P19: The Unexpected

349 14 6
                                    

Albert's POV:

Nagsimula na kaming magsanay bilang paghahanda para sa mga mangyayari. Sina Leun at Scarlet ay sasalang sa isang combat.

"Ano handa ka na ba? Habang maaga pa, baka gusto mo ng mag-surrender", pang-aasar ni Leun kay Scarlet.

"Tss.. Tignan na lang natin", sagot ni Scarlet.

At ayun na nga, nagsimula na sila. Una, pure attacks lang muna ang mga pinakawalan nila.

"Fire balls!"

"Air barrier! Ako naman. Air slicer!"

"Fire wall! Flame roll!", tumalon siya at paikot-ikot na bumulusok papunta kay Leun.

"Air barrier!", nabawasan nga ang lakas nung atake pero tinamaan pa rin si Leun ng impact.

"Huh! Ano ka ngayon? :P ", sabi ni Scarlet.

"Asar! .. Gust!", hindi niya yun ginamit bilang atake. Gumamit siya ng gust para maikalat ang alikobok sa lupa.

"Ugh! Ugh! .. Ma-utak ka talaga Leun."

"Salamat. Haha .. ", at tumalon si Leun, ngayon hawak na niya ang kanyang arma. "Heto na. Yoyo air drill!"

*ting!* "Huh! Akala mo ah?", nasalag ni Scarlet ung yoyo gamit ang spear niya. Ang bilis niyang nagawa yun. Binuhol ni Scarlet ung yoyo sa spear at hinila si Leun. "Humanda ka! Flaming slash!"

"Aarrrgghh!!!", solid hit!

*clap*clap* "Yey! Ang galing mo girl!", sabi naman ni Lira. Nakapwesto lang kasi kami sa may gilid at nanonood.

"Natalo ako ng isang babae. :3 Nakakahiya. Ahaha", sabi ni Leun.

"Wala ka kasing bilib sa akin.", sabi naman ni Scarlet.

"Haha. Mabuti pa magpahinga ka muna Leun.", sabi ko naman.

"Tama si Albert.", sagot ni Lira. "Scarlet, combat din tayo. Gusto mo?", grabe tong mga taong to. Pagkain ba nila ang pakikipaglaban?

"Sige ba! Pero baka magaya ka kay Leun? XD "

"Ako? Magagaya kay Leun? No way! :P "

"Haha. Pinagbigyan lang kita eh.", sabi ni Leun.

"Pinagbigyan daw?", sagot ni Lira.

"Osha osha. Sige na, panalo na kayo sa ngayon."

"Sa ngayon?. Di mo lang tanggap.", sabi ni Scarlet.

"Panalo na nga kayo diba? Haha. Teka, nasaan si Andy?"

"Andun siya. Sa may gubat.", sagot ko kay Leun. "Ako na pupunta sa kanya. Magpahinga kna muna dito."

At habang naglalaban sina Scarlet at Lira tas nagpapahinga naman si Leun, nagpunta naman ako sa gubat para kamustahin si Andy.

"Andy!", nakita ko siyang nakaupo sa may damuhan. Ang daming bulaklak.

"Oh? Baket? Anong ginagawa mo dito?"

"Eh wala lang naman. Nagco-combat kasi sin Scarlet at Lira. Si Leun naman nagpapahinga. Natalo kasi siya ni Scarlet."

"Ahahaha! Wag niyo kasi kami minamaliit. Tama lang yun sa kanya."

"Grabe ka naman."

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Hindi kami hahayaan ng royal guardians na makipagsapalaran dito kung wala silang tiwala sa amin."

Clash of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon