"Sino kayo at anong kailangan niyo sa akin?"
"Naparito kami para hikayatin kang umanib sa amin."
"Ano namang mapapala ko dyan?"
"Kapangyarihan. Magkakaroon ka ng kapangyarihan."
"Kapangyarihan? Whahahahaha!!! Wala akong panahon para makipag-usap sa mga payasong kagaya niyo. Umalis na lang kayo."
Narration:
Habang nagpapahinga ang mga batang guardian mula sa nakakapagod na laban, sina Shaiya at Hera naman ay kumikilos na upang mahikayat ang isang nilalang na umanib sa pwersa ng Alcubra.
Siya si Spade. Mula sa mundo ng Nephiros. Ito ang mundo sa pagitan ng Serdin at Alcubra. Maraming mga makapangyarihang nilalang ang naninirahan dito. Isa na si Spade. Anyo siyang tao na may mga mata na parang ahas, matatalim ang mga kuko, may mga pangil, at may mahabang buhok na naka-tirintas. May itsura siya kung titingnan. Gwapo, pero nakakatakot.
"Aba, ang yabang nito ah!!!", naiinis na sabi ni Hera.
"Tumahimik ka nga dyan Hera", sabi ni Shaiya. "Uhm, alam namin na may taglay ka ng kapangyarihan, at kailangan ka namin para mapalakas pang lalo ang aming pwersa.", sabi naman niya kay Spade.
"Sino ba kayo? At bakit ganyan na lang ang uhaw niyo sa pagkakaroon ng karagdagang kakampi?", tanong naman ni Spade sa kanila.
"Hindi mo ba kami kilala?", sabi ni Hera. "Kami ay mga ghost, mula sa Alcubra. Kinatatakutan kami sa kalawakan."
"Okay.", yun lang ang isinagot ni Spade.
"Ang kapal nito ah! Hindi mo kilala ang kinakaharap mo!", galit na sabi ni Hera.
"Huh! Ibahin niyo ang mga taga Nephiros.", sagot ni Spade. "Oo nga't ghost kayo, at karamihan ay pinangingilagan kayo, pero ang mga taga Nephiros ay hindi natatakot sa inyo. Ang lupaing ito ay ang mundo sa pagitan ng Alcubra at Serdin. Pinili namin na manirahan dito dahil ayaw naming makigulo ay away ng mga guardian at mga ghost, pero hindi yun ibig sabihin na takot na kami sa inyo. Maaari ngang ilan sa amin ay mas malakas pa kesa sa kung sinong guardian o ghost."
"Tss.. Mukhang wala tayong mapapala dito. Umalis na lang tayo.", sabi ni Hera.
"Tama! Ganyan nga ang gawin niyo. Umalis na lang kayo.", sagot ni Spade.
"Tch!", sumipol si Hera, at tuluyan ng naglaho.
Shaiya's POV:
Ang yabang naman ng lalaking to. Kung hindi lang siya gwapo, kanina pa ako umalis.
"Hoy ikaw! Hindi ka pa ba aalis?", sabi niya sa akin. Aba! Walang hiya, ang bastos ahh...
"Bastos ka ah?!", sagot ko sa kanya.
"Bastos agad? Baka naman kaya ayaw mong umalis kasi gusto mo munang makipaglaro sa akin? *kindat* "
"Bastos ka talaga! Manyak!!!"
"Ahahaha! Akala ko ba malalakas ang mga ghost? Eh bakit parang nanginginig ka dyan?", eh panong hindi ako manginginig eh nilalapit niya yung mukha niya sa akin, konti na lang mahahalikan na niya ako.
"W-wala na ba talagang pag-asang mabago isip mo?", sabi ko, pero bakit ako nauutal?!! >.<
"Bakit ba ang kulit mo?! May gusto ka sa akin noh?"
"ANO?!! A-ako magkakagusto sayo? Manigas ka!", isa akong ghost, hindi dapat ako nagpapaapekto sa aking emosyon.
"Whahahahaha!!! Namumula na ka oh. XD "
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasiaSee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.