P28: Touchdown II

170 6 8
                                    

Oh ano na? Ang tagal mo namang mag-isip. Anong gagawin natin? Paano tayo makararating dun? Lalangoy ba tayo? Lilipad? Oh ano? May plano ka na ba?", ay grabe ang dami tanong nitong si Diane. Nawawala concentration ko.

"Una, hindi ako marunong lumangoy. Ikalawa, lalong hindi ako marunong lumipad. At ikatlo, PAANO AKO MAG-IISIP KUNG ANG KULIT-KULIT-KULIT MO?!!"

"Ay. Sorry.", tapos naupo siyang nakatalikod sa akin sa may buhangin malapit sa tubig. "Ang sungit-sungit-sungit naman. Pwede ba yun? Isang water guardian na hindi alam lumangoy? Aba, meron pa lang ganun.", pabulong niyang sabi sa sarili niya, pero hinayaan ko na lang siya.

---

Nag-isip-isip pa ako. "Diane, sabi anong meron dyan sa ilalim ng tubig?"

"Ah. Sa ilalim niyan ay ang mundo ng Liquid Aqueos. Bakit mo natanong?"

"Hmm... Pwede mo ba akong tulungan?"

"Aba! Oo naman. *bow* "

"Sige sige. Masisiguro ba natin na walang mga guardian na pupunta sa diretsong daan na 'to?", tapos tinuro ko 'yung sinasabi kong diretsong daan papunta sa isla ni Acquila.

"Ah. 'Yun ba? Hmm... Pwede naman. Ano ba gagawin mo?"

"Wag na maraming tanong. Wala na tayong oras, malapit ng dumilim oh."

"Oh, sorry na. Eto na po.", tumapat siya dun sa tinuro kong dadaanan namin. Humigop siya ng hangin, "Ahhhhh!!!", sumigaw siya, hindi naman ganun kalakas. "Oh ayan, okay na. ^_^ "

"Sigurado ka ha?"

"Oo. Ako pa ba?"

"Oh sige, susubukan ko na.", pumikit ako. "Hydrophobia ... "

"Ano? Hydro-ano?", sabi ni Diane.

"Tumahimik ka. Eto na oh.", sabi ko tapos lumapit ako sa tubig at inapak ko yung mga paa ko sa dagat.

"Ha?! :O ", gulat si Diane. "Bakit lumalayo sayo yung tubig?"

"Eto ang hyrophobia. Hindi makakadikit ang tubig sa hydrophobia."

"Wow! Osha, bilisan na natin.", sabi ni Diane.

"Tara! Hydrophobic force!", tinapat ko yung kamay ko dun sa parte ng dagat na sinigawan ni Diane at nahati yung tubig at tinakbo namin ang tuyong lupa papunta sa isla ni Acquila.

---

Nakarating kami sa isla bago dumilim. Nagawa kong matapos ang pagsubok ni Acquila! :D

"Ang tagal niyo naman. Napakasimple ng pinagawa ko, tapos ngayon lang kayo natapos?"

"Yun nga po eh. Medyo natagalan nga kami kamahalan."

" ... ... ... "

---

Diane's POV:

Hinati ng lotus ang dagat para makapunta kami sa isla ng kamahalang Acquila. Oo, malakas na kapangarihan ang ginamit niya para hatiin ang tubig, pero hindi ba masyadong simple ang pagsubok para gamitan niya ng ganung kapangyarihan? Isa siyang water guardian, mas magiging madali kung lumangoy na lang siya. At bakit nga ba hindi siya marunong lumangoy?

"Ang tagal niyo naman. Napakasimple ng pinagawa ko, tapos ngayon lang kayo natapos?", sabi ni Princess Acquila pagdating namin.

"Yun nga po eh. Medyo natagalan nga kami kamahalan.", sagot ko naman.

Tapos bigla na lang bumagsak ang lotus.

"Huh! Ang lotus", sabi ko at nilapitan ko siya.

"Napakalakas na kapangyarihan ang kailangan para mahati ang dagat. Hindi kinaya ng katawan niya ang kanyang ginawa, naubos ang lakas niya.", pagpapaliwanag ni Princess Acquila. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya, tawagin mo na lang ako pag nagkamalay na siya."

"Opo kamahalan.", at nagpunta na ang kamahalan sa kanyang silid habang pinapagaling ko naman ang lotus.

---

Xyrus' POV:

Hindi maganda ang kutob ko dito. Kailangan ko itong ipaalam sa Serdin. Anumang oras, maaaring may mangyaring hindi inaasahan

~~~

Author's Note:

Ang ibig sabihin na 'Socius' dun sa picture ay "Kasa-kasama/companion". :)


Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon