P20: Anxiety

341 10 0
                                    

Ako si Xyrus. Ang Light Guardian. Ang binhi ni Lexus. Humigit-kumulang 900 years na ang nakalipas, pinawalan ako ni Lexus bago siya mamatay. Sinabi niyang sa akin manggagaling ang isang espesyal na guardian na siyang bubuhay sa kapangyarihan ng Lord of Balance. Dito sa Earth ako nakarating at nagsimula ng isang panibagong buhay.

Kapantay ko ang mga royal at elder guardian sa Serdin. Ngunit hindi nila ako kilala. Sa tagal kong nabubuhay sa kalawakan, walang nakakikilala sa akin kundi ang aking mga anak lamang. Kilala ko sila, pero hindi nila ako kilala. Alam ko ang tungkol sa kanila, subalit wala silang alam tungkol sa akin. Hindi ko iyon dadamdamin dahil nasanay na akong mabuhay nang mag-isa.

Dahil kapantay ko ang mga elder at royal guardian, ako rin ay hindi namamatay sa katandaan. Ni hindi tumatanda ang aking itsura. Diameno ang tawag dito. Ako, ang royal at ang elder guardians ay nabubuhay sa diameno. Yun ang dahilan kaya't nananatili pa kaming buhay mula noon hanggang ngayon. Mamamatay lang kami kung may papatay sa amin.

May pagkakaiba naman ang mga guardian sa Earth at ang mga guardian sa Serdin. Ang mga guardian sa Serdin ay ipinapanganak bilang mga guardian na. Hindi rin sila dumaranas ng kamatayan dahil sa katandaan. Kapag nasilayan na ng isang guardian ang ikaapat na henerasyon ng kanyang dugo, maabot na niya ang raptus. Kapag nangyari yun, siya ay magiging isang espiritu at aanib sa Voltaire, ang puso ng Serdin.

Samantalang ang mga guardian sa Earth, dahil sila ay may dugong tao, ay nakararanas ng kamatayan. Tumatanda sila, nanghihina, at namamatay. Yun ang pinakamasakit sa aking parte. Ang nakikita mo ang mga anak mong lumipas habang ikaw ay nananatiling nabubuhay.

Tinuruan ko ang aking mga anak tungkol sa tunay nilang pagkatao. Itinuro ko sa kanila ang lahat ng nalalaman ko. Gumawa rin ako ng isang aklat na nagsasaad ng kwento ng mga guardian at ghost, ngunit hindi ko na alam kung nasaan iyon.

Nang isinilang si Geraldine, alam kong nalalapit na ang katuparan ng propesiya. Kaya't nagsikap akong ituro sa kanya ang mga bagay na dapat niyang malaman. Subalit nagrebelde siya. Umalis siya sa aking poder noong ipinagbubuntis na niya ang Lotus. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makitang lumaki ang aking apo. Pero hindi niya maitatakas si Albert sa mga dapat mangyari. Kaya't heto na ngayon, nasa akin na si Albert at siya'y nagsasanay upang tuparin ang tungkuling dapat niyang gampanan.

Dumating dito si Shaiya upang kunin ang Lotus ngunit hindi siya nagtagumpay. Napigilan ko siya, pero siya ay nakatakas. Nung mga sandaling nilalapitan ko na siya, nakita kong tumakas siya. Ginamit niya ang anino ng mga puno, at ang babaeng napatay ko ay illusion lamang.

Nagsisimula na ang mga ghost. Nalalapit na ang pagbangon ni Lanaya. Dapat na kaming maghanda.

Albert's POV:

Paano nangyari yun? Paano nakatakas si Shaiya? Nakita namin, nakita ko, natalo siya, napatay ni Avo Xyrus. Hindi ko maintindihan, pero kung buhay pa talaga siya, siguradong babalik siya. Mabuti na lang at hindi siya nagtagumpay na kunin ako.

"Albert?", nilapitan ako ni Andy.

"Yes? Ano yun?", sabi ko saknya.

"Ah ... Eh ... ", ano kayang meron? "Albert, gusto ko sanang mag-thank you sa pagligtas mo sa akin.", totoo ba to? Nag-thank you siya?

"Andy?! Ikaw ba yan?", sabat ni Leun sa usapan namin. "Ayos ka lang ba? Baka may sakit ka?"

*wapak!* "Anong sinasabi mo?!", aray masakit yun.

"WHAHAHAHAHA! Ikaw kasi Leun, kung anu-ano sinasabi mo. Natadyakan ka pa tuloy.", sabi ni Scarlet.

"Ahahaha! Kaya nga. Anong masama sa pagsabi ng thank you?", sabi ko naman.

"Eh kasi hindi naman alam ni Andy sa salitang thank you. Ahihihi", si Lira naman, nang-aalaska rin.

"Tss!", yun lang sabi ni Andy sabay tingin kay Lira.

"Oh.. Oh.. Chillax, biro lang.", at gumawa siya ng ice wall sa harap niya. Ahaha, sigurista tong babaeng to.

"Teka nga Albert. Nakita namin yung ginawa mo kanina, at hindi ka tinamaan ng tira ni Shaiya.", sabi ni Scarlet.

