P4: Princess of Air

710 20 0
                                    

"Ayan na ang kamahalan. Wala na tayong dapat ikatakot."

"Mga ghost," bungad ni Aira habang nasa ere. "Pagsisisihan niyo ang panggugulo niyo rito. Umalis na kayo!" Hinipan niya ang mga shadow ghost mula sa alapaap. Naglaho ang mga kalaban at nag-iwan ng itim na abo, tanda ng kanilang kamatayan.

"Tumatakas si Shaiya," sigaw ng isang air guardian.

"Hindi ka makatatakas sa akin." Muling umihip si Aira, mas malakas kesa sa kanina.

"Dark Cloud!" Naglabas ng itim na ulap si Shaiya para maging harang. "Hahahaha! Hindi mo ako basta-basta matatalo, Aira. Vale¹." Nabalot siya ng itim na usok at naglaho.

"Wala na siya," bulong ni Aira sa sarili.

"Mabuhay ang kamahalan!" Nagpugay ng mga air guardian sa ipinakitang lakas ng kanilang prinsesa.

"Wag niyo nga akong ginaganyan," sagot ni Aira sa kanila. "Lahat tayo ay lumaban. Pagpuyan niyo ang inyong mga sarili. Halina at linisin na natin ang bakas ng mga ghost."

     Siya si Aira, ang Princess of the Air Guardians. Siya ang naatasang maging tagapamahala ng Aeros, at lahat ng air guardian na naninirahan dito. Sa kanya ang kontrol ng hangin. Patunay rito ang ginamit niyang atake laban sa mga ghost, at katiting lamang iyong ng kanyang kapangyarihan. Paborito niya ang mag-anyong ulap. Kaya rin niyang maging hangin para hindi makita. Ilan lamang 'yang sa kanyang mga kakayahan. Kadalasan ay nagme-meditate siya sa ibabaw ng mga ulap.

     Siya ang tumatayong pinakapanguna sa mga royal guardian, kahit na sinabi ni Lexus na pantay-pantay sila. Siya lang kasi ang kadalasang pinakanababahala sa kaligtasan ng Serdin. Nakasanayan na rin naman ng ibang mga prinsipe't prinsesa na siya ang manguna.

*sigh* "Earth," pagkukuwestyon ni Lanaya habang nagmumuni-muni. "Isang tao mula sa Earth ang napiling lumipol sa mga ghost at sumugpo kay Lanaya? Sino? Karamihan sa kanila ay mga lapastangan, walang pakialam sa kalikasan. Narito na ang ika-36 na henerasyon. Paniguradong naipanganak na ang Lotus. Kailangan siyang protektahan hanggang sa dumating ang takdang panahon."

"Kailangan kong bumalik sa Mt. Olivia," aniya sa mga air guardian. Inipon niya ang hangin saka siya nawala.

~~~

"Zen," pagdating ni Aira ay naautan niya ang prinsipe na mag-isa. "Ba't andito ka pa?"

"Iniisip ko kasi ang napiling Lotus," sagot ni Zen na may pangangamba. "Dapat siyang maprotektahan. Ikaw? Kamusta ang Aeros at anong ginagawa mo rito?"

"Naitaboy ko na ang mga ghost. Iyan rin ang sadya ko dito, ang maprotektahan ang itibakda. Halika, magtanong tayo sa elders."

Sinimulan nilang maglakad upang hanapin ang elders-- ang tatlong guardian na inuluklok ni Lexus, bago siya pumanaw, na magmatiyag sa buong Serdin.

*bow* "Magandang araw muli," bati ni Aira sa kanila.

*bow* "Magandang araw din," pagbati ni Magus. "Anong maipaglilingkod namin sa inyo mga kamahalan?"

"Gusto naming malaman kung paano makatutulong upang maprotektahan ang Lotus," sagot ni Zen.

"Mananatili siyang ligtas hanggang sa dumating ang araw na kailangan niyo siyang sanayin," sabi ni Luna.

"Paano tayo makasisiguro?"

Napaisip ang elders sa tanong nila. "Bukas, sa bukang-liwayway, tipunin niyo ang royalties," sabi ni Apollo. "Palalawigin natin ang proteksyon sa Lotus," dagdag niya

"Kung gayon ay maraming salamat. *bow* "Magkita-kita tayo bukas," sabi ni Aira.

~~~

"Ma!"

"Oh, bakit na naman? Hindi ka pa nakakaalis?"

"Eh, sakto lang yung bingay niyo para sa periodic table. Pamasahe ko?"

"Maglakad ka na lang."

"Maglakad? Pero ..."

"Ang arte mo talaga. Kung gusto mo mag-wheel chair ka na lang papunta sa bayan?"

"Hindi na. Maglalakad na lang ako."

"Oh, mag-iingat ka ah. Baka matambangan ka diyan sa labas."

"As if! Tambangan talaga?"

Eto talagang si mama, patawa. Makabili na nga ng periodic table at baka mabanatan pa ako. Bye!

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon