Albert's POV:
Nagising ako na nakagapos sa dalawang poste sa gitna ng isang lugar na puno ng kadiliman. Ang isang kamay ko sa isang poste at yung isa naman sa kabila. Nakita ko sa harapan ko ang isang crystal na kulay violet. Nakatatakot ang aura sa paligid. Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang itim na aura. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito? Pano ako napunta dito? Anong lugar ito? At nasaan sila mama at Leun? Ang huli kong naaalala ay nasa tabing ilog kami, at may nakita akong magandang babae. Anong kinalaman nung magandang babae dito?
Maya-maya, may lumapit sa akin na isang babae. Puti ang buhok, at may anim na itim na pakpak. Sino siya? Mukha siyang angel of darkness. Hindi ko alam kung anong nangyayari, pero alam kong masama siya.
"Avette Lotus! Maligayang pagdating sa Alcubra.", pagbati niya sa akin. Pero teka, lotus? Alcubra?
"Anong kailangan mo sa akin?! At sino ka?"
"Sabihin na lang natin na, DAPAT KA NG MAWALA!!! Hindi na ako papayag na mabuhay ang kapangyarihan ni Lexus. Kaya bago pa mangyari ang propesiya ng Serdin ay PAPATAYIN NA KITA!", huh?!! Lexus? Serdin? Isa ba siyang ghost? At bakit niya ako tinatawag na Lotus? Okay. Naniniwala nga akong totoo ang nasa libro, pero mali yata ang akala ng halimaw na to. Anong kinalaman ko sa Lotus at sa Serdin?
"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo.", sagot ko.
"Wag ka ng magmaang-maangan!"
"Hindi ko nga alam ang sinasabi mo! Ba't ba ang kulit mo?!! At sino ka ba?!!"
"Ako si Shaiya! At ako lang naman ang papatay sa sayo. Whahahaha! Isa itong karangalan!!!", may lumitaw na bow sa kamay niya. "Death Arrow!!!", nagkaroon ng palaso galing sa mga usok at tinira niya papunta sa akin. Napapikit na lang ako. Akala ko katapusan ko na, pero hindi umabot sa akin yung palaso. Biglang umilaw tong kwintas at gumawa ng harang.
*phew* "Kamuntik na ako don!"
"Arrrgghh!!! Ang kwintas! Napupuno na ako sa kwintas na yan!"
"Heh! Hindi ko man alam ang nangyayari, pero buti nga sayo!:P"
"Ginagalit mo ako! Orryx!", itim na apoy naman. Hindi umabot sa akin ang apoy dahil sa harang pero nararamdaman ko parin ang init. Sobrang init. Papatayin na niya yata ako.
"Aaaaahhhhhhh!!!!", sigaw ko.
"WHAHAHAHAHA!!! Wala ka ng takas. Wala ng silbi yang panangga ng kwintas mo sa Orryx", mamamatay na ako. Yun lang nasa isip ko nang biglang ...
"Air Slicer!!!", may umatake kay Shaiya.
"Aaaahhhh!!!" sigaw ni Shaiya habang umaagos ang itim na dugo mula sa likod niya. Napatingin kaming dalawa sa pinanggalingan ng atake. Si Leun! At si mama!
"Leun, mama!", sabi ko nang may kasiyahan kahit na nawiwindang pa rin ako sa mga nangyayari.
"Wag na wag mong gagalawin ang anak ko!", sigaw ni mama.
"Mga lapastangan! Ngayon, hindi na kayo makaaalis dito. Dito na kayo ililibing! Mga shadow ghost, patayin sila!", sabi ni Shaiya at lumitaw ang maraming-maraming shadow ghost.
Nakita ko. May kapangyarihan sila. Si Leun at si mama. Nakikipaglaban sa mga ghost. Gumagamit ng hangin si Leun at kulay pink na apoy naman si mama. Sobrang naguguluhan na talaga ako. Nananaginip lang ba ako? O binabangungot?
"Tch!!! Sinisira nila ang araw ko.", sabi ni Shaiya. "Hindi ako papayag. 'Nox nibus!' ", lalong dumami ang mga ghost. Lumabas na rin ang mga lumilipad na shadow ghost. "Ngayon, tingnan lang natin kung hindi pa kayo mamatay."
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasySee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.