Chapter 27

52 3 2
                                    


Happy reading :)

-

I am too dumb to think that when I woke up, Xy's face will be the first thing that I'll see this morning. Baka mamayang tanghali pa ang dating noon dahil ilang oras din ang byahe. Masyado lang talaga akong excited sa pagdating niya.

Pagbaba ko para sa agahan ay nagulat ako nang mabungadan si Quio. Masyado pang maaga para pumarito siya. Hindi pa nga ako naliligo at nagbabalak palang mag-almusal.

"Aga mo." Nakuha ko ang atensyon niya. Pinagpag niya ang kanyang kamay at tumayo. Sabay kaming nagtungo sa kusina.

"Aalis na rin naman ako."

Kumuha ako ng baso at saka uminom ng tubig. Habang binubuksan ko ang jar ng gummy candies ko ay napatigil ako. What does he mean by aalis?

"I will be going to states again. Dapat sa isang araw pa pero tinawagan na kasi ako ng kasamahan ko kaya..." nagkibit balikat siya.

Aalis na naman siya. I am sick and tired of him leaving. Ayaw ko ng may umaalis, ilang beses ko ba iyong sasabihin?

Masaya ngang nandito siya sa tabi ko pero kung pwede naman sanang isahang alis na lang siya sana iyon na lang ang ginawa niya para hindi na paulit ulit akong parang nauubos. When someone is going away, I felt like there is a part of me that's going with them kaya minsan pakiramdam ko ay nauubos ako.

"Good bye, then." Hindi ko nagawang tumingin sa kanya nang iusal ko ang mga salitang iyon. Babalik naman siya, e. Agfnlam ko babalik siya.

Parang zombie akong naglakad papuntang Gem and Mount. Nagtaka sa akin ang guard kung bakit hindi ko siya binate, noong nakakaraan kasi palagi ko siyang binabati pero ngayon ay maliit na pagngiti na lang ang naibigay ko sa kanya.

"Late ka," bungad sa akin ni Sun. Walang gana kong ibinaba ang bag ko sa lamesa. "Madame is mad. Bakit ka late? Pumasok ka sa loob, kanina ka pa niya hinahanap."

Hindi ko siya sinagot. Parang sampung minuto lang naman akong nahuli. Alam ko naman na hindi magandang nale-late pero simula noong pumasok ako rito ay ngayon palang ako nalate.

"Bakit ngayon ka lang?" Mataas nga ang kanyang boses kaya halatang galit siya. Ayokong ginagamit ang katungkulan at kung ano ang meron kami pero minsan talaga nakakapikon din si Tita. She knows that I am all new to this and we are the real owners of this business. I get it that she is the leader now pero sa amin pa rin ito.

"Ngayon darating ang mga investors, Sierra Jem! Ngayon mo pa talaga napiling maging makupad. Dalhin mo ito sa accounting department. Faster!" Ipinakita niya ang brown envelope na katulad nung mga walang sulat na araw araw niyang ipinabibigay sa akin. Agad ko iyon tinanggap.

Hindi ako maiimbak sa aking pwesto at siguradong may kinalaman ang papel na ito sa mga dadating mamaya kaya nang medyo nakalayo na ay agad kong binuksan ang envelope. I have a permission to do this kaya malakas ang loob kong pakialamanan ang mga papeles.

Lahat ng mga impormasyon na nakukuha ko ay agad kong sinasabi kay Tito Sylver. So far ay wala namang kasuklam suklam na ginagawa si Tita maliban sa pag-uutos niya sa akin katulad nalang nito.

"Oh? Kakaalis lang ni Sun dito, bakit hindi pa pinagsabay ni Madame ang pagbibigay nito?" Nagtatakang tanong nito. Ipinakita ko ang walang sulat na papel sa kanya. Agad siyang napakamot sa batok. "I told you to throw away these kinds of papers. Nagsasayang ka lang ng energy."

"It's okay though gusto ko naman talagang umalis sa table ko."

"You seem down today. I wonder what happened." Inilahad niya ang upuan para sa akin. Hindi ako tumangi, umupo ako roon habang pinapanood siyang magbrew ng kape. Nang mayari siya sa kanyang ginagawa ay inabutan niya ako ng isang mug.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon