P7: Mysteries

593 20 1
                                    

Albert ...
Albert ... 
Albeeeerrrrtt ...
"ALBERT!"

"Mmmmm. Ma, naman. Ang aga-aga."

"Bumangon ka na."

"Mmmmmmmm."  *zzzzz*

"Kung hindi ka babangon dyan, itataob ko 'tong kama."

"Eto na, eto na. Babangon na. Bakit ba kasi?"

"At may gana ka pang magreklamo. Hoy! Ngayon ang enrollment mo."

"Ha? Ba't di niyo agad sinabi?"

"Wow! Ikaw kaya ang hindi magising. Salamat ah."

"Hala sige, maliligo na ako."

"Mabuti pa nga. Pagkatapos mo, dumiretso ka na sa kusina. Kumain ka muna bago tayo umalis."

~~~

     Meron palang mga kalaban ang mga guardian. Nakakatakot 'yung pagkaka-describe sa kanila dun sa libro. Grabe, lalo akong ginaganahang magbasa. Itong kwintas naman, naaalala ko 'yung story ng guardians 'pag tinitingnan ko ito. Sana nga totoo sila.

"Ano 'yan," biglang tanong ni mama sa akin.

"Grabe ma, nakakagulat naman kayo."

"Panong di ka magugulat," sagot niya. "Ang lalim ng iniisip mo. Tsaka ano yan? San mo nakuha yan?"

"Eto ba," sabay hawak sa kwintas na suot ko. "Napulot ko sa may likod bahay."

"Patingin nga." Aabutin na ni mama mula sa kamay ko.

"Eii," angal ko. Tinago ko 'yung kwintas sa kamao ko.

"Ang damot mo. Parang titingnan lang. Ihagis kita sa bintana, makita mo!"

"Lol. Airconditioned 'tong bus. Sarado ang mga bintana." Eto talagang si mama patawa kung minsan.

"Tumahimik ka," sabi niya.

Hahaha! Nakakatuwa talaga tong si mama.

     Sa wakas, nakarating na rin kami sa Baguio. UP Baguio. Sa school cafeteria kami nag-lunch. Awkward for me, first time eh. 'Yung dating pinapangarap kong school, ngayon eto na. Marami pa kaming ilalakad.

~~~

     Hay, nakakapagod. Pagkatapos naming maglakad ng documents, uwi na kami kaagad, pero habang nasa daan, biglang yumanig ang lupa.

"LANDSLIDE," sigaw ng driver.

     Ano pa ba ineexpect niyo? Natakot kaming lahat. Nagpanic mga pasahero, sigawan sila. Hay naku, ang weird talaga ni mama, poker face lang ang peg?

*BGSHHHHH!!!*

"AAAAAAHHHHHHH," sigaw nila. Naramdaman na naming bumubulusok na kami pababa. Takot na takot ako. Wala akong magawa kaya pumikit na lang ako. Katapusan na namin.

~~~

     Pagbukas ko ng mata ko. "Nasa langit na ba ako," inisip ko.

     Hindi! Buhay pa ako. Nakaligtas kami. Nakita ko ang delubyong nangyari. Yuping-yupi 'yung bus na nabagsakan ng mga malalaking mga bato. Mukhang walang nakaligtas.

     Bigla kong naalala si mama. Agad ko siyang hinanap. Laking tuwa ko nang makita ko siyang walang malay sa may tabi ko. Natulala na lang ako. Oo nga, nakaligtas kami, buhay kami. Pero paano nangyari yun?

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon