"Maggagabi na pero hindi pa rin tayo nakalalabas dito sa gubat," pagrereklamo ko kay mama habang naglalakad kami. "Ano na ang gagawin natin?"
"Pwede tayong maghintay hanggang sa yung bahay natin ang pumunta rito," sagot naman sa akin ni mama. Grabe talaga, nakuha pang magbiro.
"Mama naman, seryoso na to!"
"Edi dito tayo magpapalipas ng gabi," sagot naman niya. "Ano pa bang gagawin natin?"
*sigh* Well, may point 'yung sinabi niya. "Mukhang dun na nga tayo papunta."
"Wag kang mag-alala, akong bahala."
"Sabi niyo eh. May tiwala ako sa inyo."
"Dapat lang! Nanay mo ako eh. Osha, gagawa lang ako ng apoy. Maupo ka na riyan."
Gumawa nga ng apoy si mama. Nakabibilib kasi ang bilis niyang nakagawa ng apoy. Hmmm, pano kaya niya nagawa 'yon? Bukod pa ron, hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano kami nakaligtas. Hindi ko maalala 'yung mga nangyari. Nagpapasalamat ako dahil buhay kami, pero gusto kong malaman kung paano.
"Uhm. Ma, alam mo ba kung paano tayo nakaligtas kanina," tanong ko kay mama. Baka sakaling may alam sila.
"Ah ... Eh ... Hi-hindi ko rin alam," sagot naman niya. Nauutal ba siya? "Ang mahalaga naman ay ligtas tayo, 'wag ka na magpagod na alamin," dagdag pa ni mama.
Sa bagay may point si mama. Ang mahalaga ay buhay kami. *yawn* Inaantok na ako, nakakapagod din naman kasi eh. Makatulog na nga.
~~~
Ako si Geraldine. Nanay ni Albert. Nandito kami ngayon sa gubat dahil naaksidente ang sinasakyan naming bus. Kaming dalawa lang ng anak ko ang nakaligtas. At alam ko kung paano.
Ang kwintas. Ang kwintas na suot ng aking anak ang nagligtas sa amin. Hindi ko ito sinabi sa kanya dahil ayokong malaman niya. Ayokong malaman niya ang lahat. Dahil ang totoo. Ako ... Ako ay isang guardian. Si Albert ay isang guardian. Kami ay mga guardian. Mga guardian na nandito sa Earth.
Nagsimula ang lahat noong maghiwalay ang kambal na pwersa, si Lexus at si Lanaya. Nabuo sila para magsama, pero kailanman ay hindi 'yon mangyayari. Dahil sa paghihiwalay nila, ang dating iisa ay nahati sa dalawa.
Binuo ni Lexus ang Serdin at ang mga guardian. Si Lanaya naman ay ginawa ang Alcubra at ang mga ghost.
Pagtagal ng panahon ay nalaman ni Lanaya ang tungkol sa mga guardian. Ang mga ghost ay sumugod sa Serdin upang wasakin ang mga guardian.
Nagharap ang dalawang lahi. Nagtuos sila hanggang kamatayan. Ang giyerang ito ay tinawag na Chaos Alpha. Sa tinagal-tagal ng labanan, nagapi ng mga guardian ang mga ghost. Natalo at napatay nina Zen at Aira si Raishin at nina Aldea at Andrei si Hera.
Sa kabilang banda, iba ang sitwasyon sa pagitan nina Lexus at Lanaya. Sila ay sabay na nabuhay, konektado sila sa isa't isa. Pantay lang ang kanilang mga kapangyarihan. Natamaan ni Lexus si Lanaya at malubha siyang bumagsak. Namatay si Lanaya, hudyat ng pagkatalo ng mga ghost.
Ngunit hindi pa roon natapos ang lahat. Ang Shadow Goddess na si Shaiya ay nakatakas bitbit ang patak ng dugo ni nga kanyang reyna. Si Lexus naman ay unti-unting nanghina dahil sa koneksyon niya kay Lanaya. Alam niya na balang araw ay bubuhayin ni Shaiya ang reyna ng kadiliman at muling dadami ang mga ghost. Kaya bago pa mahuli ang lahat, gumawa na siya ng paraan. Bumuo siya ng isang binhi na siyang magiging ama ng tatawagin Lotus. Sinabi niya na ang Lotus ay ang pang-36 na henerasyon mula sa binhi at manggagaling sa kaisa-isang babaeng guardian ng lahing iyon. Ang Lotus ay siyang magiging bagong tirahan ng kaluluwa ni Lexus pagdating ng panahon. Bago siya mamatay ay pinawalan niya ang binhi. Ang binhing iyon ay napunta sa Earth. Ito ang siyang naging unang guardian sa Earth, si Xyrus, ang Light Guardian.
Kaming mga guardian sa Earth ay may katangian na magkaroon lamang ng iisang anak. Malinaw na sinasabi sa mga salita ni Lexus na ako ang kaisa-isang babaeng guardian sa Earth, at si Albert -- siya ang Lotus sa sinasabi ng propesiya. Siya ang itinakdang tatalo kay Lanaya.
Ayokong malaman niya, dahil natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Pinilit kong mabuhay nang normal dito sa mundo. Lumayo ako kay Xyrus, pero alam kong wala akong magagawa. Malalaman at malalaman din niya at natatakot ako. Ngayon ay alam na ng mga royal guardian ang tungkol sa kanya at sigurado akong nanggaling sa kanila ang kwintas na suot ni Albert dahil andun ang mga seal ng bawat royal guardian.
Ang kailangan kong gawin ay maghanda. Maghanda hindi para sa wakas. Ang pagwawakas ng ilusyong binuo ko. Kailangan kong maghanda para sa simula. Nalalapit. Ang simula ng totoong laban.
~~~
Samantala, sa Serdin, naghahanda na rin ang lahat. Si Aira ay magpapadala ng isang matapat ng air guardian sa Earth upang protektahan, gabayan, tulungan, at ihanda ang Lotus. Gaya ng sinabi ni Geraldine, magsisimula pa lamang. Magsisimula pa lamang ang totoong laban. Nalalapit na ang simula ng clash.
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasíaSee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.