P17: New Beginning I

391 14 0
                                    

Ako si Albert. Isang simpleng taong naninirahan nang normal sa Earth. Kasama ang aking mama, si Arthur na aking kapatid, at ang aso kong si Jex, gayun din ang mga kaibigan kong sina Mariann at Leun. Mahilig akong magbasa, at nahumaling ako sa aklat na tungkol sa mga nilalang sa ibang panig ng kalawakan. Isang araw nagising na lang ako sa isang kakaibang lugar, nakakita ng mga kakaibang nilalang, nakausap at nakasalamuha ko sila. Kahit alam kong totoo, ayaw pa ring paniwalaan ng isip ko. Parang panaginip, parang bangungot. Nakita ko sila, ang mama ko, ang kaibigan kong si Leun, pare-pareho sila. Akala ko hanggang imahinasyon lang ang lahat. Oo, naniwala nga akong totoo sila, at napatunayan ko na. Totoo sila, totoong totoo. Pero hindi ko akalaing higit pa pala roon ang katotohanan. Dahil si mama ay kabilang sa kanila, si Leun ay kabilang sa kanila, ang lahi namin ay galing sakanila, at ako ... ako rin ay isa sa kanila. Matagal tong tinago sa akin, pero ngayon alam ko na, alam na alam. Ako! Ako si Albert. At hindi na lang ako isang simpleng tao. Dahil ako ... Ako ay isang Guardian! Ako ang Lotus!!!

--------------------------------------------------

"Albert, anak ni Geraldine, sa oras na ito, ibinabasbasan kita sa ngalan ng ating amang si Lexus, sa harap ng mga saksing guardian.", hinawakan niya ako sa ulo. "Ngayon, binibigyan kita ng benedicto.", at umilaw yung mga kamay niya. Nabalot din ako ng liwanag. Hindi nagtagal ay unti-unting humupa yung lawanag. "Ayan. Benedictado ka na. Isa ka ng ganap na guardian!", sabi ni Xyrus at nagpalakpakan silang mga nanonood.

Agad nila akong nilapitan. "Wow! Ang astig nun! Ang astig nung pagbibigay ng benedicto, wala kasing ganun sa Serdin ehh.", sabi agad ni Leun. Halatang manghang-mangha siya.

"Pano ba yan? Guardian ka na.", sabi ni mama.

"Haha. Hindi ko nga po alam kung ano ng mangyayari sa akin ehh.", sagot ko.

"Things will never be the same", sabi naman ni Leun.

"Marami ka pang dapat matutunan. Kailangang maging handa ka, hindi biro ang haharapin niyo. Dito na kayo manirahan sa lugar ko, malawak ito at maaari niyong pagsanayan.", sabi ni Xyrus.

"Teka. Pano si Arthur? Si Mariann? Pano ang pag-aaral ko?", pag-aalinlangan kong sabi.

"Ikaw lang naman ang maiiwan. Sa bahay pa rin ako titira.", sabi naman ni mama.

"Huh?!! P-p-pero ... "

"Wala ng pero-pero. Kasama mo naman si Leun at yung ibang mga guardian."

"Haayy... May magagawa pa ba ako? Sasama na lang muna ako sa inyo para na rin makapagpaalam kila Arthur at Mariann."

"Sasama din ako.", sabi ni Leun. "Makatutulong ang kapangyarihan ko para makabalik kami dito nang mabilis."

"Sige. Tara na.", sabi naman ni mama.

"Teka. Akong sasakyan natin?", tanong ko na naman.

"Yun ba? Hawakan mo ko.", hinawakan ko na lang mga kamay ni mama. "Leun, sumunod ka na kaagad." *swoooshh!!!* at ... at ... bigla na lang kaming napunta sa bahay! O_O

Tapos bigla na ring sumulpot sa harapan namin si Leun. "Grabe tita Ghee. Bilib pa rin ako sa inyo. Isang guardian na maraming kakayahan."

"Hindi naman. Katulad na sinabi ko, air guardian ang ama ko. At isa pa, nature guardian naman ang lolo ko kaya nagagawa kong magpatulog gamit ang mga essence."

Grabe ang astig talaga. Guardian talaga kami. At may kapangyarihan na ako. Sa sobrang excitement ko, napasigaw na lang ako. "Yahoo!!!", pero hindi ko namalayang nagsabog na pala ako ng tubig sa paligid. Grabe, ang sama ng tingin nila mama sa akin. Basang-basa sila. "Hihi.. Peace (^_^)V "

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon