It's been 1 week after mangyari 'yung aksidente, pero hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano kami nakaligtas. Although masaya kasi nakaligtas kami, mysterious din dahil hindi pa rin malinaw ang nangyari. Well, thankful pa rin ako kasi nakaligtas kami. ^_^
Teka lang. Parang may kulang?
Tama! Si Mariann. Wala si Mariann. Nasa Bicol daw siya, nagbakasyon sila ng family niya. Hindi ako sanay, normally kasi maya't maya siyang nagpupunta rito sa bahay, kaya nakapapanibago talaga.
*Arff!!!*Arff!!!*Arff!!!* Hala, lagot! Si Jex tumakbo palabas sa hindi malamang dahilan. Hindi naman siya basta-basta lumalabas ng bahay. Wala akong nagawa kundi habulin na lang siya.
"Jex! Jex!" Hinabol ko siya hanggang dun sa may kanto. Grabe nakakapagod.
Nakita ko na lang na inaamo siya ng isang lalaki. Maputi at maamong tingnan yung lalaki, pero mahahalata sa kanya ang lakas ng personality niya. Mas matangkad ako ng konti sa kanya. Kulay brown yung mga mata niya na ang gandang titigan lalo na pag nasisikatan ng araw. Halos kasing edad ko lang siya sa palagay ko. Ang una kong napansin sa kanya ay yung hikaw niya sa kanang tenga. Bilog lang siya na kulay silver at parang may marks na nakalagay. Hindi ko alam, pero parang pamilyar yung hikaw niya sa akin. Parang nakita ko na yun, pero hindi ko maalala kung saan.
"Uhm, excuse me," maragan kong sabi. "Sa akin yang aso. Pesensya na, kukunin ko na siya."
Hindi siya umimik. Kaya kinuha ko na lang si Jex.
"Ako nga pala si Albert," tapos inabot ko 'yung kamay ko.
Nakipag-shake hands naman siya, pero hindi pa rin siya umiimik. Napatingin lang siya bigla sa kwintas ko.
"Sige, mauna na kami," pagpapaalam ko.
Hmmm. Sino kaya yun? Ngayon ko lang kasi siya nakita dito sa lugar namin. At tsaka, ba't parang may humihila sa akin na nagsasabing may kailangan ako sa kanya?
Pagbalik ng bahay, tinali ko na agad ni Jex dun sa may puno ng acacia nang may naamoy akong masarap. Mmmm. Amoy sopas. Mukhang nagluluto si mama? Kapani-panibago kasi hindi naman siya karaniwang nagluluto kapag ganitong hapon. Ang importante, may pagkain! ^_^
"Ma," sabi ko pagpasok ng kusina. "Anong meron at nagluluto kayo?"
"Wala naman," sagot ni mama habang naghahalo ng kung anu-ano sa kaserola. "Kinalkal ko kasi 'yung ref, sayang naman 'yung mga gulay na nandun. Pwede namang ipang-sopas, kaya ginawa ko na lang," pagpapaliwanag pa niya. "Hala sige, ayusin mo na 'yung hapag at malapit na 'tong maluto. Mag-antay ka na lang doon."
~~~
"Ba't suot mo pa yang kwintas," biglang tanong ni mama habang kumakain kami. "Hindi mo ba naisip na baka hinahanap na yan ng may-ari?"
"Ang ganda kasi kahit kupas na," sagot ko naman. "Tsaka sa palagay ko wala namang nagmamay-ari nito." Hinawakan ko 'yung kwintas at tinignan ito.
Teka, 'yung isang bato sa kwintas. Katulad nung hikaw ng lalaki kanina. Tama! Ganito nga rin yung itsura nung hikaw niya. Pero sandali, ba't nagkaganun? Sa kanya kaya 'tong kwintas? Sino kaya siya?
~~~
Nakita na kaya niya ang Lotus? Sana naman ay ligtas siya.
*sigh* Hindi dapat ako mag-alala nang ganito. May tiwala ako sa kanya na magagampanan niya nang maayos ang kanyang tungkulin. At ang hikaw na may basbas ko ang siyang tutulong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasiaSee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.