Sa isang madilim na parte ng kalawakan, isang malaking pagputok ang naganap, at nabuhay ang dalawang makapangyarihang kambal na nilalang. Ang kanilang taglay na kapangyarihan ay magkaiba. Ang pangyayaring ito ay naging hudyat upang ang iisa ay mahati sa dalawa.
Si Lexus, siya ang Lord of Balance. Sa kanya ang kapangyarihan ng liwanag. Hawak niya ang kontrol sa apat na pangunang elemento. Mabuti ang kanyang kalooban. Handa siyang tumulong sa kung sinuman ang nangangailangan. Tinitingala at hinahangaan siya ng mga nilalang sa kalawakan.
Ang Lord of Balance ay puno ng liwanag, kaya't kasabay ng kanyang pagkabuhay ay ang pagsilang ng kanyang kakambal, si Lanaya, ang Queen of Death and Darkness. Hawak niya ang kapangyarihan ng dilim. Maganda siya, kaakit-akit ang kanyang halina't alindog. Hinahangaan siya ng mga lalaki, at pinapangarap ng mga babae ang kanyang kagandahan.
Ang dalawang ito ay nabuhay para magsama, pero hindi ito kailanman mangyayari.
Isang araw ay kinausap ni Lexus si Lanaya. "Nais kong gumawa ng isang tirahan," sabi niya. "Isang mundo kung saan maaari akong mamalagi, maaari tayong mamalagi."
"Magandang ideya 'yan," sagot ni Lanaya. "Maaari ba akong manirahan sa mundong iyan? Nakasasawa na rin ang magpagala-gala sa kalawakan."
"Oo naman. Ang mundong ito ay ating magiging tahanan. Isang mundong balanse."
At magkasama nilang binuo ang isang mundo.
Ginamit ni Lexus ng kanyang liwanag upang gumawa ni isang bituin na magsisilbing ilaw. Binilog ni Lanaya ang kanyang kapangyarihan at ginawa ang sentro ng planeta. Binalot ito ng liwanag ni Lexus. Mula sa liwanag, mabuo ng lupa at ang tubig. Sa kumpas ng kanyang mga kamay, binuo ni Lanaya ang iba't ibang anyo sa lupa; mga budok at bulkan, mga disiyerto't kapatagan. Inipon niya rin ang tubig para makabuo ng mga malalalim ng karagatan. Unti-unting umusbong ang samu't saring uri ng mga halaman.
Hinubog ni Lanaya ang kanyang kapangyarihan sa iba't ibang hugis ng mga hayop. Gumuhit rin siya ng mga nilalang na ituturing nilang maninirahan kasama nila. Umihip si Lexus ng hangin na umikot sa kanilang tirahan, at nagkaroon ng buhay ang mga hayop at nilalang na binuo ni Lanaya. Sa wakas ay mayroon na silang mundo na maituturing nilang tahanan. Pinagalanan nila itong Ados, at tinawag ang kanilang mamamayan bilang mga adite. Sa kagubatan ay ginawa ni Lexus ang kanyang kaharian, habang sa disiyerto naman napiling itayo ni Lanaya ang kanyang kastilyo. At ang mga adite ay nahiwalay sa dalawang lahi: White Adites at Shadow Adites. Dalawang mundo sa iisa.
Payapang namuhay ang adites. Sila ay nakikisalamuha sa isa't isa na parang walang pagkakaiba sa kanilang lahi. Kaliwa't kanan ang kasiyahan. Binigyan ni Lexus ang mga white adite ng white magic, habang ipinagkaloob naman ng Lanaya ang black magic sa mga shadow adite.
Matapos ang hindi mahabang panahon, si Lanaya ay unti-unting naging uhaw sa atensyon, uhaw sa kapangyarihan. Winalang bahala niya ito noong una, pero lalong lumakas ang kanyang pagnanais sa kapangyarihan. Hindi maintindihan, pero may kumukulo sa loob niya na sugpuin ang liwanag ng kanyang kambal. Dito niya napagtanto na silang dalawa ay hindi maaaring magsama.
Sa lumalaking kasakiman ni Lanaya ay unti-unting nasira ang payapang mundo. Dahan-dahang nasakop ng kadiliman ang white adites hanggang sa halos lahat ng mga adite ay naging mga mamamayan ni Lanaya.
Si Lexus ay nabahala sa ipinakitang ugali ni Lanaya. Siya ay tumungo sa disiyerto upang kausapin ang kanyang kambal. "Ano ang ibig sabihin nito, Lanaya?"
"Hindi mo ba nakikita? Akin na ang buong Ados," sagot niya.
"Bakit mo ito ginagawa? Ang lahat ay payapa na. May sarili kang kaharian. Bakit mo pa inaagaw ang mga mamamayan ko?"
"Dahil kulang pa! Gusto ko pa. Gusto ko pa ng mas maraming atensyon, mas maraming kapangyarihan!"
"Sakim ka Lanaya," sigaw ni Lexus. "Hindi ka marunong makuntento sa kung ano ang meron ka."
"Tanga ka naman. Tayong dalawa ang pinakamalalakas na nilalang sa kalawakan. Bakit ako mamamalagi sa maliit na kahariang ito kung kayang-kaya ko namang mamuno sa buong Ados, at sa ibang mundo? Hindi mo ba naisip 'yon?"
"Ni minsan ay hindi ko hinangad ang sakupin ang ibang. At hindi rin ako papayag na gawin mo iyon!"
At nagliwanag ang mga mata ni Lexus. Inipon niya ang hangin at hinagis kay Lanaya.
Alerto si Lanaya, siya ay naging itim na mala-usok at sinugod si Lexus. Alam ni Lexus na mababalot siya ng itim na kapangyarihan kaya't siya ay lumipad palabas ng kastilyo. Sinundan ni Lanaya si Lexus. Maaabutan na ni Lanaya ang lord of balance nang bigla siyang nagliwanag na parang araw. Nasilaw si Lanaya, pero hindi ito nagtagal. Muling naging itim na mala-usok si Lanaya at binalot niya ng dilim ang buong Ados. Tinipon ni Lexus ang hangin at paikot-ikot na ikinumpas upang mahigop ang usok.
Naglaban silang dalawa. Pantay lang ang kanilang lakas, walang gustong magpatalo. Nabalot ng takot ang buong Ados. Gumamit si Lanaya ng isang malakas na sonic scream. Direktang ninamaan si Lexus, at tumilapon siya palabas ng Ados, papunta sa kalawakan. Tinangka niyang bumalik, pero huli na ang lahat.
"Magpaalam ka na sa Ados mahal kong kambal," nakangiting bigkas ni Lanaya. Siya ay humimig ng isang mataas at mahabang tono. "Haaaaaaaaaaahhhhhhhh!"
Nabalot ng boses ni Lanaya ang buong Ados. Malakas ang pwersang taglay nito at hindi makalapit si Lexus. Nagsimulang umitim ang mata ni Lanaya at nilakasan pa niya ang kanyang himig. Lumindol, kumidlat, kumulog. Lumutang ang mga bato, pati na rin ang mga kaawa-awang adite.
Tinaasan pa niya nang tinaasan ang kanyang tono, at biglang sumigaw nang napakalakas--- "Aahh!!!" --- *boom*
Sumabog ang buong Ados at walang natira kundi abo at makapal na usok.Mula sa usok ay lumabas si Lanaya. Ni isang galos ay wala siyang natamo. Ni hindi nga siya napagod o pinawisan. "Ayos ba," tanong niya kay Lexus sabay kindat.
"Wala kang kwenta! Wala kang puso," galit na sigaw ni Lexus. "Ngayon alam ay napagtanto ko na. Hindi kailanman maaaring magsama ang liwanag at dilim." Biglang naglaho si Lexus sa isang nakasisilaw na liwanag.
"Paalam aking kambal," ang nasabi ni Lanaya habang nasisiyahan pa sa kanyang malagim na ginawa. "Magkikita pa tayo."
Tuluyan nga silang naghiwalay. Walang kaso 'yon sa kanila, pareho silang makapangyarihan. Ang hindi nila alam ay dahil sa kanilang paghihiwalay, mabubuo ang sumpa ng kaguluhan.
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasySee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.