"Ang ganda naman ng lugar na to. Sariwa ang hangin, malinaw ang tubig, at ang daming puno, halaman, at bulaklak.", sabi ni Leun samin.
"Oo. Maganda talaga dito. Masarap mag-relax.", sagot ko naman sa kanya.
"Hindi ko akalain na may ganito pa palang lugar dito.", sabi ulit niya. Ganun na ba talaga ka polluted ang mundo para sabihin niya yun?
"Kuya Albert... Kuya Leun... tingnan niyo ohh, hayun si mama paparating.", sabi samin ni Arthur habang tinuturo si mama na naglalakad.
"Aba oo nga.. At ano naman kayang ginagawa nila dito?", nagtataka kong sabi.
"Oh kamusta? Heto nagdala ako ng mamimirienda natin. Ilatag niyo na tong tela at mag-picnic na tayo.", sabi samin ni mama pagdating nila.
"Sige ako na maglalatag.", nag-volunteer si Leun.
"Teka anong nangyari kay Mariann? Bakit siya natutulog? Pagod ba siya?", tanong ni mama samin.
"Hindi yan tulog ma. Hinimatay siya nung nakipagkamay siya kay Kuya Leun kanina. Mukhang tinamaan yata si ate? AHAHAHA!!!", natutuwang sabi ni Arthur.
"AHAHAHA!!!", sabi din ni mama nang malakas, "Mukhang na-love at first sight tong si Mariann kay Leun?"
Habang nagkakatuwaan sila ay nagising na si Mariann, "Anong nangyari?", sabi niya na mukha pang may hang-over.
"Hinimatay ka lang naman habang nakikipagkamay kay kuya Leun.", biglang sabi ni Arthur.
"Psst. Tumigil ka nga!!!", sabi ko naman sa kanya sabay batok.
"Aray naman kuya! Ang sakit nun ahh!"
"Oh tama na yan. Tara na at nakalatag na ako. Kumain na lang muna tayo. Tamang-tama lang ang gising mo Mariann.", sabi ni Leun galing sa likod namin sabay smile.
"A.. a... .... Hi... hindi na ako kakain. Medyo nahihilo pa kasi ako. Uuwi na lang ako.", sabi samin ni Mariann.
"Sigurado ka? Pasamahan ka na lang kay Arthur", sabi ni mama at sinamahan na nga ni Arthur si Mariann pauwi.
~~~
"Ang ganda naman ng bulaklak na yun. Pwede mo bang pitasin para sa akin Leun?", sabi ni mama habang tinuturo yung pink na bulaklak.
"Sige po.", sagot naman ni Leun at tumayo siya para pitasin ung bulaklak.
Habang kinukuha ni Leun yung bulaklak ay may napansin akong babaeng palapit sa amin. Maganda siya. Sexy. Ang sexy din ng damit niya, lalong lumilitaw ang hubog ng katawan niya sa suot niyang black fitted na damit. Mahaba buhok niya, mga hanggang upper back. Grayish white ang kulay neto, bagay naman sa kanya kasi maputi siya. Meron siyang deceiving smile. Ano kayang pakay niya?
"Eto na po yung bulaklak tita.", sabi ni Leun taz bigla silang napalingon dun sa babae. At nakita kong may pangamba sa kanilang tingin. Si mama at Leun, parang nababagabag sila dun sa babae.
"Avette guardians!", bati samin nung babae nung malapit na siya saamin. Huh?!! Teka teka!!! Wala siyang anino?!! :O
"Anak", lumapit sakin si mama at ... at ........
Leun's POV:
Pagkabigay ko ng bulaklak kay tita ay napansin kong may tinitingnan si Albert sa malayo. Nakita ko ang isang maganda, maputi, at sexy na babaeng papalapit na amin. Ewan ko pero kinutuban ako agad sa babaeng yun. At hindi ako nagkamali.
"Leun, maghanda ka. Mapapalaban tayo.", sabi sakin ni tita.
"Opo.", sabi ko nalang.
"Avette guardians!", bati niya samin. Walang duda, isa siyang ghost! At mukhang alam ko ang pakay niya.
