Tatlong araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang insidente ng mga itim na bulaklak. Naging maingat ang mga guardian sa mga pwedeng mangyari lalo na't sinusubaybayan na pala sila ng mga ghost. Pinalakas ng bawat kaharian ang kani-kanilang pwersa at pinatibay ang depensa. Pinatindi rin ang pagsasanay ng mga guardian upang mas mapalakas pa ang kanilang mga kapangyarihan.
Gayun din si Albert. Sinimulan na mga royal guardian ang pagsasanay sa kanya upang makabisa niya ang iba pang mga elemento. Sa lalong madaling panahon ay dapat niyang makabisa ang mga elemento dahil kaunti na lang ang natitirang oras. Hindi nila alam kung kailan susugod ang mga ghost. Sinabi rin ni Elder Guardian Apollo na hindi na lalampas ng isang buwan at magaganap na ang ikalawang digmaan sa pagitan ng mga guradian at mga ghost. Dahil dito, binigyan lang si Albert ng tig-limang araw para sanayin ang bawat elemento.
Ngayon ay ikatlong araw na rin ni Albert sa pagsasanay niya sa ilalim ni Prince Argon ng Aqueos.
Albert's POV:
*FLASHBACK: Three days ago*
Inabot na kami ng dilim bago namin mapatay lahat ng itim na bulaklak.
"May napatay na tayong labindalawang bulaklak. Iisa na lang ang kulang.", sabi ni Magus.
"Sinuyod na namin ang buong Serdin, pero wala na talaga kaming makita.", sabi ni Argon
"Xyrus, sigurado ka bang labintatlo ang mga bulaklak?", tanong ni Zen.
"Oo. Saglit lang at titingan ko ulit.", nagsabog ulit ng liwanag ni Avo Xyrus para mahanap ang huling bulaklak, pero wala na siyang nakita. "Nakapagtataka. Sigurado akong labintatlo ang mga bulaklak kaninang umaga, pero wala naman na akong nakita ngayon. Malinis na ang Serdin."
"Baka naman nagkamali ka lang kanina. Ang importante, wala na ang mga bulaklak.", sabi ni Aira.
"Siguro nga, nagkamali ako, pero kahit ganun, kailangan pa rin nating maghanda. Isa pa rin itong babala na nalalapit na pagsugod nila."
"Tama. Kaya kailangan na ng Lotus ang kanyang pagsasanay.", sabi ni Magus. Eto na, mukhang magsisimula na ang totoong dahilan ng pagpunta ko dito.
"Sige. Sa akin na siya magsisimula.", sabi Argon.
"Ayan. Hindi magtatagal at makakabisa na ng Lotus ang lahat ng elemento.", sabi naman ni Luna.
"Teka lang. Wala na tayong masyadong oras. Masasabi kong hindi na lalampas ng isang buwan at magaganap na ang ikalawang digmaan sa pagitan ng dalawang lahi.", sabat ni Apollo.
"Ano?!", sabi ni Aira. "Paano 'yan? Hindi pa alam ng Lotus kung paano gamitin ang lahat ng elemento.
"Alam ko 'yun. Kaya iminumungkahi ko na sa loob ng limang araw ay dapat makabisa ng Lotus ang isang elemento. Sa gayong paraan, makapaghahanda pa tayo bago dumating ang digmaan.", sagot ni Apollo. Naku! Mukha yatang mahirap ang sinasabi niya.
"Teka lang.", sabi ko. "Makakaya ko ba na makabisa ang bawat elemento sa loob lang ng tatlong araw?"
"Wala tayong magagawa kaya dapat kayanin mo.", sabi sa akin ni Apollo.
"Osha, ako na ang bahala sa Lotus. Bukas na bukas ay magsisimula na kami.", pagputol ni Argon sa usapan.
"Mabuti pa nga at nang makapagpahinga na rin tayong lahat.", sabi ni Acquila. "Albert, kay Argon ka na sumama ngayong gabi."
~~~
At ayun na nga. Umalis ang mga guardian sa Mt. Olivia at ako naman ay sumama kay Price Argon papunta sa lugar niya sa Aqueos.
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasySee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.
