Leun's POV:
"Oi, Albert. Di ka pa ba gigising dyan? Mataas na ang araw oh.", sabi ko kay Albert.
"Gising na ako", sabi niya habang nakahiga at nakapikit pa.
"Hay. Ang ibig kong sabihin, bumangon ka na."
"Maya-maya pa."
"Bahala ka dyan, manigas nasa buong katawan mo. Sige bababa na ako.", sabi ko. Tapos nung bubuksan ko na yung pinto, bigla-biglang bumangon si Albert.
"Huh!!!", sabi niya pagbangon. Parang gulat na gulat siya.
"Oh bakit?", nilapitan ko siya. "Anong nangyari sayo? Ba't ang lamig mo", hinawakan ko siya tapos ang lamig ng katawan niya, nakatayo din mga balahibo niya.
"Leun.", sabi niya nang seryoso. "Naramdaman mo ba yun?"
"Ang alin? Wala naman akong naramdaman. Ano ba yun?"
"Malakas na pwersa. Malakas na kapangyarihan. May naramdaman akong malakas ng aura. Nakakikilabot. Nakakatakot."
"Ano? Malakas na kapangyarihan? Baka naman si Xyrus lang yun?"
"Hindi. Hindi si Avo Xyrus. Iba. Basta, nakakikilabot yung naramdaman ko. Pakiramdam ko may mangyayaring masama."
"Ano ka ba? Walang masamang mangyayari. At kung babalik man si Shaiya, paghahandaan natin para matalo na siyang tuluyan."
"Hindi ko alam. Basta, kailangan nating mag-ingat. Pakiramdam ko talaga, may ibang nangyayari."
"Oh sige. At dahil dyan, bababa na tayo para makapagsimula na tayo sa pagsasanay."
Hmm... Ano nga kaya yung naramdaman ni Albert? Bakit hindi ko naramdaman? O baka panaginip niya lang? Wag ko na ngang isipin.
~~~
Pagkatapos naming kumain, nagpunta na kami sa tabing dagat para sanayin ang Lotus.
"Ngayon Albert, hahasain natin ang manipulation mo.", sabi ko sa kanya. "Para dito, si Lira ang magtuturo sayo."
"Yes sir!", sabi ni Lira. "Tara Albert, magsimula na tayo."
"Ah, sige.", sabi lang ni Albert. At nagsimula na sila.
"Ang yelo ay ang matigas na uri ng tubig. Dahil dun, nakakapag-manipulate din ako ng tubig ang kaso lang, nagiging yelo ito pag ginagamit ko bilang atake.", pagpapaliwanag ni Lira. "Ngayon, gusto kong gayahin mo ang mga gagawin ko."
Habang nanonood kami sa may tabi, nagtanong sa akin si Scarlet. "Leun, may problema ba si Albert? Para kasing ang lalim ng iniisip niya."
"Eh kanina kasi, may naramdaman daw siyang malakas na pwersa. Nilalamig at kinikilabutan nga siya eh. Wala naman akong naramdaman."
"Totoo? Wala rin naman akong naramdaman, baka panaginip lang niya? Ikaw Andy, may naramdaman ka ba?"
"Wala. Manood na lang tayo sa kanila", sabi ni Andy.
~~~
"Alam mo na palang pagalawin ang tubig sa gusto mong direction.", sabi ni Lira kay Albert. "Ngayon, gayahin mo ang mga susunod kong gagawin.", ginawa niyang bola yung tubig. Si Albert naman, ginaya niya lang.
"Magaling. Kanina ko pa napapansin, hindi ka nagsasalita.", sabi ni Lira, pero wala paring imik si Albert. "*sigh* O sige eto naman."
Iba't iba pang bagay ang ginawa ni Lira gamit ang tubig. May iba't ibang hugis, mga hayop, mga puno't halaman, at marami pang iba. Habang tumatagal, nakikita kong mas lalong nagiging mahirap para kay Albert yung mga ginagawa ni Lira, pero nagagawa pa naman din niya kahit na hindi masyadong gaya.
"Okay na rin ang pinapakita mo. Kahit hindi sakto sa mga ginagawa, kamukha pa rin naman.", sabi ni Lira. "Eto naman gayahin mo.", hinulma ni Lira yung tubig sa itsura niya.
Ang tagal na ginaya ni Albert yung ginawa ni Lira, pero kahit anong gawin niya, hindi nagiging kamukha ni Lira yung ginagawa niya. "Uhm ... Hindi ko magaya eh", sabi niya.
"Subukan mo pa ng isang beses. Ipikit mo mga mata mo, isipin mo ako, at dahan-dahan mong utusan ang tubig na gayahin ang iniisip mo.", paliwanag ni Lira.
"Sige, susubukan ko.", pumikit nga si Albert. Mejo nagtagal siyang nakapikit, "HUH!!! =O ", bigla niyang sabi at napa-upo siya sa buhangin.
"Albert!", sabi namin. Tapos nilapitan namin siya.
"Huy! Anong nangyari?", tanong ni Lira.
"Pakiramdam ko may nakita siya sa isip niya", sabi ni Andy.
"Anong nakita mo?! Huy! Magsalita ka.", sabi ko. Hindi na maganda to, sino ba yung nagpaparamdam sa kanya?
Tinaas ni Albert yung isang kamay niya, at ginamit niya ang tubig. Isang babae, isang babae ang ginawa niya sa tubig. "Sino siya?", tanong ni Albert.
"Ano?!", sabay-sabay naming tanong sa kanya.
"Ikaw ang gumawa, tapos itatanong mo sa amin kung sino siya?", sabi ni Scarlet.
"Siya. Nakita ko siya sa isip ko. Nakakatakot ang aura niya, parang yung naramdaman ko kanina sa kwarto.", sagot ni Albert.
Sino siya? Ngayon ko lang siya nakita. At bakit siya nakita ni Albert? Nakita niya nga lang ba, o sadyang nagpakita sa kanya? Anong nangyayari? Masama ang kutob ko dito.
Narration:
Sino nga kaya ang nakita ni Albert? At anong klaseng kapangyarihan ang meron sa babaeng yun? Samantala, may bumabagabag sa mga royal at elder guardian. Nagtipon sila sa Mt. Olivia.
"Naramdaman niyo rin ba?", sabi ni Zen.
"Oo, kaya kami nagpunta dito.", sagot ni Aldea.
"Nangyayari na. At nangangamba ako na hindi pa handa ang Lotus.", pag-aalala ni Aira
"Mali ang baguhin ang nakatakdang mangyari", sambit ni Magus.
"Marahil ay mali nga, pero pwede tayong gumawa ng paraan upang mapadali o mapabagal ito. Sa tingin ko'y hindi ito labag sa tuntunin natin.", sabi naman ni Apollo.
"Anong gagawin natin?", tanong ni Argon.
"Sa tingin ko, dapat nating ipaalam ito sa Earth. Yun na ang magagawa natin sa ngayon. Mga kamahalan, maghanda na kayo. Nalalapit na ang oras na isa-isa niyong sasanayin ang Lotus.", sabi Luna.
~~~Ano nga kaya ang nangyayari? Si Xyrus naman, nagpunta kay Geraldine.
"Alam ko ang sadya mo. Naramdaman ko rin.", sabi ni Geraldine.
"Nangyayari na.", sagot naman ni Xyrus.
"Dapat ay bilisan na natin ang pagkilos. Hindi pa lubusang handa ang Lotus. Nanganganib tayo."
"Tama. Dapat ay magmadali na tayo. Dahil bilang na ang oras. Magbabalik na siya."
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasySee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.