuti nalang at malapit lang kami.

"Don't worry. I gotta go now. Be careful next time."

Nahihiya akong tumango sa kaniya at saka sinundan ng tingin ang papalayo n'yang bulto sa akin.

Nasapo ko ang nanlalagkit kong mukha dahil sa luha kanina. I probably look like a mess right now. Nakakahiyang haharap ako sa kanya ng ganito ang itsura matapos ng mahabang panahon naming hindi pagkikita. I should be looking good right now with a smile on my face and asking him about life, but look, mukhang hindi na ako mukhang tao.

"Let's go," he said gently.

Napa-angat ako nang tingin pero hindi ko tinanggal ang kamay na nakatakip sa pagmumukha ko. Hindi ko kayang ganito ang itsura ko ngayong kaharap ko na talaga s'ya. Kanina halos wala lang sa akin dahil wala ako sa huwisyo dahilan ng sobrang pag-iyak pero ngayon... ewan ko nalang.

I was only peeking over him while my face is hiding from my palms, parang dati lang tuwing nahihiya ako sa kanya. Before, he would hold my hand and tell me to look at him, but now...

"Jem."

Wala na nga akong balak gumalaw at tila mas nanigas pa ako dahil sa itinawag n'ya sa akin.

It's Sierra, Xy.

Nanakit ang dibdib ko dahil doon. The urge of my tears from falling was getting stronger little by little. Pakiramdam ko, kaunting kalabit nalang sa akin, iiyak na naman ako.

Pero at least kilala n'ya pa ako, right?

And why would I even think na hindi na n'ya ako kilala? Hindi naman kami naghiwalay. Pahinga lang. Pahinga nga lang daw.

"Stand up, Jem. Ihahatid na muna kita bago ako magpahinga."

"Puro ka nalang pahinga," I whispered, enough for him to hear it.

Maybe saying that was not the right thing kahit 'yun naman ang totoo. Ilang taon na pero 'yung pahinga n'ya hindi na yata natapos. Hindi pa ba sapat 'yung napakahabang panahon na wala kami sa tabi ng isa't isa?

He looks so annoyed.

He said we will not heal our wounds if we are beside each other, he is wrong because I am only in a process of healing when I am with him. Kahit ano pa ang gawin ko, hinding hindi ko maloloko ang sarili ko dahil alam na alam ko na s'ya lang naman ang kailangan ko.

"That is the only thing that I've ever asked you, Sierra Jem," mariin n'yang saad na nagpapikit sa akin.

Gusto ko nalang biglang bawiin ang lahat ng sinabi ko.

"Mahal kita, Xy," I said, voice shaking.

Matagal ko ng gustong sabihin sa kanya 'to pero hindi ako mabigyan ng pagkakataon dahil milya milya ang layo namin sa isa't isa at ngayong nandito na s'ya sa harap ko, kahit na mukhang galit talaga s'ya ay nagawa ko pa rin iyong banggitin kasi iyon naman talaga ang nararamdaman ko. Mahal na mahal.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon