P3: Mortals

831 22 5
  • Dedicated kay Geraldine Domingo Cayabyab
                                    

"Albert, saan ka na naman nanggaling? Ikaw 'tong nag-imbita na dito na mananghalian si Mariann, tapos ngayon ka lang? Nahiya naman si Mariann, siya na lang sana ang nag-imbita sayo na kumain dito bahay sa natin." Eto talagang si mama, eversince, lakas mambara.

Ang lakas ng tawa ni Mariann. "Yan kasi. Kumain ka na nga."

"Sorry naman. Pinakain ko lang saglit si Jex," katwiran ko.

"So inuuna mo pa 'yang aso mo? May relasyon ba kayo," pambabara na naman sa akin ni mama. *sigh*

"Wala! Gutom na ako, kakain na ako."

"Mabuti at naisipan mo pa yan. Oh, dahil ikaw ang huling kumain, ikaw ang magliligpit ng mga pinagkainan."

"Opo." Ano pa bang magagawa ko?

"Sige po tita, Albert. Mauna na po ako, may gagawin pa kasi ako sa bahay. Salamat po sa pagkain," paalam ni Mariann sa amin.

"Sige iha," sagot naman ni mama. "Mag-iingat ka. Balik ka lang dito pag may oras ka."

     Pagkatapos kong kumain at magligpit , hinanap ko si Jex para makipaglaro. Nakita ko siya sa lilim ng puno ng acacia sa likod ng bahay. Nakahiligan ko na siyang kausapin kapag wala akong magawa. Kahit alam kong hindi siya sasagot, kinakausap ko pa rin siya. Gumagaan ang loob ko lalo na kapag may problema ako.

"Grabe talaga si mama," sabi ko kay Jex pag-upo ko sa tabi niya. "Dakila siya sa mga punchline. Naalala mo pa ba last year? Nung nakita kita sa daan?"

"Naglalakad ako nun galing sa school, nang napansin kitang sumusunod sa akin. Ang amo-amo mo that time. Mahilig ako sa mga hayop kaya inuwi kita. Pagkauwi natin, nakita ka ni mama. "Ano yan," tanong niya.

"Aso po," sagot ko naman.

"Alam ko. Hambalusin kaya kita dyan! Ang ibig kong sabihin, bat may dala kang aso?"

"Nakita ko siya kanina sa daan habang pauwi. Mukhang wala namang may-ari, kaya dinala ko na lang dito."

"Ah," sabi ni mama. "Ampunan na pala ng mga nawawalang hayop itong bahay natin?"

"Ako naman ang mag-aalaga sa kanya," pagrarason ko.

"Kahit na. Ayoko pa rin."

"Pero ma," pag-angal ko.

"Anong gusto mo? Itatapon mo yang aso o ikaw ang itatapon ko?"

"Grabe naman, ma. Itatapon? Pwedeng paaalisin lang?"

"Paaalisin mo yang aso o ikaw ang palalayasin ko?"

"Ma naman," sabi ko. "Inulit niyo lang 'yong sinabi niyo eh. Dito na lang si Jex."

"May pangalan na agad? Pumayag na ba ako? Next time inform mo ako ah."

"Nababara na ako ah. Pumayag na kasi kayo."

Nag-isip si mama. "Osha, sige na nga. Basta ikaw ang bahala dyan."

"Yey," sigaw ko nang masaya. "Opo ma, ako bahala sa kanya."

"HAHAHA! Natatawa na lang ako kapag naaalala ko 'yong mga punchline ni mama. Kaya ikaw Jex, magpakabait ka. Baka ipulutan ka pa nang buhay ni mama."

"Albeeeeerrrrttt," at ayan na naman si mama. Ano kayang meron?

"Andyan na po," sabi ko nang malakas.

     Hinanap ko si mama sa loob ng bahay. "Hmmm. Saan kaya siya," sabi ko sa sarili ko. Ayun, andun sa kwarto ko -- Huh?! -- Sa kwarto ko? Hala! Makikita niyang makalat 'yon. Panigurado babanatan na naman ako nun. Kailangan kong mag-ready. Huminga ako nang malalim bago ako lumapit. *inhale*exhale*

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon