Albert's POV:
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang panggugulo ni Hera. Maayos naman na ang lahat dito. Nung araw na iyon kasi, dumating si avo kasama si mama. Ayun, kinwento namin lahat ng nangyari. Sumugod din pala si Shaiya sa bahay ni mama ayon kay avo. Tapos nun, inayos na niya yung buong lugar. May restoration magic pala ang kapangyarihan ng light guardian. At ayun na nga, pagkatapos ng ilang sandali, balik na sa dati ang lahat. ^_^
Patuloy pa rin ang aming pagsasanay, lalo na ngayong pinapabalik na kami sa Serdin. Mas naging exciting ang aming training dahil na rin kay Sundy. Marami-rami na rin ang mga natututunan kong technique at iba pang skills. Mas kabisado ko na ang element manipulation at mas matagal na akong mapagod kapag gumagamit ng aking kapangyarihan. Mas marunong na rin ako sa paggamit ng Shinn, napapalabas ko na ang espada nang walang kahirap-hirap. Salamat sa mga kasamahan ko, dahil sila ang tumulong sa akin na sanayin ang aking kakayahan.
"Guardians, halikayo dito.", sabi ni Avo Xyrus.
Nakita namin sila sa labas ng bahay, naghihintay sa amin. Ano kaya ang sasabihin nila?
"Nandito na kami. Anong meron?", sabi ko.
"Babalik na kayo sa Serdin. Kailangan na kayo roon.", sabi nila. "Pero bago yun, gusto ko munang makita ang mga kakayahan niyo.", dagdag niya.
"Isang pagsubok?", tanong ni Leun.
"Pwede na rin. Pero mas matatawag ko itong isang laro."
"Laro? Maglalaro kami?", tanong naman ni Andy.
"Wag na kayong tanong nang tanong. Magsimula tayo sa pagpili ng mga grupo.", sabi ni avo, at hinati niya kami sa dalawang grupo. Ako, Andy, at Scarlet ang magkagrupo tas si Lira, Leun, at Sundy naman sa kabila.
"Ano?!! Mag-isa akong babae sa grupo namin?!", pag-angal ni Lira.
"Ang arte naman. Dapat nga matuwa ka kasi mananalo na tayo.", sabi ni Sundy kay Lira.
"Aba ang yabang mo ah!", sabi naman ni Andy kay Sundy.
"Tanggapin mo na kasi.", sabi ulit ni Sundy.
"Anong sabi mo?! Wag mo kaming minamaliit!", sagot ni Andy.
"Tingnan na lang natin.", hamon ni Sundy
"Sige ba!" sabi naman ni Andy. "Kamahalang Xyrus, pwede po bang babae laban sa lalaki na lang?"
"Ano? Seryoso ka ba? AHAHAHAHA!!!", pang-aasar ni Sundy.
"Oo! Bakit, natatakot ka?"
"Tss. Bakit naman ako matatakot? Baka kayo ang dapat matakot."
"Tama na yan", pag-awat ni Avo Xyrus sa kambal. "Pumapayag na ako. Babae laban sa lalaki na ang magiging laro."
At ayun na nga, nabago na ang mga grupo. Babae vs lalaki na ang game. Pinapwesto na rin kami. Mga 50 meters ang agwat ng mga grupo namin. Tapos may limutaw na replica ko sa aming grupo at replica naman ni Lira sa kabila.
"Ganito ang gagawin niyo. Kailangang matamaan niyo ang mga replica ng inyong kalaban. Bahala na kayo sa gagawin niyong diskarte. Ang tanging rule lang ng larong ito ay ang matamaan ang replica ng kalaban. Ang unang grupo na makakakuha ng dalawang puntos ang mananalo.", paliwanag ni avo. "Ngayon bibigyan ko kayo ng limang minuto para makapag-usap."
Narration:
Habang nagpa-plano ang mga batang guardian sa kung pano nila poprotektahan ang kani-kanya nilang replica, silipin naman natin ang nangyayari sa Alcubra.
"Isang linggo na tayong walang ginagawa. Nababagot na ako.", sabi ni Hera.
"Makapagsalita ka naman ehh natalo ka nga ng mga bata nung nakaraan.", sabi naman ni Shaiya.
BINABASA MO ANG
Clash of the Guardians
FantasíaSee how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost Queen of Death and Darkness.