Tumayo kami nang dahan-dahan. Si tita Ghee(palayaw ni Geraldine) ay lumapit kay Albert, "Anak, matulog ka muna", sabay kumpas ng bulaklak sa mukha ni Albert. Nabigla ako dun. Ability yun ng mga nature guardian, ang sleeping essence sa mga bulaklak, pero walang oras para sa mga pagtatanong. Hinarap ko siya at ...
"Sino ka?! At anong kailangan mo?", tanong ko sa kanya.
"Hindi na importante kung sino ako. Kukunin ko ang Lotus sa ayaw at sa gusto niyo!"
"Hindi mo siya makukuha", sabi sa kanya ni tita Ghee.
"Okay. Alam niyo nagkamali kayo ng ginawa. Dapat ay kusa niyo na lang siyang binigay sakin nang hindi na kayo masaktan!", at bigla siyang umatake. "Summon", nagdrawing siya ng seal sa ere, shadow seal. "Hawks!", at lumabas ang napakaraming itim na ibon at sumugod sa amin.
"Air barrier!", inunat ko mga kamay ko at gumawa ng pader na hangin. Nagiging itim ba usok mga ibon kapag tumatama dito. Napakarami nila.
"Isa kang air guardian. Sayang gwapo ka pa naman, pero kalaban kita! Shadow spears!!!", at maraming spears ang binato niya samin.
"Air gust! Ikaw rin, maganda ka pa naman. Ang sama mo lang."
"Tama na ang satsat. Laban na!!! Illusions!", dumami siya at sabay-sabay na sumugod.
"Tita Ghee dyan ka lang sa tabi ni Albert. Yaaahh!!! ... Air Drills!", binalot ko mga kamay ko ng umiikot na hangin, pero bago pa man kami makapang-abot ng mga illusion ay isa-isa na silang tumumba. Nagtaka ako nung una pero narealize ko rin naman. Si tita Ghee!!! Gumagamit sila ng air teleport at pinapatulog ang mga illusion gamit ung hawak nilang bulaklak. Astig!!!
"Sinong hindi lalaban?", sabi nila sa akin.
"Ahaha marami pong salamat." At sabay-sabay ko ng tinira ng hangin ang mga illusion. Pero hindi pa tapos ... ang babaeng ghost nakay Albert na.
*clap*clap* "Pinabilib mo ako babae. Nakagagamit ka ng dalawang element nang sabay. At siya na marahil ang Lotus. Maraming salamat pinapadali mo trabaho ko. WHAHAHAHA!!!"
"WAG!!!", sabay naming sigaw.
"ARAY!!! Ang kamay ko. Ang init!", biglang daing niya. Ang Amulet of Inner Power, ang kwintas. Pinrotektahan siya ng kwintas.
"Huh! Akala mo ahh. Leun, sugod!"
"Opo tita. Air Slicer!!!"
"Shadow wall! Hindi ako papayag na matalo niyo.", at nakita namin ang tunay niyang anyo. Meron siyang tatlong pares ng itim na pakpak. Isang mahabang scythe. At itim na halo. "Ako si Shaiya! Ang Shadow Goddess. Ngayon, akin na ang Lotus! Shadow Cage!!!", kinulong niya si Albert sa isang bolang anino.
"Hindi ako papayag! Amina ang anak ko!"
"Hindi mo na siya makukuha! Orryx! Fire Gale!!!", itim na apoy! Ang black fire. Siya nga ang Shadow Goddess.
"Air Barrier!", pangharang ko sa itim na apoy.
"Wala na kayong magagawa! Summon! Hawks! Thousand hawks! WHAHAHAHA!!! Akin na ang Lotus. Vale!", at hinigop na si Shaiya ng mga anino. Hindi na namin siya nahabol dahil sa libo-libong mga itim na ibong pinawalan niya.
"Carnation!!! Fire Storm!!!", at sa isang atakeng yun ni Geraldine. Umulan ng abo. Wala ni isang buong ibon ang naiwan. Lahat abo. Ang Carnation. Sa labanang ito nakita ako sa unang pagkakataon ang dalawang ibang uri ng apoy. Ang Orryx o Black Fire at ...
.
.
.
At ang maalamat na Carnation ... Ang Pink Flame!
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasiSee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.