Ako si Leun, isang air guardian. Kabilang ako sa young class, mga guardian na mula 13 hanggang 25 years old. Sabi nila, ito raw ang pinakamasayang stage ng pagiging isang guardian. Dito raw kasi nagsisimulang mag-explore ang mga guardian sa kanilang mga kapangyarihan.
Bata pa lang, tinuruan na ako ng aking papa ng mga basic combat skills at air manipulation techniques. Tinuruan niya ako kung paano lumipad at protektahan ang aking sarili. Tinuruan niya akong lumaban at mag-teleport gamit ang hingin.
Nitong mga nakaraang araw, may mga kakaibang bagay na nangyari sa Aeros. Sinugod kami dito mga shadow ghost at saktong wala pa noon ang aming kamahalan. Mabuti na lang at nakapag-teleport ako agad sa Mt. Olivia para tawagin siya. Nakita kong hinipan lang niya ang mga kalaban. Grabe, ang galing niya! Gusto kong maging kagaya niya. Isang makapangyarihang air guardian tulad ni Prinsesa Aira.
Bali-balita rin sa buong Aeros, at sa buong Serdin, ang tungkol sa Lotus, ang maalamat na Lotus. Nung narinig ako ang balita tungkol dun, agad akong nasabik. Biruin mo, totoo pala 'yung sinasabi sa propesiya. Ang propesiya na dating pinag-aaralan lang namin, at nasa mga libro lang. Ang Lotus na magiging ikalawang pagkatao ni Lord Lexus. Ang guardian na papatay kay Lanaya at lilipol sa mga ghost.
Oops ... Mukha yatang nagiging madaldal na ako? Haha! *pfooff* (nawala siya sa hangin)
~~~
Ayun na naman si Leun. Naglalaro na naman siya sa mga ulap sa hardin. Siya na yata ang pinakamakulit kong guardian. Bilib ako sa kanya dahil kahit ganun siya kakulit, napakagaling pa rin niya sa air manipulation.
Naaalala ko pa noong pinanganak siya, 16 na taon na ng nakalipas. Napakalamig ng simoy ng hangin nun. Ako mismo ang dumayo sa tirahan nila upang bendisyunan siya. Agad kong napagtanto noon na siya ay magiging isang unique na guardian. At ayun na nga, isang makulit at masayahing guardian.
Kaya't siya ang naiisip kong perpektong gaganap sa isang misyon na gusto kong ipagawa. Kung pwede nga lang na ako ang gagawa, kaso kailangan ako rito sa Serdin. Kailangan ako ng Aeros bilang kanyang prinsesa. Kaya siya na lang. Si Leun na lang ang aking ihahayo.
~~~
Lumilibot ako sa hardin ng Aeros nang may biglang tumawag sa pangalan ko
"Leun ... Leun ... "
Parang kilala ko kung kaninong boses 'yon. Huh? Tama! Boses 'yon ng mahal na prinsesa. Ano kaya ang kailangan niya sa akin?
"Ka-ka-kamahalan," sabi ko sa ere. "Kayo po ba iyan?"
"Oo. Ako nga," sabi ng tinig. "Gusto kong pumunta ka sa pinakamataas na ulap. May mahalagang bagay akong sasabihin sayo."
"Op-Opo. Opo"
Ano kaya ang mahalagang sasabihin sa akin ng kamahalan?
Nagsimula na akong lumipad papunta sa pinakamataas na ulap.
~~~
Akala ko madali lang, pero hindi pala. Napakataas ko na pero hindi ko pa nakikita ang ulap na yun. Kung pwede lang sanang mag-teleport kaso nagagawa ko lang yun sa mga lugar na napuntahan ko na.
Higit isang oras na akong lumilipad pataas. Wala naman yatang ganoong ulap? Sabi kasi sa amin, madali lang daw malaman na iyon na ang pinakamataas na ulap kasi kulay asul ito, 'di gaya ng ibang ulap na puti. Tsaka, nagliliwanag daw ito na parang araw.
~~~
Dalawang oras pa ang nakalipas, at may nasilayan akong asul na ulap.
"Sa wakas! Nakita ko na," sigaw ko sa aking sarili.
Kamangha-mangha. Napakalaking ulap. Halos kasing laki ito ng buong Aeros. Doon ko lang napagtanto na kaya kulay asul ang mga sinag na araw sa Aeros dahil sa ulap na 'to. Sinasala nito ang sikat ng araw bago ito umabot sa ibaba. Napakaganda!
Nakita ko ang ibabaw ng ulap. Halos wala itong laman, pero napakaganda parin. Ang liwa-liwanag at ang mga ilaw ay bumubuo ng light formations. May lawa sa gitna at makikita mula roon ang buong Aeros.
Nakita ko ang mahal na prinsesa. Nakaupo siya na parang nagme-medidate.
"Kanina pa kita hinihintay," malumanay niyang bigkas habang nakaupo't nakapikit. "Bakit ngayon ka lang?"
"Magandang araw po Prinsesa Aira," *bow* pagbati ko. "Natagalan po ako sa pagpunta dito, masyado po kasing mataas. Paumanhin po."
"Ayos lang," sagot ng kamahalan sabay mulat ng kanyang mga mata. Makikita po sa mukha niya ang pagiging seryoso. "Pinatawag kita dahil may mahalaga akong bagay na gustong ipagawa sayo. Kailangan kita upang gampanan ang isang mahalagang misyon."
"Misyon?"
"Oo. Isang misyon," sagot ng kamahalan. "Ikaw ang ipadadala ko upang bantayan ang Lotus. Ikaw ang magiging kasama niya hanggang sa handa na siyang pumunta rito sa Serdin. Ipadadala kita sa Earth."
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasySee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.