"Kuya Albert! Kuya Albert! Andito na sila ate Mariann, nakabalik na sila galing sa Bicol."
"Ay oh? Magandang balita!"
"Ano kuya? Gala tayo sa may ilog mamaya? Sama mo si kuya Leun para masaya."
"Sige sige. Magandang ideya. Sasabihan ko Leun na sumama. Ipakilala na rin natin siya kay Mariann."
Siya nga pala. 'Yung kausap ko ay si Arthur. Nakababata kong kapatid. Incoming 3rd year high school na siya. Siya 'yung binilhan ko ng periodic table last time na nauwi pa sa sandamakmak na pambabara sa akin ni mama. Wala siya sa bahay nitong mga nakaraang linggo. Nagbakasyon sila ng mga barkada niya sa vacation house ng isa nilang kaibigan. Okay okay. Sa isang banda, dumating na nga si Mariann. Buo ulit ang barkada, at nadagdagan pa, si Leun. Palagi kaming nagpupunta sa ilog ni Mariann at Arthur tuwing hapon o kapag wala kaming magawa. Dun ko rin nakwentuhan ang mga bata tungkol sa mga guardian. Haha. Ewan ko ba, pero hindi ko na minsan namamalayan na lagi ko na palang bukambibig ang tungkol sa mga guardian. Nariyan pa rin ang pag-asa ko na sila ay totoo.
"Albert! Halika na rito. Ihanda mo na ang mesa at malapit nang maluto ang tanghalian," malakas na sabi ni mama galing sa kusina. Grabe, parang lahat yata ng may pangalan na Albert sa buong bayan ay mapapaayos ng mesa sa lakas ng boses niya.
~~~
"Leun, gusto mo bang sumama samin ni Arthur sa may ilog mamayang hapon," pag-aya ko sa kanya habang kumakain.
"Ako? Ano namang gagawin natin dun," tanong din niya sakin.
"Hmm. Ano nga ba gagawin natin dun? Nakabalik na kasi 'yung kaibigan namin na si Mariann. Ipakikilala sana kita."
"Sa ilog? Ano pa bang ginagawa sa may tabing ilog? Kung gusto niyo, titigan niyo yung tubig hanggang sa matuyo," sabat ni mama sa usapan namin na halata namang napaka non-sense.
"Ma! Ni hindi pa nga nakaka-isang linggo 'tong si Leun sa atin pinapatikim niyo na ng mga pambabara niyo," sagot ko naman.
"TUMAHIMIK KA!" Nakatatakot siya. -.-
"Oh tama na yan," pag-awat ni Arthur sa amin. "Kuya Leun, sige na. Sama ka na sa amin mamaya. Masaya dun. Tsaka kailangan din na lumabas-labas ka para naman hindi ka mabulok dito sa bahay."
"Okay sige," pagpayag ni Leun. "Hindi ko pa pero kabisado tong lugar niyo."
"Ano ka ba? Ayos lang 'yon. Eh kaya ka nga ipapasyal, para makabisa mo," sagot ko naman.
~~~
Inaaya ako ni Albert at ni Arthur na sumama sa kanila sa may ilog. Ipakikilala raw nila sa akin si Mariann. Ayos na rin 'yon para makabisa ko naman din 'tong lugar. Ang ipinagtataka ko lang ay pano nagkaroon ng kapatid si Albert? Sa aking pagkakaalam, ang mga guardian sa Earth ay may kakayahan lang na magkaroon ng isang anak. Anong nangyayari?
Pagkatapos naming kumain, nilapitan ko si tita para magtanong.
"Uhm. Tita? Excuse po," marahan kong sabi. "May itatanong lang po sana ako."
"Sige, anong itatanong mo?"
"Eh. Wag niyo po sa sanang mamasamain, pero nagtataka lang po ako. Bakit po may kapatid ang Lotus?"
"Ah. Si Arthur ba? Kapatid nga siya ni Albert, pero hindi ko siya anak. Si Albert lang ang anak ko. Kapatid ni Albert sa ama si Arthur. Namatay ang ina niya pagkapanganak sa kanya, kaya ako na lang ang kumupkop."
"Ah. Kuha ko na. Eh nasaan naman po ang asawa niyo?"
"Wag mo nang itanong!"
"Patay na po ba siya?"
"Hindi ko alam. At wala na akong pakialam!"
Hindi na ako magtatanong. Baka matusta pa ako.
Ang bilis lumipas ng oras. Hindi ko namalayan na hapon na pala.
"Kuya Leun," pagtawag ni Arthur. "Tara na."
"Tara," sagot ko. "Nasaan na nga pala si Albert?"
"Ah. Si kuya ba? Nauna na siya. Susunduin niya muna si ate Mariann. Dun na raw tayo magkikita sa may ilog."
~~~
"Mariann! Mariann! Andito na ako. Labas ka na," sigaw ko sa may gate.
"Oh! Andyan na! Saglit lang," sigaw naman niya pabalik.
"Ayan. Tara na," at lumabas na si Mariann sa gate. Naglakad na kami papunta sa may ilog.
"Sakto. May ipakikilala kami sayo."
Pagdating namin, andun na sina Arthur at Leun.
"Kanina pa ba kayo," tanong ko sa kanila
"Hindi naman. Saglit pa lang kami rito," sagot ni Arthur. Nakita ko si Mariann na nakatulalang nakatingin kay Leun.
"Uhm. Miss? May dumi ba sa mukha ko?" Napansin yata ni Leun na tinititigan siya ni Mariann.
Parang bigla pabng bumalik sa katotohan si Mariann. "Ah. Eh. Wa-wala. Wala! Pasensya na."
"Ganun ba," sabi naman ni Leun. "Ako nga pala si Leun," inabot niya kamay niya sabay smile nung nakipag shake hands na si Mariann.
Whaaatt?! Bigla na lang hinimatay si Mariann. Ano bang nangyayari sa babaeng ito? Agad namin siyang sinalo at hiniga sa may silong ng puno. Mukhang yatang tinamaan 'tong bespren ko kay Leun ah. Hahaha! Ba't kasi ang gwapo nitong pinsan ko, takot na takot tuloy siya kasi sa mismong harapan niya hinimatay si Mariann. Hahaha! Mukhang magiging masaya 'to.
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasíaSee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.