Leun's POV:
"Aw!", habang nagdiriwang ang lahat sa pagdating ng Lotus, narinig namin si Sundy na umaray.
"Oh, Sundy. Anong nangyari?", tanong ni Lira.
"Tingnan niyo ito oh.", may tinuturo siya sa may lupa sa gilid ng lawa.
"Ano 'yan? Itim na bulaklak?", sabi ni Scarlet.
"Oo. Isang itim na bulaklak. Binalak kong pitasin, pero natinik ako. Ang hahaba ng mga tinik niyan, ang lalim ng sugat ko oh.", sagot ni Sundy.
"Pero nakapagtataka. Walang itim na bulaklak sa Serdin, at walang bulaklak ang may tinik dito sa mundo natin.", pagdududang sabi ni Andy.
~~~
Takang-taka kami kung bakit nagkaroon ng itim na bulaklak sa may lawa. Ilang saglit pa, nagsalita si Magus.
"Tumahimik muna tayo. Tamang-tama sa pagpapakilala namin sa Lotus. Narito ngayon ang binhing ipinadala ni Lexus, ang pinanggalingan ng Lotus. Ipinakikilala ko sa inyo si Xyrus, ang Light Guardian!"
At nandun nga si Xyrus. Parang biglaan naman yata ang pagdating niya? "Siguro ay inimbitahan din siya ng mga nakatataas na guardian", sabi ko sa isip ko, pero mali ako.
"Avette. Paumanhin kung guguluhin ko ang pagdiriwang niyo, pero may dala akong dapat niyong makita.", at may itinaas siyang isang bagay. "Ito ay isang itim na bulaklak. Nakita ko ito sa aking tirahan sa Earth ilang araw pa lang ang nakalipas. Ito ay isang corrupted flower na ginagamit ng mga ghost upang subaybayan ang bawat galaw natin."
Gulat na gulat kami sa sinabi ni Xyrus. Agad naming nilingon ang pinagtamnan ng bulaklak na itim sa may lawa, pero nakapagtatakang wala na ito.
Albert's POV:
Nakita ko ang saya sa mukha ng mga guardian nang makita nila ako. Nakakatuwang isipin na ganito ang pagpapahalaga nila sa akin, pero nakakakaba rin kasi malaking responsibilidad ang kalakip nito. Hindi ko inaasahan at bigla na lang dumating si Avo Xyrus.
"Avo!", tuwang-tuwa kong sabi. "Anong ginagawa mo dito?"
"Nagpunta ako dito para ... "
Hindi pa tapos si avo nang biglang magsalita si Acquila. "Oh Xyrus, tamang-tama. Ipinakilala na namin si Albert sa Serdin. Dapat ka na rin nilang makilala, ngayon na ang pagkakataon."
"Sandali, sino siya?", tanong ni Luna.
"Siya si Xyrus, ang Light Guardian. Siya ang binhing ipinadala ni Lexus. Sa kanya nanggaling ang Lotus.", sabi ni Zen.
"Aba, maganda ito! Ipakikilala na rin kita sa Serdin. Halika.", sabi ni Magus. At nagpunta sila sa harap ng mga guardian.
"Tumahimik muna tayo. Tamang-tama sa pagpapakilala namin sa Lotus. Narito ngayon ang binhing ipinadala ni Lexus, ang pinanggalingan ng Lotus. Ipinakikilala ko sa inyo si Xyrus, ang Light Guardian!"
Pero nang magsalita si avo, iba na ang mga nangyari. "Avette", pagbati niya. "Paumanhin kung guguluhin ko ang pagdiriwang niyo, pero may dala akong dapat niyong makita.", may inilabas siyang isang itim na bulaklak. "Ito ay isang itim na bulaklak. Nakita ko ito sa aking tirahan sa Earth ilang araw pa lang ang nakalipas. Ito ay isang corrupted flower na ginagamit ng mga ghost upang subaybayan ang bawat galaw natin."
Gulat na gulat ang lahat ng guardian.
"Totoo ba yang sinasabi mo?", tanong ni Aira.
"Oo. Binabantayan na nila tayo. Kailangan nating mag-ingat.", sagot ni avo.
"Kaya mo bang alamin kung mayroong mga bulaklak na nakatanim sa Serdin at kung nasaan ang mga ito?", tanong naman ni Apollo.
"Kaya kong alamin kung mayroong nakatanim sa Serdin at kung ilan ang mga ito, pero hindi ko malalaman kung nasaan ang mga ito."
"Sige Xyrus. Gawin mo na.", sabi ni Magus.
At pumikit si avo at nagsabog ng nakasisilaw na liwanag sa buong Serdin.
"Labintatlo. May labintatlong bulaklak ang nakakalat sa buong Serdin."
"Huh?! Ang dami naman.", sabi ni Aldea.
"Magtiwala na lang tayo kay Xyrus. Ang kailangan natin ay mahanap ang mga bulaklak at mapatay ang mga ito.", sabi ni Apollo.
"Tama. Mga royal guardian, suyurin niyo ang bawat kaharian upang mapadali ang paghahanap.", sabi naman ni Magus.
"Saglit! Sa ugat niyo punteryahin ang mga bulaklak. Doon niyo lang sila mapapatay.", pahabol ni Avo Xyrus.
At nagsi-uwi na ang lahat upang maghanap ng mga itim na bulaklak.
Narration
Inabot na ng dilim ang mga guardian nang mapugsa nila ang lahat ng bulaklak maliban sa isa.
"May napatay na tayong labindalawang bulaklak. Iisa na lang ang kulang.", sabi ni Magus.
"Sinuyod na namin ang buong Serdin, pero wala na talaga kaming makita.", sabi ni Argon
"Xyrus, sigurado ka bang labintatlo ang mga bulaklak?", tanong ng Zen.
"Oo. Saglit lang at titingan ko ulit.", nagsabog ulit ng liwanag ni Xyrus para mahanap ang huling bulaklak, pero wala na siyang nakita. "Nakapagtataka. Sigurado akong labintatlo ang mga bulaklak kaninang umaga, pero wala naman na akong nakita ngayon. Malinis na ang Serdin."
"Baka naman nagkamali ka lang kanina. Ang importante, wala na ang mga bulaklak.", sabi ni Aira.
"Siguro nga, nagkamali ako, pero kahit ganun, kailangan pa rin nating maghanda. Isa pa rin itong babala na nalalapit na pagsugod nila."
Lanaya's POV:
Mukhang nalaman na ng mga guardian ang tungkol sa mga itim na bulaklak. Mabuti na lang at may isang bulaklak na nakaligtas sa paglipol na ginawa nila. At ang pingakamaganda ay dala nito ang pinakahihintay kong sangkap. WHAHAHAHAHAHAHAHA!
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasySee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.