"Tama. Tama. Paano mo nagawa yun?", dugtong naman ni Lira.

"Dahil dito.", tapos pinakita ko yung kwintas ko. "Itong kwintas na suot ko ang dahilan. Nung bihag ako ni Shaiya sa Alcubra, death arrow din ang ginamit niya sa akin pero pinrotektahan ako ng kwintas na to."

"Yan ang Amulet of Inner Power.", sabi ni Leun. "Binuo yan ng mga Royalties at Elders para sa Lotus. Para protektahan siya."

"Sandali. Tingnan niyo, nangitim yung seal of nature oh."

"Huh?!", tas tiningnan ko yung kwintas. "Ahy oo nga noh? Bakit nagkaganto?"

"Ang Amulet of Inner Power", sabi ni Avo Xyrus. "Hayaan niyong ipaliwanag ko.", hmm.. Ba't ang dami nilang nalalaman.

"Makikinig kami", sabi ko.

"Mabuti", sabi nila. "Ang Amulet of Inner Power ay ginawa ng mga royal guardian kasama ang mga elder guardian. Ginawa ito upang mapangalagaan ang Lotus, upang mapanatili siyang nabubuhay hanggang sa dumating ang takdang panahon na gagampanan na niya ang kanyang tungkulin. Yun ang dahilan kung kaya't buhay ka pa hanggang ngayon, hindi sa nagkataon lamang, ngunit dahil ito ang itinakda. Narito ka't nabubuhay dahil ikaw ay may mahalagang tungkulin. Ang kwintas na yan ay katumbas ng Voltaire. Kung mapapansin niyo, makikita sa kwintas ang anim na seal ng mga elemento na nakapaligid sa puting bato sa gitna. Ngayon, dahil isa ka ng ganap na guardian, nagsimula na ang iyong tungkulin. Ikaw ang Lotus, kahit nung hindi ka pa naipapanganak, ikaw na ang Lotus. Nagsimula na ang iyong tungkulin kahit na hindi mo pa nakakabisa ang buong kapangyarihan ni Lexus. Dahil dito, ang Amulet of Inner Power ay bahagya ng nawalan ng kapangyarihan. Kaya ka na lamang nitong iligtas muna sa mismong tiyak na kamatayan, nang anim na beses. Maaari mo ring gamitin ang kapangyarihan ng bawat seal. Basta't anim na beses na lamang pwedeng gamitin ang kwintas. At dahil sa nangyari kanina, nagamit mo na ang isa sa mga seal, ang nature seal. Kaya't limang beses mo na lamang na magagamit ang kwintas."

"Ow. Ang astig!", sabi ni Scarlet.

"Gaga! Anong astig dun? Eh limited na nga ang powers ng kwintas.", sabi naman ni Lira.

"Andito pa naman ako. Ako ang protector ng Lotus, tungkulin ko ang siguraduhing makararating siya sa pagkakataong papatayin na niya si Lanaya. Mabigat na to, kailangan ko pang maging mas malakas.", seryosong sabi ni Leun.

"Basta ang importante, sama-sama tayo. Nandito lang kami.", sabi ni Andy sabay tingin sa akin. "Tutulong din kami upang maprotektahan ang Lotus ^_^ ", lalo akong natulala. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti.

"Mapalad ang Lotus. Maraming nagpapahalaga sa kanya", sabi ni Avo Xyrus. "Albert, ba't ang tahimik mo?"

"Wa-wala lang akong masabi. Ngayon ko lang po na-realize, ang bigat-bigat pala ng dinadala ko. Pasan ko ang buong Serdin."

"Hindi lang ang Serdin, kundi pati ang Earth, at ang buong kalawakan. Sa iyo nakasalalay ang magiging kinabukasan ng buong kalawakan.", sabi ni Leun sa akin. Lumapit siya, hinawakan ako sa balikat. "Hindi kita tinatakot, alam kong kaya mo. At nandito lang ako. Diba ako ang protector mo? ^_^ Kasama mo kami."

Wala talaga ang masabi. Pakiramdam ko, nalunok ko dila ko. Grabe, ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang naramdaman ang pahalaghan ng ganito. Hindi ko alam ang gagawin. Dapat ba akong matuwa dahil pinararamdam nilang mahaga ako, o dapat ba akong ma-pressure dahil ang laki ng tiwala nilang maililigtas ko ang buong kalawakan? Magulo.

"Masaya ako para sayo", sabi ni Avo Xyrus. "Pagyamanin mo yang pagpapahalaga at attention na ibinibigay sayo. Napakapalad mo na ikaw ang naging Lotus. Ngayon, pakiramdam ko, mahalaga na rin ako. Maraming salamat at sa akin ka nanggaling. Dahil kahit paano, naramdaman ko ang mapahalagahan.", sabi ni avo. Nagdadrama ba sila?

"Avo?", sabi ko lang.

"Pasensya na.", sabi nila. "Hala sige, magpahinga na muna kayo at magpapahanda na ako ng hapunan.", tas inutusan na nila ang mga spirits.

Hindi ko man sila maintindihan, pero alam kong masaya sila. Sapat na yun para maging masaya para sa kanila. At ngayon, dapat pa akong magpursigi upang maging malakas.

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon