P2: Serdin and the Guardians

950 28 2
  • Dedicated kay Albert Austria
                                    

"Alam niyo ba na mayroong isang mundo na puno ng makakapangyarihang mga nilalang," tanong ka sa mga bata.

"Meron bang ganon?"

"Oo. Sila ang mga Guardian. Gusto niyo bang marinig ang kwento?"

"Opo," excited nilang sabi.

Nilinis ko ang aking lalamunan at humingang malalim. "Makinig kayo."

"Ang mga guardian ay makakapangyarihang nilalang ng apat na pangunang elemento. Sila ay nakatira sa Serdin, ang World of Guardians. Payapa silang namumuhay kasama ang Lord of Balance na si Lexus. Si Lexus ay ang liwanag. Hawak niya ang kontrol sa apat na elemento. Siya ang gumawa ng Serdin at tinawag niya ang kanyang lahi na guardian.

"Binuo ni Lexus ang Serdin sa isang parte sa madilim na kalawakan. Naglabas siya ng sapat na liwanag at pinorma ito para maging isang malaking bola. Ang apat na elemento ay inipon niya sa isang orb at tinawag niyang Voltaire. Ito ay inilagay niya sa gitna ng bola ng liwanag. "Ito ang magiging puso at magpapanatili sa balanse ng mundong ito," sabi niya.

"Binalot niya ang liwanag ng mga elemento, at unti-unting nagkaporma ang kanyang planeta. Una niyang binuo ang ang Kingdom of Air, sa hilagang-kanluran. Dahan-dahan siyang umihip, at nabuo ang mga ulap. Sa alapaap at sa lupa ay masarap ang simoy ng hangin. "Ang lupain ng hangin ang magsisilbing sagisang ng kalayaan ng mga mamamayan sa mundong ito," bigkas niya.
Tinawag niya itong Aeros.

"Sa hilangang-silangan ay biniyak niya ang lupa, at isang ilog ng lagar ang nabuo. Isang malaking yanig ang kasunod nito, at umangat sa kalupaan ng mga aktibong bulkan. Sa patag naman ay kaliwa't kanang mga singaw na naglalabas ng mainit na hangin at, kung minsan, apoy. Sinisimbolo ng lupaing ito ang katapangan at alab ng pagmamahal ng mga mamamayan sa isa't isa. "Pngangalanan ko itong Pyros," sabi ni Lexus.

"Para balansehin ang nagliliyab na apoy, sinunod niya ang Kingdom of Water, sa timog-kanluran. Mula sa Voltaire ay pinaakyat niya ang tubig at binuo ang isang malawak karagatan. Hinati-hati niya ang tubig upang makabuo ng mas maliliit na mga anyo; mga ilog at lawa. Gumawa rin siya ng isang parte na puno ng yelo. Ang tubig at ang yelo ay kasing linaw ng crystal, tulad ng buhay at kabutihang tataglayin ng mga maninirahan sa kanyang mundo. Ito ay ang Aqueos.

"At sa timog-silangan ay ang Earth Kingdom. Sa kumpas ng kanyang mga kamay ay matatayog na kabundukang nakaikot sa kapatagan ang nabuo. Pinaagos niya ang tubig mula sa Aqueos at umusbong ang iba't ibang uri ng mga puno't halaman. Ang kagubatan ay naubo. "Ito ang sagisang ng kapayaan sa mundong ito," bigkas ni Lexus. "At ang pangalan niya ay Erthos."

"Sunod na ginawa ni Lexus ang iba't ibang mga hayop. Mga ibon sa alapaap, iba't ibang uri ng isda at mga lumalangoy na hayop sa tubig, mga kayang manirahan sa nagyeyelonh lupain, mga hayop sa kagubatan, at mga dragon at iba pang hayop ng apoy.

"Huli ay ang mga guardian. Kinalat niya sila sa iba't ibang panig at nagkaroon ng mga Air Guardian, Water Guardian, Earth Guardian, at Fire Guardian.

"Nakita ni Lexus na napakaganda nito. Namuhay nang payapa ang mga guardian na malapit sa isa't isa, pero napag-isip-isip niya na kailangan niya ng mga makatutulong sa kanya sa pamamalakad ng kanyang bagong mundo. Dahil dito, nilikha niya ang anim na espesayl na guardian at tinawag na mga Royal Guardian.

"Mula sa hangin at mga ulap ay hinabi niya si Aira, ang Princess of the Air Guardians; sa apoy ay iniahon niya si Zen, ang Prince of the Fire Guardians; ang tubig ay humulma sa diyosang si Acquila, ang Sea Princess of the Water Guardians; sa yelo ay binuo niya si Argon, ang Ice Prince of the Water Guardians; umihip siya sa lupa at nabuhay si Andrei, ang Ground Prince of the Earth Guardians; at sa mga puno't halaman ay lumabas si Aldea, ang Nature Princess of the Earth Guardians.

"Sa wakas, at buo na. Ang lupain ni Lexus at ng kanyang lahi ng mga Guardian ay nabuhay sa kalawakan. Tinawag niya itong Serdin."

"At tama na yan," sabi ni Mariann pagdating niya sa pwesto namin sa ilalim ng isang puno sa yabi ng ilog. "Mga bata, umuwi na kayo at tanghali na," dagdag pa niya.

Isa-isang nagsitayuan ang mga bata, at naghanda na para umuwi. "Kuya, magkwento ka ulit sa amin sa susunod," sabi ng isa bago siya lumakad.

"Panira ka naman," sabi ko kay Mariann pagkaalis ng mga bata. "Hindi pa ako tapos sa pagkukwento eh."

"Tungkol na naman sa mga Guardian," sabi niya na may pagka-irita. "Hindi nga totoo 'yan."

"Totoo sila," sagot ko. "At gusto ko silang makita."

Tumawa siya. "Sa panaginip mo lang mangyayari 'yon."

"Basta totoo sila," sinabi ko sa kanya na may pang-angal. "Gusto mo sayo ko na lang ikwento yung katuloy?"

"Tigil-tigilan mo nga ako. Kwento mo sa pagong. Tara na, gutom na ako."

     *sigh*
     Siya nga pala, I'm Albert, 16 years old, at incoming first year college student. Hilig ko talaga ang pagbabasa ng fantasy books at nakaagaw ng pansin ko ang lumang libro na tungkol sa mga guardian doon sa municipal library. Naging interesado talaga ako kaya pinilit ko 'yung librarian na bilhin 'yung libro. Pumayag naman siya kasi wala naman daw bumabasa nun. At naniniwala ako na totoo sila, although wala namang makapagpapatunay. 'Yung babae kanina, siya si Mariann. Kababata ko siya. Adjacent lang 'yung streets na tinitirahan namin kaya halos palagi kaming nagkikita. Wait, pakakainin ko pa 'yung aso kong si Jex. Osha, bye!

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon