P32: Visitor

44 1 0
                                    

Pangatlong araw na ng pagsasanay ni Albert sa ilalim ni Argon. Tatlong araw na rin siyang hindi umaalis sa kanyang kinalalagyan dahil sa pagsubok na ibinigay sa kanya. Walang binibigay na pagkain sa kanya. Walang guardian ang pwedeng lumapit at kumausap sa kanya. Tanging ang kanyang socius na si Diane ang kasama niya.

"Kamahalan. *bow* Malapit na pong matapos ang limang araw na ibinigay ng mga elder guardian para masanay ni Albert ang paggamit ng yelo.", sabi ni Lira kay Argon.

"Oo, alam ko. Mukha namang maayos ang ginagawa niya sa aking pagsubok. Baka bago dumilim ay magsimula na kami sa kanyang pagsasanay.", sagot naman ni Argon.

Ilang saglit lang at may lumapit na water guardian sa kanila. "Kamahalan. *bow* Sinasalakay po ng mga noise ghost ang liquid aqueos. Pinapunta ako rito ng Princess Acquila upang ipaalam sa inyo at nang mai-angat niyo ang inyong depensa."

"Ano?! Hala sige, sasama ako sa liquid aqueos. Tutulong ako.", sabi ni Argon. "Lira, bantayan mo si Albert. Babalik ako agad.", bilin niya at gumawa siya ng isang malaking pader na gawa sa yelo para itago ang Lotus bago siya umalis.

Albert's POV:

*brrrrrr* Grabe, tatlong araw na akong nandito. Kailan ba matatapos itong pagsubok na ito?

"Ano ba naman tong pinagagawa sayo ni Prince Argon, ang boring!", sabi sa akin ni Diane.

"Mabuti nga at nariyan ka para kumausap sa akin. Siguro nabaliw na ako kung wala ka. Grabe, nagugutom at giniginaw na ako rito. Kailan ba matatapos to?"

Habang nag-uusap kami ni Diane, isang napakalaking pader ng yelo abg umangat mula sa lupa. Ano na naman bang balak gawin ni Argon?

"Albert!", nakita ko si Lira na nagmamadaling lumapit sa akin.

"Oh Lira. Anong ginagawa mo dito?"

"Pinababantayan ka sa akin ni Prince Argon."

"Nasaan ba siya? Ang tagal ko na dito oh!"

"Nagpunta lang siya saglit kay Princess Acquila."

"Teka lang. Bakit suot ang firrah? May kalaban ba?", tanong ko.

"Ah eto ba? Eh kasi ... uhm ... nagsasanay kasi ako. Oo, nagsasanay kasi ako. Hihi."

"Ah ganun ba? Mabuti naman."

Ilang sandali lang at nakarinig kami ng isang malakas na pagsabog. Sa magkakarinig ko parang may gumuho mula sa kung saan. At nasundan pa iyon ng isa pang pagguho. Nadagdagan pa ng mga sigaw at tunog ng mga sandata. Parang may nagyayaring laban.

"Lira, ano 'yun?" tanong ko.

"Ah. A-ayun ba? W-wala 'yun. Mga guardian lang na nagsasanay." sabi niya.

"Nakapagtataka naman. Parang nasosobrahan yata sila sa pagsasanay. Nakasisira na si sa paligid."

"Hayaan mo na sila. Ganyan talaga. Hihi"

"Nasaan ba si Prince Argon? Gaano katagal pa ba kami rito? Hindi pa napag-aaralan ng Lotus ang ice element oh!" tanong ni Diane kay Lira. Mukhang bagot na bagot na siya.

"Nagpunta lang siya sa Liquid Aqueos. P-para bisitahin si Princess Acquila. T-tama! Binisita niya si Princess Acquila. Hihi."

May hindi tama. "Lira, may tinatago ka ba sa amin?" tanong ko.

"Ako? W-wala. Wala. Ano namang itatago ko sa inyo?"

"Hindi ko alam. Kakaiba kasi nga kilos mo eh."

"Ano ka ba? Pagod lang ako. 'Yun lang."

Habang nag-uusap-usap kami, may napansin ako papalapit. Apat sila; isang babae at tatlong bata. Tumigil sila sa harap ng ice wall.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon