Nagising ako sa loob ng kwarto. Masakit ulo ko. Ang huli kong naaalala eh yung naglalaban kami ni Leun sa may sala at ginapos kami ni Andy sa mga halaman tapos ... wala na. Bumangon ako sa kama para makaupo. Nakita kong ang laki nitong kwarto. Mayayaman ba talaga ang mga guardian sa Earth?
"Oh gising ka na pala?", tapos bigla akong napalingon sa kanan ko.
"Leun?! Anong ginagawa mo dito?", andun cia sa kabilang kama.
"Aba'y malay ko ba? Pagkagising ko nandito na ako ehh."
"Ahh.. Ganun ba? Kagigising mo lang din ba?"
"Ahm, parang ganun na nga."
"Okay. Mmm ... Tungkol pala dun sa nangyari ... ... ... "
"Ano ka ba? Wala yun. Normal lang sa amin ang ganun. Basta walang nagsasakitan ng husto."
"Ahahaha! Kung ganun pala dapat di ko yun sineryoso. :3 "
"Ganun ba? Seryoso ba pala ang lagay na yun? :P "
"AHAHAHAHA!!!", sabay naming sabi. Mukha ngang magkakasundo kami.
"Mukhang pareho tayo ng kwarto ah?", sabi ulit ni Leun.
"Oo nga. Di na bale. Ganto rin naman tayo sa bahay eh. Buti nga dito dalawa ang kama.", sabay tayo ko.
"Haha. Tama ka dyan."
"Ui, Leun, tingnan mo to oh. Mga damit."
Dahil mukhang samin na tong kwarto, pinakialaman ko na ang mga closet. Grabe ang daming damit. May damit pambahay, panlakad, at kung anu-ano pa. Dali-dali naman kaming nag sukat-sukat ni Leun. 'Akin to'Akin naman to'Ito sakin'Ito gusto ko' .. Haha. Ganyan kami. Pagtapos namin sa closet tiningnan pa namin ung iba. May CR na rin sa loob ng kwarto. Ang ganda rin, may bath tub. Tapos may terrace na nakaharap sa dagat. Panigurado maganda ang sunset view mula dito.
"Albert!", sabi ni Leun
"Oh bakit?"
"Diba water guardian ka? Marunong kna sa water manipulation?"
"Ganto?", at naglabas ako ng bola ng tubig sa kamay ko.
"Hindi ganyan. Water casting yan. May dalawang ability sa paggamit ng kapangyarihan. Ang casting at manipulation. Casting ay ung pagpapalabas ng kapangyarihan gaya ng ginawa mo. Yun ang pinakamadali. Pero ang power casting mas nakakaubos ng lakas kumpara sa manipulation. Ang manipulation naman ay ang paggamit sa mga bagay na nasa paligid. Kaming mga air guardian ay pinakamatagal mapagod sa lahat ng guardian dahil ang hangin ay nasa lahat ng dako. Ganto.", pagkatapos niyang mag-explain pinakita naman niya sa akin kung pano. Gumawa siya ng maliit na ipo-ipo.
"Ahh.. So hindi ka nagpapalabas ng hangin, ginagamit mo lang ang hangin sa paligid?"
"Tama ka dun. Ayun ang manipulation. Kapaki-pakinabang to pag nakabisa mo."
"Teka sandali. Maiba tayo, bakit ko nakikita ang hangin mo?", takang-taka na kasi ako.
"Ahh.. Dahil ang hangin, kapag napasailalim na sa kapangyarihan ng isang air guardian, madali na lang itong makikita."
"Ah.. gets na."
"Oh ngayon ikaw naman. Subukan mo ang manipulation. Nakikita mo yung dagat? Paangatin mo yung tubig dun."
"Sige. Subukan ko.", tapos tinapat ka ang kanan kong kamay sa dagat at pumikit. "Mmmmmm........ ", concentrate...
"Sige mag-focus ka. Kaya mo yan."
"Saglit lang. Wag kang maingay."
"Ahy. Sorry. Ba't di mo kaya subukan ng dalawang kamay."
"Sige", tapos dalawang kamay na nga ang ginamit ko. "Eto na.", pumikit ako at dumilat din agad. Naramdaman ko nag-iba kulay ng mata ko, hindi ko alam kung pano pero alam kong nag-iba ng kulay mga mata ko. "Concentrate. Tubig sa dagat, umangat ka!", at ayun. Pati ako nabigla. Napaangat ko nga ung tubig!
![](https://img.wattpad.com/cover/4875502-288-k698029.jpg)
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasySee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.