Chapter 29

59 3 5
                                    



Happy reading :)

-

"Bakit hindi pa ngayon?" Nagtatakang tanong ko pero ramdam ko pa rin ang saya mula sa ibinalita niya.

"It takes time. After I graduate with my course I will take MCAT and study to pursue medicine. Pumayag na si Dad and his only wish is for me to graduate with my course. It's a good thing, isn't it?"

"Yes, babe! It's a good thing." Nakangiti kong saad.

Ilang taon na nga lang naman at g-graduate na siya. Kaunting tiis nalang tapos mabibigyan na siya ng pagkakataon na i-pursue ang gusto niyang kurso. Natagalan man pero eto na. Pumayag na sila Tito, iyon nalang naman ang hinihintay niya bago niya pasukin ang mundo ng medisina.

Hindi magiging madali ito pero narito lang ako para suportahan siya. No matter what happens, I will make sure to watch him as he becomes a doctor.

"Hindi na ako makapaghintay na makita ka na nakasuot ng doctor coat." For sure na malinis siyang tignan. Ngayon nga lang na uniform ang suot niya sa pagpasok, mukha na siyang presentable at kagalang galang, paano pa kaya kung coat na pangdoctor ang suot niya? Super handsome niya na siguro no'n.

"You're too excited, babe. Hindi pa nga sure kung makakapasok ako. What if I fail? Edi umasa lang tayo." Tumatawa niyang saad na agad ko namang sinamangutan.

"What the hell, babe? Ikaw? Mag fa-fail sa med? Joke ba 'yon?" Pinalo ko ang braso niya. I witnessed how he read books that were related to med. Ilang beses ng ganoon. Mas madalas pa ngang ganoon kaysa sa mga book na related sa course niya ngayon.

"You think so highly of me. I'm flattered." He chuckled.

Ngumuso ako at kaagad na ngumiti.

"Having you as a boyfriend is a flex, you know? Multi-talented Zalejas."

Saan pa ba ako makakahanap ng marunong magluto, magaling sa acads, masipag mag-aral at higit sa lahat gwapo. Dapat flineflex si Xy dahil kaflex flex naman talaga siya.

Ayokong pumupunta sa hospital pero pag naging doctor siya tatambay na lang ako roon at magpapapansin.

"I am very proud of you, babe."

"Wala pa nga e." Tumatawang saad niya.

"Still. I am proud of you." I reached for his hand and caressed it.

Ngumiti siya nang malaki at saka pinisil ang pisngi ko.

"Ganoon mo ako kamahal." Nagyayabang niyang saad. Hindi ako tumanggi dahil totoo naman. Ganoon ko siya kamahal na kahit wala pa siyang nararaating ngayon ay proud ako sa kanya.

Lahat ng gustuhin niya, gagawin ko.

The aura around me and Hera was too much. Parang bigla nalang bumigat. Hindi ko alam pero 'yung mga tingin sa akin ni Hera parang nakakahiwa pero kahit ganoon ay nagaawa ko pa rin siyang nginitian nang makapasok ako sa room.

Wala pa si Sharity kaya halos malagutan na ako ng hininga sa katahimikan na bumabalot sa amin ni Hera. Hindi lang kami ang nasa loob pero grabe 'yung epekto sa akin ng mga tingin niya. She never look at me that way eversince we became friends, ngayon lang.

Ilang minuto pa akong naghintay pero hindi dumating si Sha mabuti nalang may isang bakanteng upuan kaming pagitan ni Hera, kung hindi ay baka bigla nalang akong magyelo dahil sa lamig ng titig niya.

Hindi niya ako pinansin nang ayain ko siya for lunch na siyang ipinagtaka ko. Wala akong naalala na may ginawa ako para ikagalit niya.

Umirap ako nang makalabas. Agad kong kinawayan si Rorry at Leo na papalapit sa akin. Inangkla ko sa kanyang braso ang braso ko at sabay kaming naglakad patungong cafeteria.

After For His Kindness (Shattered Pieces Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon