Paggising ko ... na naman! ~.~ tch.. Pangalawang gising ko na to. Ano ba yan?! Hindi ko na talaga alam ang nangyayari.
Anyway, balik tayo. Nagising akong nakahiga sa isang kama, kama na gawa sa mga halaman or may mga halaman. Maraming puno't halaman sa paligid. Malamig ang simoy ng hangin. Ang ganda ng buong lugar. Ang daming ibon. Basta maganda. Pero nakapagtataka na naman. Pano ako napunta dito? At nasaan ang mga kasama ko? @_@ Ano na namang lugar to?! Nababaliw na yata ako? >.<
Maya-maya, may dumating na lalaki. "Gising na siya! Gising na siya!", sigaw niya na mukhang masaya.
"Sino ka?!", sabi ko sabay hawak sa kwintas ko.
Nag-isip siya nang konti sabay ngiti. "Hahaha! Isa akong enchanted man. At bihag kita!", hmm.. parang may mali yata? Mukha siyang nagbibiro na ewan?
"Tch! Bihag na naman! Hindi mo ako masasaktan. Nakikita mo tong kwintas na to? Pinoprotektahan ako nito. :P "
"Talaga?", sabay ngiting nakaiinsulto. Kinuha niya yung bato na kasing laki ng kamao sa may paanan niya. "Catch!!", tas binato niya sa akin.
"Sabi ng pino ... ", hindi pa ako natapos magsalita nang biglang ... *tggsh!* "ARAY!!! Ang sakit nun ah?! (#~_\) "
"WHAHAHAHAHA!!! Headshot!", sabi niya habang tinuturo ako. Pinagloloko yata ako neto ehh.. tss
"Hoy ano ka ba?! Ang sakit nun ah", habang hinahawakan ko bukol ko.
"Sabi mo kasi pinoprotektahan ka niyang kwintas mo. Sinubukan ko lang naman. :3 "
"Aba malay ba? Si..siguro kasi ordinaryong bato lang yung binato mo."
"Ahh *smile* ehh ito kaya?", tapos may lumabas na bato sa kamay niya. "Mag-ready ka ahh.. Eto na.. Rock Throw!"
Tumalon ako sa kama at nakaiwas. "Sino ka ba?! At anong kailangan mo?!"
"Oh bakit ka umiiwas? Akala ko ba may protection ka galing sa kwintas mo? Ahaha... isa pa ahh? Rock Throw!"
Nakaiwas ulit ako. Tapos nagbato na naman siya, at isa pa, at isa pa, at isa pa. Iniiwasan ko lang lahat ng binabato niya. Parang pinaglalaruan niya lang talaga ako ehh.
"Aba mahusay *clap*clap* Ba't hindi mo subukang umatake?"
"Wala akong kapangyarihan. Sino ka ba talaga? Tch! Ano bang nangyayari?"
"Pwe! Impossible. Ang Lotus? Walang kapangyarihan? Kalokohan. Shapeshift!", bigla siyang naging tigre at mabilis na lumapit sa akin.
"Whaaaa!!!", sinabi ko na lang. Akala ko sasakmalin na niya ako, pero hindi. Napahiga ako, at dinila-dilaan lang niya ako.
"Yuck!!! Tigilan mo nga ako!", sabi ko sa kanya.
"Tama na yan", may babaeng biglang nagsalita. Pamilyar ung boses niya. Hindi ko siya makita kasi nakapatong pa sa akin tong tigre na to!
"Yucks ka dude! Rapist ka!", sabi naman ng isang lalaking pamilyar din ang boses.
"Grrrrrr!!!", sabi lang nung lalaking naging tigre sabay tingin sa likod niya. Tas umalis siya sa ibabaw ko at lumapit sa kanila. Hindi ako nagkakamali. Si Argon at Aldea yung dumating. Kakilala nila yung isang lalaki?
"Haha! XD Oh bakit ka tumigil? Ituloy mo lang yan, okay lang kami dito ni Aldea", sabi ni Argon tas akbay kay Aldea.
Siniko ni Aldea si Argon. "At ano yang paakbay-akbay na yan?!"
"Aray! Grabe ka naman. Nanlalambing lang naman ako :3 "
"Hindi pumapatol ang kapatid ko sa mga lalaking play boy", sabi nung tigre. Nagsasalitang tigre? O.o Teka-teka.. Sinabi ba niyang kapatid niya si Aldea? Siya si Andrei?

BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasySee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.