P11: Surprises

476 16 0
                                    

"Pagkatapos mong kumain, ayusin mo 'yung kwarto mo," sabi ni mama sa akin. "Ako na maliligpit ng mga pinagkainan."

"Bakit po," nagtataka kong tanong. Hindi naman kasi normal na maging concerned si mama sa kwarto ko. Bakit nga kaya?

"May bisitang darating," sagot ni mama pagkatapos higupin 'yung natitirang sabaw sa mangkok sa mangkok niya. "Dun na muna siya sa kwarto mo. Malaki naman 'yon, tsaka pandalawang tao 'yung kama," paliwanag pa niya.

"Ha? Kailan? Sino? Gano katagal siya rito?"

"Bakit ba andami mong tanong? Basta. Ayusin mo na lang 'yung kwarto mo."

     Tss. Parang nakakabanas na ewan.

Ayun na nga, dumiretso ako sa kwarto pagkatapos kumain at sinimulan ko nang mag-ayos.

After 2 hours ...

     Grabe, inabot ako ng dalawang oras? Ganun na ba talaga kagulo ang kwarto ko? Kung titingnan ko naman, ang laki nga ng pinagbago. Hindi ko alam, ganito pala kaganda 'pag malinis 'tong kwarto ko.

     Habang pinapalitan ko 'yung bedsheet at mga pillow case, narinig ko si mama dun sa may gate.

"Mabuti at andito ka na. Sakto malapit nang maluto ang hapunan."

     Mukhang andito 'yung bisita. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang isang lalaki. 'Di ko nakita 'yung mukha niya, pero masasabi kong kasing edad ko lang siya. *sigh* Mabuti naman kung ganun. Palagay ko magkakasundo kami. Sana magkasundo kamo. Ikukwento ko sa kanya ang tungkol sa mga guardian! Hahaha, eto na naman ako, at ang walang katapusan kong kabaliwan sa istorya ng mga guardian.

~~~

"Aba! Ang ayos," sabi ni mama pagkakita sa kwarto ko. "Parang kwarto ng ibang tao." Hindi ko alam kung ma-iinsulto o matutuwa ako sa sinabi niya.

"Ano ba yan ma? Sa pagkakasabi niyo eh parang nadelubyo 'tong kwarto ko nung hindi pa naaayos," sagot ko naman.

"Hindi nga ba," pang-aasar niya sa akin. "Eh parang dun na nga papunta yun. Hala sige, tara na at nakahanda na ang hapunan. Andyan na rin 'yung sinasabi kong bisita. Grabe, ang gwapo niya," malanding nanay 'to? "Hoy, magpakabait ka," dagdag pa niya.

"Ma? Yuck! 'Wag niyo namang pagnasaan yung tao. Parang kapatid ko na yun ah"

"Tumigil ka! Hambalusin kaya kita dyan, makikita mo. Teka, pano nalaman na kasing edad mo lang siya?"

"Nakita ko sa bintana kanina, pero 'di ko nakita 'yung mukha niya. Ano ma? Magkukwentuhan na lang ba tayo? Baka naiinip na 'yung 'boypren' mo?"

"Hmp! Tara na nga. Baka mapatay pa kita," naiinis na sabi ni mama. Haha, patay agad?

     Paglabas ko ng kwarto, punta na agad sa hapag. Andun 'yung bisita, nakaupo sa tabi ng upuan ko. Hmm. Ano kaya itsura niya? Palagi na lang siyang nakatalikod 'pag nakikita ko siya.

"Oh, Albert. Halika at ipakikilala kita," pagtawag ni mama sa akin. "Albert, siya si Leun. Leun siya si Albert, anak ko"

"Nice meeting you," sabi nung Leun sabay yuko at ngumiti siya pagkatapos.

Wala akong ibang nasabi kundi, "Ikaw?!"

"Magkakilala kayo," gulat na gulat na tanong ni mama samin.

"Hindi naman po," paliwanag ni Leun. "Nagkita lang po kami kanina nung hinahabol niya 'yung aso niya."

"Ah. Ganun ba? Ginulat niyo naman ako. Hala sige, kumain na tayo at lumalamig na ang pagkain"

    Pagkatapos kumain ng hapunan nag-ayos-ayos na at dumiretso kami ni Leun sa kwarto.

"Kumusta ka," tanong ni Leun sa akin. Grabe, nakabibigla yun ah.

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon